FIRST READ ON PEP: Marian Rivera apologizes to people she may have hurt

"Kung may nasaktan ako, willing akong humingi ng despensa. Kung may pagkukulang ako, pupunuan ko. Ang importante, na-realize ko ang pagkakamali ko dahil mas gusto ko mas maraming nagmamahal at nakakaintindi sa akin," says Marian Rivera.


Galing sa lunch nila ni Dingdong Dantes sa isang resto sa Serendra sa The Fort si Marian Rivera kanina, January 26, nang humarap siya sa entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), para sa isang interview na nauwi sa "bull session." Sinabi kasi ng naimbitahang entertainment press ang mga tampo nila sa aktres, na tinanggap naman nito. Nagpaliwanag si Marian at nangakong gagawan ng paraan para hindi na maulit.

Ang bagong publicist ni Marian na si Lolit Solis ang nagpatawag ng presscon para sa aktres. Si Manay Lolit din ang publicist ngayon ni Dingdong.

Para saan nga ba ang ipinatawag na presscon ng GMA-7 at ni Manay Lolit?

"Unang-una, gusto kong mapalapit sa inyo at makilala ninyo kung sino talaga si Marian," sagot ni Marian. "Nitong mga nakaraang buwan, ang daming naglalabasan at nasusulat at nasasaktan ako dahil dati, hindi naman ganun. Dati na akong ganito, pero hindi napapansin. Willing akong humingi ng sorry kung may mga nasaktan ako."

Apektado ba siya sa mga nega na nasusulat sa kanya?

"Hindi ko sasabihing hindi dahil nasasaktan ako, lalo na ang pamilya ko. Tinatanong nila kung ano ang nangyari at bakit ganito't ganun. Sabi ko sa family ko, aayusin ko ang anumang gulo at pangako ko ito sa kanila. Hindi ako perfect na tao at may nagagawa akong pagkakamali at na-realize kong bilang artista, hindi ako puwedeng mag-no, lalo na sa fans. Ang hirap at ang sakit nang sunud-sunod na ang negative na nababasa ko."

POSSIBLE MISTAKES. Anong mga pagkakamali ang nagawa niya?

"Suplada raw ako, hindi nagpapa-picture, at laging walang time. Ang dami ko kasing schedule na hinahabol at ako naman, nagmamadali. Hindi ako nakikipag-bonding. Nami-misinterpret ako at akala'y suplada ako. Kailangan ko pala silang bigyan ng time at humihingi ako ng pasensya sa naging pagkukulang ko. Conscious na rin ako sa paligid ko at kung nagmamadali ako, magso-sorry ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iiwasan kong may ma-offend ako. Na-realize kong ‘pag nakikita nila ako, lagi kong ibibigay ang best ko. Dati, wala akong pakialam. ‘Heto ako, tanggapin ninyo ako.' Pero na-realize kong hindi laging ganoon. Kailangang may baguhin ako sa pakikitungo sa lahat—sa fans, sa press, at sa co-stars ko."

Ibig bang sabihin, babaguhin na niya ang ugali niya?

"Hindi ko babaguhin ang ugali ko dahil yun ako," paglilinaw ni Marian. "Kung babaguhin ko ang mga dati kong ginagawa, baka sabihin namang plastic ako. Mas mag-iingat na lang ako at pasensiya kung may nasaktan ako, sorry. At least, natuto ako at mababago ko ang mga pagkakamali ko. Hindi ako totally magtsi-change ng image, heto pa rin ako. Ang bibigyan ko lang ng focus ang mga taong nagmamahal sa akin dahil yun ang kulang sa akin.

"Inuulit ko, kung may nasaktan ako, willing akong humingi ng despensa. Kung may pagkukulang ako, pupunuan ko. Ang importante, na-realize ko ang pagkakamali ko dahil mas gusto ko mas maraming nagmamahal at nakakaintindi sa akin."

"Oo" ang sagot ni Marian sa tanong kung willing siyang mag-sorry sa entertainment columnist na si Ernie Pecho, na sinabihan siyang "plastikada" sa huling presscon ng Desperadas 2 last December. Matutuwa nito ang Universal Records dahil si Ernie ang PRO ng naturang recording company, kung saan gumagawa ng album si Marian.

Tungkol naman sa kanila ni Karylle, babatiin daw niya ito ‘pag kanyang nakita. Ang alam ni Marian ay wala silang problema. Nagkaroon lang daw ng isyu nang maghiwalay sina Karylle at si Dingdong.

Paano si Boy Abunda, na nabalita ring nakatampuhan niya?

"Wala akong problema sa kanya dahil wala akong ginawa sa kanya. Hindi pa kami nagkikita. If ever magkita man kami, babatiin ko siya dahil sa puso ko, wala akong galit sa kanya."

Dagdag ni Marian, na-realize niyang hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang kanyang pakikitungo dahil may mga taong kilala siya at naiintindihan siya. Pero yung iba ay ngayon lang niya nakikilala at nakakahalubilo. Pipiliin na raw niya ang mga taong bibiruin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEMOLITION JOB. Naniniwala ba siyang may demolition job sa kanya?

"Ayokong isiping may demolition job sa akin. Gusto ko lang magtrabaho at magpasaya. Happy akong may trabaho ako at marami ang napapasaya."

Binanggit kay Marian na nagsimula ang pagka-nega niya nang mag-break sina Dingdong at Karylle. Marami kasi ang naniniwala na siya ang rason kung bakit naghiwalay ang dalawa. Sumang-ayon naman sa obserbasyon na ito si Marian at nagtuluy-tuloy na sa ibang isyu.

"Sabi ko nga sa management [GMA-7], nahihirapan na ako sa mga below-the-belt na tira sa akin. Siguro ‘pag namatay ako, matutuwa ako dahil wala nang isyu sa akin," prangkang sabi ni Marian.

Naramdaman ba niyang marami ang galit sa kanya?

"Sa tao, sa mga nasusulat... Pumunta ako sa Cebu, okay naman ang pagtanggap sa akin kahit sinabing ABS-CBN country yun. Okey din ang welcome sa akin sa Tarlac nang pumunta ako sa fiesta nila."

PRESSURE ON NEW SOAP. Inamin ni Marian na may pressure sa kanya na napaaga ng isang linggo ang airing ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Sa halip kasi na sa February 9 ay sa February 2 na eere ang bagong soap nila ni Dingdong. Ipinagdarasal daw niyang mag-rate ito dahil kakaiba ito sa Marimar at Dyesebel.

May nagsasabi ring magiging barometer ang soap na ito kung naapektuhan ang love team nila ni Dingdong sa negative issues na dumating kay Marian.

"Naniniwala akong hindi base sa ugali ng tao kung ano ang pipiliin nilang panoorin," sabi ni Marian. "Pero nagdadasal pa rin ako na magustuhan ng tao ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Kinakabahan ako dahil sanay ang tao na kinakawawa ako, na pulubi ako. Pero ngayon, bad girl ang character ko, akyat-bahay gang, at makapal ang makeup."

Bilang panghuli, tinanong si Marian kung sino ba talaga siya. Paano niya ide-describe ang sarili?

"Kung ano ang nakikita ninyo sa akin, yun ako. Kalog ako, makulit. Mapagmahal ako lalo na sa mga taong mahal na mahal ako," paglalarawan ni Marian sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN