Ara Mina on current romance: "I want this for keeps na."

"Sa akin na siya lumaki. Ako ang nagpaaral sa kanya since prep hanggang high school. So, kumbaga, parang kulang na lang sa akin siya lumabas. Kaya doon sa mga nang-iintriga sa amin... Kung nag-aaway kaming magkapatid, it's normal. Normal na nagkakatampuhan sa mga magkarelasyon...sa mga magkapatid o sa mga kamag-anak mo, it's normal," says Ara Mina about sister Cristine Reyes.


Isa si Ara Mina sa mga artistang hindi hinihiwalayan ng mga intriga. Maging sa kanyang career, love life, family, o sa kanyang business, lagi siyang nilalapitan ng kontrobersiya.

Kaya naman sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, January 25, isa-isang sinagot ni Ara ang matitinding tanong ng host na si Kris Aquino para sa"The Buzz Tough Ten."

Tough Ten Question No. 10: Tila lahat ng gusto mo sa buhay ay meron ka na. Aling aspeto ng buhay mo ang sa palagay mo kulang pa?

"Siguro yung ano, yung magiging partner in life," sagot ni Ara, na ikina-react ng mga tao sa studio. "Kasi siyempre, I'm not getting any younger. So... sabi nga nila Vina [Morales], ‘Naku, magpa-ano ka na. Baka mahirapan kang mag-baby.' Sabi ko naman, ‘Naku, wala pa akong planong mag-baby.'"

Tough Ten Question No. 9: Lagi kayong nako-compare ni Cristine Reyes, your sister. Ano ang meron siya na wala ka, at ano yung wala siya na sa palagay mo meron ka?

"Well, I can say na mas sexy sa akin ang kapatid ko. Ano ba? Kasi iba ang definition ng sinasabi nilang pagka-sexy ko at pagka-sexy niya. But I find her sexy kasi nga gusto ko talaga ganung ka-skinny. E, ako, balakangin ako and malaking bulas talaga ako. But I'm happy with my body."

So, anong meron ka na kulang kay Cristine?

"Siguro, yung masipag sa pagkanta. Medyo tamad siyang kumanta, e. Lagi ko yung sinasabi sa kanya para makaraket siya!" sabay tawa ni Ara.

Tough Ten Question No. 8: Kung may pagkakataong magkatabi kayo ni Pops Fernandez, ano ang unang tanong ang gusto mong itanong sa kanya kung si Jomari Yllana ang pag-uusapan?

Maingay ang audience dahil ex-girlfriend nga naman ni Jomari si Ara at current naman si Pops.

"Ano...wala ba kayong balak magpakasal?" wika ni Ara na mas lalong ikina-react ng audience. "Hindi, kasi friends na kami ni Jom, e. I'll ask him na wala ba siyang balak magpakasal. Siyempre lumalaki na si Andrei [anak ni Jomari kay Aiko Melendez]. You're not getting any younger."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, anong connect ni Andrei? Si Andrei ay anak ni Mareng Aiko.

"Oo nga. Ibig kong sabihin, para mapaghandaan or something, di ba?"

Tough Ten Question No. 7: Masaya ka ba sa piling ng iyong businessman boyfriend, at bakit mo nasasabing masaya ka?

"Well, ano..." sasagot na sana si Ara, pero biglang sumingit ng tanong si Kris kung anong business involved ang boyfriend ni Ara.

"Actually, ayokong pag-usapan yung business nila kasi he's a very private person. Basta same age kami, and sabihin na nating 6'1" ang height."

Filipino o foreign, ipinapatanong ni Ruffa?

"Half-Chinese, half-Filipino. And sobrang bait."

Prominenteng pamilya ba?

"Yes, prominenteng pamilya."

Alam mo sa pagiging prominente niya, clue na lang? Anong field sila involved in, may airline ba sila... may alak ba sila... may malls ba sila... may real estate development?

"Marami kasi silang business, e," tugon ni Ara na ikina-react hindi lang ng audience kundi pati ni Kris mismo.

Sabi pa ni Kris, "O, panalo! Okay!"

Ano nga ang negosyo?

"A, ayoko ngang pag-usapan kasi nahihiya ako sa family niya, e."

Kilala ka na ng family, as in nag-dinner na kayo?

"Yes. I met his dad and his mom. Yung mga kapatid niya na-meet ko na, and mga tita. And ano, sobrang ano...pinanood nila yung Mano Po [pelikulang pinagsamahan nina Ara at Kris]. They like it. Kasi yung Mano Po, parang ganun ang story nila."

Sabi mo kaedad mo, so is he 30 or 31 years old?

"Turning 30."

"Wow! And the fact na ipinakilala ka na sa family, that's a big deal ha," sabi pa ni Kris. "I'm curious talaga kung sino siya. Later, ibulong mo."

Tough Ten Question No. 6: Parang hindi maganda ang inyong naging hiwalayan ni Polo Ravales at ngayon, naiipit na naman siya sa isang bagong isyu ng hiwalayan (with Jean Garcia). Kung may payo ka sa susunod na magiging karelasyon niya, ano ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano, parang dedma na lang. Kasi ano e... wala, ayoko lang."

Tough Ten Question No. 5: Ano ang pumapasok sa isip mo kapag binabanggit ang pangalang Manny Pacquiao?

Malakas muna ang tilian ng audience bago nakasagot si Ara.

"Minsan, parang nagiging joke siya pag nasa show ako. But minsan, natatawa ako. Pero pag may naririnig ako kunwari, like yung sa bahay, dun ako naiyak before. Napikon talaga ako. That is a very traumatic experience for me."

But are you aware of the fact na until now kahit you're open about having a boyfriend, may bulung-bulungan pa rin about the two of you?

"Ha? Kung kani-kanino na nga siya natsitsismis, e. Bakit ba? Ano bang meron? May gusto ba siya sa akin? Di ba, kasi bakit ayaw matigil? I'm happy with my life now!" madiin na sabi ni Ara. "So, sana tigilan na lang. Kasi ako, ano, e, tahimik ako ngayon sa buhay ko."

Tough Ten Question No. 4: Mapangahas na tanong. Sino sa inyo ang mas mayaman ngayon—si Cristine o ikaw?

"Hindi ko alam. Kasi ako more into ano, e...nag-i-invest ako, e, di ba, sa bahay, sa alahas, sa gamit? Pero siguro mas malakas siya kumita in a way dahil...because of her Eva Fonda. Pero mas malakas ako sa raket."

Was there a time na kinailangan mo ng financial assistance galing sa kapatid mo?

"Yes," walang kagatul-gatol na sagot ni Ara. "I'll be honest. Totoong humiram ako sa kanya. And natural lang naman yun sa magkapatid. Gusto n'yo pa sabihin ko yung amount?"

Yes, of course gusto naming lahat, say ni Kris.

"Hiniram ko P1.8 million. Ito yung time na nag-produce ako ng Ate [their movie together]. Nag-overbudget ako and I told her pag naibenta ko na yung TV rights, I'll give it to her."

Naibigay mo na ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa, kasi wino-workout ko pa yung ano...nakikipag-negotiate pa ako sa TV rights and cable rights. And as of now, kung medyo naiinip ako sa TV rights, ang ginagawa ko rumaraket ako para maipon ko yung 1.8, para maibalik ko sa kanya," paliwanag ni Ara na pinalakpakan ng mga tao.

Comment pa ni Kris, "Para lang klaro. Kasi nagtutugma yung story, madalas siyang [Cristine] nagte-taping ng Banana Split, and ako nagte-taping. Remember before, noong 12 lang siya, kasama natin, Mano Po days yun. I asked her about it and she said, all those years din naman na ikaw [Ara] yung tumayo na talagang nakasuporta sa kanila. Parang ibinalik lang daw niya 'yon and wala raw sa kanya yun.

"Sa akin na siya lumaki," dugtong ni Ara. "Ako ang nagpaaral sa kanya since prep hanggang high school. So, kumbaga, parang kulang na lang sa akin siya lumabas. Kaya doon sa mga nang-iintriga sa amin... Kung nag-aaway kaming magkapatid, it's normal. Normal na nagkakatampuhan sa mga magkarelasyon...sa mga magkapatid o sa mga kamag-anak mo, it's normal."

Tough Ten Question No. 3: Intriga—ibinenta mo na raw yung bahay mo sa Ferndale, at ipinasara mo na raw yung negosyo mong restaurant. Yung mga tanong: Totoo ba ito at kung totoo, bakit? The house, I've been there. It's really nice.

"Thank you. Yes, nabenta ko."

Did you get a good price?

"Okay lang naman. Kasi kasama yung gamit. So, para pandagdag sa bahay na binili ko na bago. And yung kulang ni-loan ko sa bank."

Yun yung pinakita mo kay Boy [Abunda, Ara's manager], yung loan papers, I remember that.

"Yes. March na-approve yun. Nabenta yung house. Tapos yung ibang mga loans ko pa from sa mga bahay na ibinenta ko, binayaran ko. Kaya ako nagkulang dun sa bahay na binili ko, kaya nag-loan ako ulit. So, up to now, I'm still paying for my house."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What happened to the restaurant?

"Sa restaurant, yung Cafe Mina, I closed it for a while muna kasi may inaayos sa kitchen. Then, io-open ko this January 28."

Tough Ten Question No. 2: Kung meron kang ihihingi ng tawad sa iyong ina, ano ito?

"Siguro yung hindi ako nakinig sa kanya sa mga past boyfriends. Kumbaga, parang ano... ano lang... Pero sa akin okay lang, e. From that experience, marami akong natutunan. So, mas naging strong ako. Mas naging mature akong tao. And I think, lahat naman ng tao pinagdadaanan yun. And, mas ano kami ng mom ko, mas close kami ngayon."

Tough Ten Question No. 1: Sa estado ng iyong kapatid ngayon sa showbiz, sa tingin mo ba nalampasan ka na ni Cristine?

"Hindi ako ang makakapagsabi kung nalampasan niya ako, ang mga tao. But I'm happy for her kasi kapatid ko siya. Actually, pag nakikita ko siya, parang nakikita ko yung sarili ko before kung paano ako nagsimula. And may kanya-kanya kaming kakayahan.

"And wala na akong mahihiling pa sa career ko. Lahat ng gusto kong marating, na-achieve ko like magka-award, ibinigay ni Lord. So, I'm happy for my sister. Walang inggit at all. Kasi kumbaga, iba na yung level ko siguro ngayon, parang naka-graduate na ako sa ganyang era, na nagawa ko na halos lahat ng ginagawa niya ngayon."

But, you do realize na she's the hottest sexy actress now?

"Yes, I know. And I'm happy kasi everywhere I go, ‘Uy si Ara, kapatid ni Eva Fonda.'"

So, alam mo na naging ganung kalakas ang Eva Fonda?

"Yes, and I'm happy."

If she's watching us right now, is there something you want to tell her? Are you okay now?

"Yeah, we're okay now, kaka-bonding lang namin. Well, kasi hindi na ako nakikialam sa career niya, para wala nang conflict. And I just want you to know na I'm happy for your success. And sana pagbutihin mo. Huwag lalaki ang ulo. Iyon lang sa lahat, huwag lalaki ang ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana i-prove mo rin sa kanila na kaya mo, na magaling kang umarte. And marami namang nagsasabi, at hindi ka lang hanggang pagpapa-sexy. And kahit hindi naman siya ano... nare-realize ko, sinusundan din naman niya yung mga advice ko, pasimple."

At nagpahabaol pa ng isang tanong si Kris na tinawag pa niyang Ultimate Tough Ten.

Ultimate Tough Ten Question: Since nabanggit mo na yung boyfriend mo at nasabi mo na sa start ng interview kung ano yung kulang, yung malagay ka sa tahimik and magkaroon ka ng family. Do you honestly think na itong si part-Chinese, rich-influential family boyfriend mo na ito...

Biglang sumingit si Ara at sinabing, "Ah, let's call him na lang Moi, his nickname."

Si Moi na ba ang makakatuluyan mo o ipinagdarasal mo ba 'yon?

"Well, yeah, I'm praying. Kasi ano, e, ayoko naman yung papalit-palit ng boyfriend. And I said sa last interview ko, if ever na magkaka-boyfriend ako, this time, I want this for keeps na."

So, if Moi is watching, what do you want to tell Moi?

"Are you watching? Anyway, Kung Hei Fat Choi! I'll see you later, naks! Thank you for being there. Thank you for being understanding. Thank you rin sa family mo. And sana maging okay pa yung ano... We're not really pa sobrang serious, pero sana maganda ang patunguhan nitong ano natin...pagsasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN