Marian Rivera reveals reason behind breakup with Ervic Vijandre

"Very close lang talaga kami, perowala pa po yung boyfriend-girlfriend. Basta ang masasabi ko lang po, hindi kopo isinasara ang pinto ko kay Dingdong," says Marian Rivera about leading man Dingdong Dantes.



Kasamang dumating ni Marian Rivera sa isang afternoon ofchikahan with select entertainment press, kabilang na ang PEP (PhilippineEntertainment Portal), sa executive lounge ng GMA Network Center kahapon,January 26, ang program manager ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Ms.Redgynn Alba.

Si Redgynn na rin ang nag-confirm na sa February 2 na angpilot telecast ng ikatlong primetime series nina Marian at Dingdong Dantes. Kayamedyo stressed daw sila dahil biglaan ang schedule na dapat ay sa February9 pa. Magsisimula pa lang daw kasi silang mag-taping ng week three ng Ang BabaengHinugot Sa Aking Tadyang.

Bakit bigla ang desisyon na mapaaga ang pilot telecast nila?

"Ang dami na po kasing request na gusto na nilangmapanood sina Dingdong at Marian," paliwanag ni Redgynn. "Naiinip naraw sila dahil October 2008 pa nila huling napanood sa Dyesebel ang dalawa."

Kaya raw sa final week ng Lalola starting February 2,magiging apat na soaps na ang mapapanood sa Kapuso network pagkatapos ng 24Oras. Bukod pa rito ang Koreanovela na Money War.

On February 9, balik na sa regular tatlong local soaps at isang Koreanovela—Luna Mystika, Gagambino, Ang Babaeng Hinugot Sa AkingTadyang, at Money War.

Tinanong ng PEP si Marian kung hindi ba siya natatakot dahiliba ang role na ginagampanan niya sa bagong soap nila ni Dingdong.

"Medyo nag-aalala nga po ako, kasi nasanay na angteleviewers sa akin na ako ang inaapi," sabi ni Marian. "Dito, matapang ako, misteryosa,street-smart, naughty at ibang-iba ang ayos ko. Kahit ang makeup ko, iniba rinnila. Pero ipinagdarasal ko po na magustuhan nila ito dahil talagangpinaghandaan ko, namin ni Dingdong, ang mga characters namin dito."

WHAT'S THE REAL SCORE? Speaking of Dingdong, since pareho nasilang libre ng kanyang leading man, ano na talaga ang real status nilangdalawa ngayon?

"Lumalabas po kami, pero hindi naman po talagangdate," sabi ni Marian. "Minsan, tatawag siya sa akin, kung wala raw akong appointment,puwede ba kaming mag-lunch o mag-dinner. Like kaninang umaga, tumawag siya kunggusto ko raw mag-lunch kami. Sabi ko, okey. Ayun, nag-lunch kaming dalawasa Serendra, hindi ko lang po napansin kung ano ‘yong restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last Friday [January 23], wala po kaming taping dahilTuesday, Thursday, and Saturday ang taping namin, tumawag siya kung nasaan dawako. Sabi ko nasa Rockwell ako, pupunta raw siya. Kumain lang po kami sa Oliver's Sandwich."

May nakakita raw sa kanila, sweet na sweet daw sila sa isa'tisa.

"Hindi naman po," tanggi ni Marian. "Ganoon na kasikami noon pa ni Dong. Siguro dahil talagang naging close na kami simula pa ngMarimar at wala pong nababago sa samahin namin. Wala po kaming ginagawangmasama kaya hindi namin itinatago kung lumalabas man kami."

Wala pa ba siyang ibang feelings para kay Dingdong?

"Hindi ko naman po isinasara ang pinto ko kay Dong.Dahil lagi nga kaming magkasama, hindi po malabong magkagusto ako sa kanya,"diretsong sagot ng dalaga.

Hindi pa ba nanliligaw sa kanya si Dingdong?

"Wala pa naman po. Very close lang talaga kami, perowala pa po yung boyfriend-girlfriend. Basta ang masasabi ko lang po, hindi kopo isinasara ang pinto ko kay Dingdong."

Sa Valentine's Day, ano ang plano nila ni Dingdong?

"May taping po kami," sagot ni Marian.

Biro ni Redgynn, sa kanya raw ang Valentine's Day ninaDingdong at Marian. Hindi raw sila puwedeng hindi mag-taping. Bago kasi angValentine's, aalis pa ang dalawa for Guam dahil special guests sila ngconcert doon nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez with boxing champ MannyPacquiao sa February 7.

May naisip na ba siyang Valentine gift for Dingdong?

"Wala pa po. Wala pa akong time bumili ng gift para sakanya," nakangiting wika ni Marian.

Bago natapos ang interview kay Marian, napilit din siyangsabihin kung ano ang Christmas gift niya kay Dingdong—Omega wrist watch.Pero hindi naman siya napilit na sabihin kung ano ang Christmas gift ni Dingdong sakanya. Tanungin na lang daw namin siya ulit sa presscon ng Ang Babaeng HinugotSa Aking Tadyang sa Thursday, January 29.

REASON FOR BREAKUP. Kinulit ng entertainment press si Mariankung ano ba talaga ang reason ng breakup nila ng dating boyfriend niyang siErvic Vijandre, na eight years din ang itinagal ng kanilang relasyon. Hindi kasi sinabi noon ni Marian kung bakit sila nag-break ni Ervic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang nagseselosito kay Dingdong at pinapili si Marian between her career andErvic?

"Hindi po," tanggi ni Marian. "Minsan po nagseselossiya noon kay Dingdong, pero ina-assure ko siya palagi na wala siyang dapatipagselos, trabaho lang talaga ‘yon.

"Three months na nga po kaming break bago nalaman ni Dong dahillumabas sa kabila [ABS-CBN]. May kaibigan po yata siyang [Ervic] reporter doonkaya nila nalaman ang breakup namin kaya inilabas nila.

"Ang totoo po," patuloy niya, "masyadong conservative angboyfriend ko at pinagtalunan namin ang pagtanggap ko para sa calendar 2009 ngGinebra San Miguel. Actually, matagal na po yung offer sa akin, hindi po namintinatanggap ng manager ko. Pero nang sabihin nila sa akin na hindi naman akomagpo-pose na too sexy... Yes, naka-two-piece swimsuit ako, pero may t-shirt sa ibabaw,sabi ko ita-try ko. Ayaw po niyang [Ervic] pumayag. Pero sabi ko, sayang naman angopportunity.

"Two weeks po kaming away nang away tungkol doon. Hindinaman po totoo na pinapili niya ako sa career ko at sa kanya. Kaya nag-usap napo kami nang masinsinan at nakipag-break na ako sa kanya, at saka ko langtinanggap ang offer para sa calendar.

"Wala po silang napansin sa akin na nakipag-break naako sa boyfriend ko dahil that time, busy ako sa taping ng Dyesebel at sashooting ng One True Love. Wala po akong time na maging sentimental dahil sanangyari," lahad ni Marian.

Hindi ba siya binalikan ni Ervic?

"Hindi na po, kasi nga maayos naman ang paghihiwalaynamin."

Totoo bang mag-aartista na rin si Ervic?

"Ang balita ko po, gusto niyang mag-join ng Pinoy BigBrother," banggit ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN