Boy & Kris moving up to primetime

ABS-CBN daily morning talk show Boy & Kris, hosted by Boy Abunda and Kris Aquino, is moving up to alater timeslot.


Sa January 25 episode ng The Buzz ay pinabulaanan ng mga host nitong sina Boy Abunda at Kris Aquino ang balitang tatanggalin na sa ere ang kanilang morning talk show na Boy & Kris. Pero sinabi rin nila na may malaking sorpresa na naghihintay para sa kanilang avid followers.

Kaugnay nito, nakumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na konektado sa Boy & Kris na ililipat na sa primetime ang timeslot nito.

Ayon pa sa aming source, mula sa isang oras ay iiklian na lang ito sa 30 minutes. Papalitan din daw ang format ng show. Mula sa isang lifestyle format, ang Boy & Kris ay magiging isangshowbiz talk show.

Isa pang pagbabagong magaganap para kay Kris ayang pagtatapos ng kanyang game show na Kapamilya, Deal or No Deal. Papalitan daw ito ng panibagong game show na siKris pa rin ang magiging host. Hindi pa malinaw ang detalye ng bagonggame show na ito ngunit sa isang studio sa labas ng ABS-CBN compoundito gagawin.

Napag-alaman din ng PEP na ang posibleng pumalit sa timeslot na maiiwan ng Boy & Kris ay isa ring morning talk show. Ayon sa aming source, ang mga host daw ng bagong programang ito ay sina Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, at Ruffa Gutierrez.

Nakita na raw ng aming source na nag-voice over si Ruffa para sakanilang panibagong show. Si Ruffa ay kasalukuyang co-host nina Boy at Kris sa Sundayshowbiz talk show na The Buzz. Kasama rin si Ruffa sa primetime series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea.

Si Lorna naman ay nanggaling sa pagiging co-host ng Startalk sa GMA-7. Ang upcoming morning show ng ABS-CBN ang posibleng magiging unang project niya sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network.

Si Dina naman ay kilalang host din ng isang dating talkshow na Ms. D, na ipinalabas din sa Kapuso network. Kasama siya sa upcoming ABS-CBN primetime series na May Bukas Pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung saka-sakali, tatapatan ng morning show nina Lorna, Dina, at Ruffa ang SiS ng GMA-7 na hinu-host naman ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen at ni Carmina Villarroel. Ngayong taon ay magwa-walong taon na ang SiS sa ere.

Ang pagbabago sa morning talk show at primetime viewinghabit ng Kapamilya network ay magaganap diumano sa February 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN