Ruffa Gutierrez's book will not divulge anything shocking about life with Yilmaz

"It is not a book to make money or it is not a book para magsasabi ako ng things against him [Yilmaz]. You know, there was a lot of love between us and I also want him to learn about the lessons I've learned during my experience being a Muslim, living there in a different country," says Ruffa Gutierrez about the book she is planning to write.


Nauna nang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang gagawing libro ni Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang buhay, kasama na ang kanyang karanasan bilang asawa ni si Yilmaz Bektas. Naging kontrobersiyal ang announcement na ito ni Ruffa dahil may pasasabugin daw umano at bagong ibubulgar si Ruffa sa librong ito na hindi pa alam ng mga tao. (Click here to read related article.)

Pero binigyang-linaw ni Ruffa ang kontrobersiyang ito sa The Buzz last Sunday, January 25, kung saan isa sa mga host ng naturang showbiz talk show ang TV host-actress.

"Grabe! Wala naman akong ibubulgar!" reaksiyon ni Ruffa sa isyu.

Aniya, gusto niya raw ilabas ang librong ito para na rin sa kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

"Because I want Lorin and Venice to know the truth one day, para hindi ko na sa kanila i-explain kung ano ang dapat sabihin ko sa kanila. Kasi every one is asking kung kailangan ko bang sabihin sa kanila. Isang beses ko na lang ie-explain sa kanila," paliwanag ni Ruffa.

Naniniwala rin si Ruffa na maraming matutuhan ang mga tao sa librong balak niyang gawin, lalo na sa mga kababaihan.

"I think a lot of women, a lot of people will learn from this book," sabi niya. "It is not a book to make money or it is not a book para magsasabi ako ng things against him [Yilmaz]. You know, there was a lot of love between us and I also want him to learn about the lessons I've learned during my experience being a Muslim, living there in a different country."

Nilinaw rin ni Ruffa na wala siyang love affairs na isasama sa libro. Pero ang tanong nga ng kanyang mga kasama sa The Buzz na sina Boy Abunda at Kris Aquino ay kung may sorpresa nga ba siyang ilalagay sa librong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, you know, one thing is for sureā€”it will be coming from the heart. And I think those are the best books."

Nagulat na lang sina Boy at Kris nang sagutin ni Ruffa kung kailan niya ito gustong ilabas.

"This year!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN