GMA Films may return to MMFF this year with Bong Revilla's Panday

Actor-politician Bong Revilla will re-create the classic character popularized by the late Fernando Poe Jr. in Panday from GMA Films and Imus Productions.



Sa second press conference ng When I Met U ng Regal Entertainmentat GMA Films last Monday, January 26, nakausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang GMA Films executive na si Joey Abacan. Tinanong namin siya sa mga susunod na projects ng GMAFilms para sa taong ito pagkatapos ng Valentine offering nila starring RichardGutierrez and KC Concepcion.

"Maraming plano, pero isusunod na ang Sundo," sabi ni Joey, tinutukoy ang horror movie na pinagbibidahan nina Robin Padilla,Sunshine Dizon, Katrina Halili, at Rhian Ramos.

Malamang na bago mag-Holy Week ipalalabas ang Sundo. Talagangnagtagal daw sila sa post-production ng unang full-length horror movie ni Robindahil sa special effects nito.

Naitanong din namin ang Angelina, ang movie version ng character ninaOgie Alcasid at Michael V sa Bubble Gang. Ngunit sa APT Entertainment daw itoat malamang na mag-co-produce lang ang GMA Films o di kaya ay mag-mediapartner.

Nabanggit din ang unang pelikula ni Marian Rivera this year, perohindi pa puwedeng masabi ang pangalan ng magiging partner niya.

Dumako ang usapan sa nabalitang Andres Bonifacio biopic, nabalitang pagbibidahan ni Dennis Trillo at magpapabalik sa GMA-7 sa taunang MetroManila Film Festival (MMFF) tuwing Kapaskuhan. Pagkatapos ng Mulawin The Movienoong 2005, hindi na muling sumali ang film arm ng Kapuso network sa MMFFbagama't nag-media partner ito sa Regal para sa magkasunod na Desperadas atDesperadas 2.

May nakapagsulat na sasali ngayong taon sa MMFF ang GMAFilms sa pamamagitan ng Bonifacio.

"Ha? May nabasa nga ako pero walang ganoon," paglilinaw niJoey. "Pero baka sumali nga kami sa MMFF 2009, makikipag co-produce kay Bong [RevillaJr.] sa Panday niya."

Sa thanksgiving party para sa entertainment press ng pamilyaRevilla kagabi, January 27, sa Annabel's restaurant, ay ipinalabas ang isangteaser na sinimulan pagkatapos ng opening speech ni Senator Bong, kung saan binanggit niya na may bagonga siyang pelikula.

Mga logo ng GMA Films at Imus Production ang teaser movie, kungsaan isang meteor ang bumubulusok mula sa kalawakan. Sa malaking tipak na bato,lalabas ang isang mahabang espada at sa lupa, makukuha ito ni Bong Revilla saka ilalabasang buong titulo ng pelikula—Carlo J. Caparas' Panday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinausap agad ng PEP ang aktor tungkol sa Panday. Ang alamniya, baka November daw ito ipalabas. Pero depende rin daw kung makakapasok itosa screening committee ng MMFF 2009. Wala pa ring napipiling leading lady siBong na gaganap ng original Flavio. (Sa Dugo ng Panday ni Bong noong 1993,kapangalang apo lang siya ng original na Panday na ginampanan ni Fernando PoeJr.).

Sina Rico Gutierrez at Mac Alejandre daw ang magdidirek ng Panday mula sa panulat ni RJ Nuevas.

May apat na installment ang original na Panday series ngyumaong Hari ng Pelikulang Pilipino: Ang Panday (1981), Ang Pagbabalik ng Panday (1982), Panday: Ikatlong Yugto (1983), at Panday: Ika-apat Na Aklat (1984).

Noong 1993, ini-spoof ito ni Joey de Leon sa Pandoy, AngAlalay ni Panday.

Taong 1993 din nang ibinalik ang Panday series sa Dugo ngPanday nga ni Bong ngunit descendant lang ng original character ang ginampananniya kahit Flavio pa rin ang pangalan nito. Noong 1998 naman, si Jinggoy Estrada ang nag-Panday sa Hiwaga ng Panday, kung saan ang characterniyang si Guiller ang nakakuha ng espada ni Flavio.

Sa primetime soap ng ABS-CBN na Panday noong 2005,hindi rin si Flavio ang ginampanan ni Jericho Rosales sa title role kundi isapa sa mga nakakuha ng espada, si Tristan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN