UPDATED: Kyla is not pregnant

"Milagro kapag nangyari yun!" was reportedly Kyla's reaction after receiving news that she got pregnant by her cager boyfriend Rich Alvarez.


Nagsimula sa blind item at pagkatapos ay tinukoy na si Kyla ang nababalitang singer na nagdadalang-tao diumano. Kaya ang tanong tuloy ng marami ngayon ay kung totoong buntis nga ba si Kyla courtesy of her cager boyfriend Rich Alvarez.

Si Rich, na player ng Purefoods Tender Juicy Giants, ang kauna-unahang boyfriend ni Kyla.

Kararating lang ni Kyla kahapon ng madaling-araw, January 28, para sa series of shows ng GMA Pinoy TV doon. Sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala niya sa GMA News, ito ang kanyang sinabi: "No big deal. Huwag na nating palakihin kasi hindi naman totoo."

Ayon daw sa singer, bago raw siya magbuntis ay sisiguraduhin daw niyang mauuna muna ang kasal nila ni Rich. Pero matagal pa raw ito bago mangyari.

Isa ring very reliable source, na malapit kay Kyla, ang nakausap ng PEP kahapon. Sinabi nitong walang katotohanan ang balitang buntis ang R&B Princess.

Ayon sa aming source, natawa lang daw si Kyla nang makarating sa kanya ang balita. Mariin ding itinanggi ng dalaga ang isyu. Sa katunayan, nasabi pa raw nito sa aming source na: "Milagro kapag nangyari yun!"

Kuwento pa ng source ng PEP, si Kyla raw mismo ang nagbalita sa kanyang ina na may kumakalat na balita sa kanya. Tulad ni Kyla, natawa lang din daw ang ina nito nang malaman 'yon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN