Gabby Concepcion on ex-wife Sharon Cuneta: "Everything is okay, yes!"

"Nagpapasalamat ako sa Diyos at ibinigay na Niya sa akin yung pagkakataon at yung panahon na magkausap kami. Magkaibigan na kami at nag-uusap na kami," says Gabby Concepcion about ex-wife Sharon Cuneta.


Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comebacking actor na si Gabby Concepcion sa oathtaking ng newly-elected officers and some members of the Philippine Movie Press Club (PMPC) sa tanggapan ni Vice Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall kahapon, January 27.

Nasa magandang mood si Gabby nang umagang 'yon; maaga siyang dumating at agad nakihalubilo sa mga taga-PMPC na manunumpa sa tungkulin.

The last time Gabby joined the group was November of last year nang mag-host siya para sa PMPC Star Awards for Television '08 sa SMX Mall of Asia. Hindi makalimutan ng aktor ang challenge ng muling paghu-host ng ganung affair na dati na rin niyang nagagawa.

"Pagtayo ko pa lang sa stage, tuluy-tuloy na 'yon! Nakakapanibago rin, nakakakaba rin," banggit ni Gabby. But someone from the group commented na hindi halatang kabado siya dahil hindi na rin bago sa kanya ang nakasanayan at kinahusayang trabaho bilang host.

Kararating lang ni Gabby mula sa pagbabakasyon sa U.S. during the holiday season. Hindi raw siya nanibago sa nadatnang klima dahil winter sa States nang umalis siya at "pagdating mo naman dito, hindi gaanong mainit dahil nasa January pa lang tayo; maganda yung klima dito."

Kadalasang mainit ang pagtanggap kay Gabby ng mga kababayang Pinoy, taga-showbiz man o hindiā€”of course, with some notable exceptions.

MOVIE & ALBUM. Sa interview sa aktor, mas nabigyang-linaw ngayon ang planong paggawa niya ng pelikula under GMA Films, na hindi natuloy nang una siyang mag-balikbayan middle of last year. Incidentally, Gabby's daughter KC Concepcion just wrapped up work on a movie for GMA Films, When I Met U, opposite Richard Gutierrez.

"Naghihintay na lang ako ng tawag," pagtukoy naman ni Gabby sa offer ng GMA movie production outfit. "Meron ding pelikulang binabalak ang ABS-CBN [thru Star Cinema]. I think magsasabay 'yon.

"Matagal nang usapan 'yon, naghihintay na lang ng schedule. Alam ko may istorya na, so schedule na lang," paniniyak ni Gabby, who added na nagkausap na rin sila earlier that day ng dati niyang producer na si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni Gabby ang tungkol sa ni-release na self-titled debut album under Warner Records. Natutuwa siya dahil successful ang pagsisimula niya ng career bilang recording artist. The album has now turned gold, at nagpapasalamat si Gabby sa mga FM radio stations at record outlets na patuloy ang suporta.

SHARON & KC. Ang sumunod naman na paksa ay tungkol sa kanyang dating asawa na si Sharon Cuneta, at sa sikat na actress-daughter na si KC Concepcion.

Nabanggit ang nakaraang birthday concert ni Sharon sa Araneta Coliseum, na mayroong taped video ng birthday greeting si Gabby mula pa sa U.S. para sa dating asawa.

"Everything is okay, yes!" nakangiting sabi ni Gabby. "Salamat sa Diyos. Pana-panahon lang talaga. Naniniwala ako do'n...mahirap pilitin ang isang bagay kung wala sa panahon.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos at ibinigay na Niya sa akin yung pagkakataon at yung panahon na magkausap kami. Magkaibigan na kami at nag-uusap na kami," banggit ng aktor on his ex-wife.

From Shawie, napunta naman ang usapan kay KC.

"I'm very happy rin for KC, because si KC naman, hindi ko naman akalain na malalagay siya sa posisyon niya ngayon [bilang isa sa most-sought after young actresses and product endorser] dahil sa sarili niyang gawa," Gabby humbly states.

Of course, everyone is of the opinion, too, kanino ba naman magmamana si KC kundi sa parents nito na sina Sharon at Gabby.

Nangiti uli si Gabby at the thought of KC. "Pero magaling siyang tataon," aniya. Meaning, tama ang pagsisimula ni KC sa showbiz, after college.

"Mabait siya. Pero ang nakikita ko, maski nung maliit pa siya, ganun na siya. Pray ko lang na sana hindi [siya] magbago," sabi ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN