Richard Gutierrez on KC Concepcion: "We're great partners."

"Alam namin, kami ni KC, we're great partners. Ang daming pumipilit sa amin na mag-commit. Feeling namin, sila ang naiinip para sa amin ni KC. Pero hindi namin puwedeng pilitin. Hindi pa namin iniisip ‘yon. We're still young, at yung commitment na gusto ninyo, malayo pa ‘yon," says Richard Gutierrez about his relationship with leading lady KC Concepcion.


Kababalik lang nina Richard Gutierrez at KC Concepcion mula sa Subic para sa last shooting day ng kanilang second movie together, When I Met U ng GMA Films at Regal Entertainment. Pero masaya pa rin silang humarap sa entertainment press para sa second presscon ng kanilang Valentine movie last Monday, January 26, sa poolside ng Imperial Palace Suites.

"We're happy na tapos na tapos na ang movie namin," sambit ni Richard sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At hihingin namin ang tulong ninyo para maitawid ito sa mga manonood, para makita naman nila ang kagandahan ng movie, lalo na yung mga eksenang kinunan namin sa Coron, Palawan. Mga unforgettable moments ‘yon sa amin ni KC."

Kumusta naman si KC noong nasa Palawan sila?

"Ang dami naming pinagdaanan doon. Sa pagpunta pa lang namin sa location sa Club Paradise. Ang lalaki kasi ng alon nang papunta kami doon, napapatili si KC kapag halos natatakpan kami ng mga alon. Pero ang ganda-ganda ng Club Paradise kaya sulit ang mahirap na pagpunta roon.

"Pero wala siyang reklamo, trabaho lang nang trabaho. Ang taas lagi ng energy niya. Kahit puyat na puyat na siya, naa-uplift pa rin niya ang mga tao, napapasaya niya. Asikaso niya kaming lahat. Kaya sabi ng crew, fans na raw silang lahat ni KC. Hindi rin daw nila malilimutan si KC kahit tapos na ang shooting, mami-miss nila ang mga vegetarian tofu na dinadala niya sa set na lasang chicharon," kuwento ng young actor.

KC'S SPECIAL BIRTHDAY GIFT. Natanong din kay Richard ang tungkol sa birthday gift ni KC sa kanyang isang pawikan na tinawag nilang Pawiki.

"Noong nasa Palawan pa kami, nakita naming buhay na buhay ang marine life doon. Marami pong pawikan at iba pang sea creatures doon. Nakita ko roon ang giant pawikan. Kaya noong birthday ko, napaka-sweet at napaka-thoughtful talaga ni KC, nakakita siya ng isang endangered fresh water turtle na ibinibenta sa isang pet shop. So, binili niya para ma-save niya yung turtle at dinala nga niya sa akin sa set. Pinangalanan namin itong Pawiki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagkatapos, kinontak namin ang World Wildlife Fund at ang Greenpeace Foundation. Tinanong namin kung ano ang gagawin namin para ma-save ang mga fresh water turtles na ito.

"Hindi lang 'yon ang birthday gift niya sa akin. Nagulat ako nang magpadala siya ng mamang sorbetero sa set at nag-enjoy kaming lahat sa ice cream," masayang lahad ni Richard.

Totoo bang nag-date sila ni KC sa Gerardo's sa Panay?

"Hindi naman talaga date ‘yon, intimate dinner lang," paglilinaw ni Richard. "Bonding time ang tawag ko doon. What's important sa akin, nandoon lahat yung mga taong close sa akin. Dumating nga si KC pagkatapos ng shooting namin that day."

GREAT PARTNERS. Pero ano ang real score sa kanila ni KC?

"Alam namin, kami ni KC, we're great partners. Ang daming pumipilit sa amin na mag-commit. Feeling namin, sila ang naiinip para sa amin ni KC. Pero hindi namin puwedeng pilitin. Hindi pa namin iniisip ‘yon. We're still young, at yung commitment na gusto ninyo, malayo pa ‘yon.

"Gusto namin ni KC kung magku-commit, yung tuluy-tuloy na. As of now, marami pa kaming goals at gusto muna naming ma-achieve ‘yon. Kung anuman ang mangyari sa amin sa future, tingnan na lang natin," saad ni Richard.

Paano kung ang When I Met U na nga ang last project nila together?

"Hindi pa rin natin masabi," sabi ng binata. "Malay natin baka may gagawin pa rin kaming project. Kaya as of now, happy kami sa isa't isa and we're there for each other all the time.

"Hindi naman po ibig sabihin na dahil tapos na ang shooting namin, hindi na kami magkikita ni KC. Mas lalo pa nga kaming madalas magkasama ngayon dahil magiging busy kami promoting our movie sa mga shows sa GMA-7 at sa ABS-CBN."

Hanggang sa matapos ang interview kina Richard at KC, hindi talaga napaamin ang dalawa. May mga nagbanggit pa sa past relationships nila, pero tumawa lang sila dahil alam daw naman nila kung ano ang totoo kaya hindi sila magpapadala sa intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN