Dina Bonnevie hopes to find "husband for life"

"Sometimes, may mga nangyayari sa buhay na unexpected. Siguro, yung most recent ko, e, nadestino sa ibang lugar. It's sad that he was assigned to a place where I cannot go. Makakapunta ka lang dun kung wife ka. Hindi ka makakapunta kung hindi ka maid, kung hindi ka nurse. Hindi open ang Saudi. Ang babae, hindi nakakakuha ng visa sa Saudi, not just anybody," says Dina Bonnevie about her special someone.


Hindi lahat ng artista'y may iba pang career sa labas ng show business. Tulad nga ni Dina Bonnevie—who is back in the ABS-CBN primetime series May Bukas Pa—na bukod sa pag-arte ay isa ring corporate officer.

Humingi agad ng paumanhin si Dina nang mahuli siya sa ginanap na press conference ng May Bukas Pa kagabi, January 28, dahil nanggaling pa raw siya sa opisina. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung anong opisina ang tinutukoy niya.

"I'm working for Telefusion Communications International. The head office is in New York and the head retail office is in Dubai....I run the local [Asian] operation," paliwanag ni Dina.

Ibang challenge para sa kanya ng corporate world:

"Parang it's getting the sales to the book. It's the numbers game. With a certain budget, you'll be able to produce a certain amount of sales. At ang challenge pa, since I work in telecommunications, I get to connect family and businesses together. Kasi kagaya natin sa Pilipinas, di ba, mas maraming OFW? In fact, mas marami sa mga dollar earners natin, galing sa OFW. Pero meron bang gumagawa ng paraan para makausap naman nila ang mga mahal nila sa buhay sa murang halaga? Kadalasan mahal, e. Minsan, five pesos na ang pinakamura. Sa amin naman, piso lang per minute."

FROM KAPUSO TO KAPAMILYA AGAIN. Ang huling soap opera na ginawa ni Ms D ay sa Kapuso network, Babangon Ako't Dudurugin Kita. Kumusta ang pagbabalik-Kapamilya niya?

"Okey lang. Like last year, I did a series nga in GMA, yung Babangon Ako't Dudurugin Kita. Magandang bumalik sa primetime lalo na kung maganda yung role. Marami na kong natanggihan na mga projects. Bihira lang akong tumanggap ng mga projects. Pero kapag tumanggap ako, talagang gusto ko at talagang maganda," saad niya.

Puwedeng sabihing isa talaga siyang Kapamilya dahil bumabalik at bumabalik siya sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think so," pagsang-ayon niya. "Kasi most of my projects naman ay nandito. But likewise, I still want to work with GMA and they are continuously offering me projects. Ganoon din naman ang Channel 2. Pero kung bibilangin natin sa dami ng projects, mas marami akong naging project dito sa Kapamilya."

Sa mataas na status ngayon ni Dina, siguro hindi na siya kabilang sa mga artistang nakatali sa isang network.

"Hindi, pag-iisipan ko pa," sabi ni Dina. "Ilang beses na akong parang maging exclusive contract, both networks. Kaya lang, hindi rin naman ako makasagot, kasi I have corporate [work] also. Baka mamaya kapag exclusive ka, you have to travel. So, yun din ang problema."

DINA'S WISH. During the Q&A, nasabi ni Dina na kung may hihilingin man siyang isang bagay kay Lord, ito ay isang lifetime partner.

"Matagal ko nang wish yun!" sambit ng aktres. "Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na matagal ko nang wini-wish na magkaroon ako ng husband for life."

Kumusta yung huling special someone niya—Arab businessman—na siyang naging punong-abala sa ibinigay niyang surprise party on her last birthday?

"Mahirap, e. Sometimes, may mga nangyayari sa buhay na unexpected. Siguro, yung most recent ko, e, nadestino sa ibang lugar. So, it's very difficult going to that place. It's sad that he was assigned to a place where I cannot go. Makakapunta ka lang dun kung wife ka. Hindi ka makakapunta kung hindi ka maid, kung hindi ka nurse. Hindi open ang Saudi. Ang babae, hindi nakakakuha ng visa sa Saudi, not just anybody," paliwanag ni Dina bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN