Albert Martinez remains optimistic about health of wife Liezl

"Hindi ako duwag sa trials sa buhay. From the day since nagtanan kami ni Liezl, positive na ako all the way. Hindi nag-crumble sa akin ang mundo, challenge sa akin yun. Yung personality ko kasi, the more you hurt me, the more I fight, but I fight positively. Positively in a way na hindi ko ina-allow ang mga negative things na i-push down o to stop me in whatever I'm doing," says Albert Martinez.


Nang mabalita noong isang taon na may breast cancer ang misis ni Albert Martinez na si Liezl, piniling manahimik ng aktor at ng kanyang pamilya tungkol dito.

Isa itong malaking pagsubok sa pamilya Martinez, lalo't alam ng lahat kung gaano kahalaga kay Albert ang kanyang pamilya at ang pagsasama nila ni Liezl. Pero sa kabila nito ay kalmadong hinaharap ni Albert ang lahat.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Albert kagabi, January 28, sa presscon ng kinabibilangan niyang soap opera sa ABS-CBN, May Bukas Pa, ayaw pa rin niyang pag-usapan ang kalagayan ni Liezel.

"She's doing very well, pero hindi pa rin. Ayoko pa ring pag-usapan. Mas mabuti siguro let's leave it at that, I think it's better that way," pakiusap ni Albert.

Aniya pa, "Sa akin kasi, everything is positive. Lahat naman may rason sa kung anuman ang nangyayari sa iyo. Lahat hinaharap ko nang positive. Saka para sa akin, at the end of the tunnel, there's always light. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Gaya ng sinabi ko, may rason ang lahat. So ang ginagawa ko na lang, tanggapin siya as it is and move on with life."

Ang pagiging isang matatag na role model ang ipinapakita ni Albert sa kanilang tatlong anak ni Liezl.

"Whatever I do, dapat tama para sa kanila. Ang lagi kong pinapayo sa kanila, in life talaga... There's so much challenges in life and when you face those challenges, don't allow na masira ka. Just move on and always think positive," saad ng mahusay na aktor.

TOMORROW IS ANOTHER DAY. Sa May Bukas Pa, na magsisimula na sa February 2, ay ginagampanan ni Albert ang role ni Mayor Enrique Rodrigo. May nagtanong kay Albert kung dumating na kaya siya sa punto na tinanong niya kung may bukas pa?

"Maraming beses na," sagot niya. "Alam mo sa buhay, it's up and down. Marami kang dinadaanan na trial. But whenever na dumarating sa akin yung ganung sitwasyon, that's what I say—‘may bukas pa.' You just have to dwell with it now. But tomorrow probably would be a different day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka hindi ako duwag sa trials sa buhay. From the day since nagtanan kami ni Liezl, positive na ako all the way. Hindi nag-crumble sa akin ang mundo, challenge sa akin yun. Yung personality ko kasi, the more you hurt me, the more I fight, but I fight positively. Positively in a way na hindi ko ina-allow ang mga negative things na i-push down o to stop me in whatever I'm doing."

SUCCESSFUL MARRIAGE. Sa kabila ng problemang kinahaharap ng kanilang pamilya, nananatiling matatag ang pagsasama nina Albert at Liezel. Ano nga ba ang sikreto nila?

"The reason siguro why we're still strong or stronger than before ay dahil sa mga experiences namin sa Amerika na kaming dalawa lang talaga. It's not easy na mabuhay doon at kaming dalawa lang. I think yung bonding namin was strong enough to fight whatever is going on sa buhay

"Ako, I always love her all through these years. We became better friends, actually more than best friends. Yun ang importante dun. Dapat maging magkaibigan kayo, kasi you'll respect each other. Kailangan ang trato mo sa kanya, she's your best friend, ikaw ang best friend niya. Best friends kasi don't hurt each other at pag nawala yung friendship sa inyo, lahat ng problema comes out. Yun ang mahirap.

"Isa pa, it's important that every single day, sasabihin mo yung words na ‘I love you.' That's the only way para maging stronger kayo. Pag nakalimutan mo nang sabihin ‘yan, then you'll drift apart," pananaw ni Albert.

WE ARE FAMILY. Sa mga problemang kinahaharap nina Albert at Liezl ay lagi raw nakasuporta sa kanila ang Muhlach family, gaya ng magkapatid na Aga at Arlene na mga pinsan ni Liezl.

"Aga is more than being a relative," papuri ni Albert. "For me, he's a friend. He's always been there since nagtanan kami. He sticks with us through thick and thin. Sila Arlene and the rest of the Muhlach family, we're together through thick and thin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tikom ang bibig nina Albert at mga Muhlach sa sitwasyon ni Liezl, taliwas naman ito ng dating child wonder na si Niño Muhlach, na nagpa-interview pa noon sa Startalk tungkol sa kalagayan ng pinsan. Hindi naman nagalit si Albert sa ginawa ni Niño.

"Actually, no. Ganyan si Onin, e. Naiintindihan namin siya. That's his personality, wala tayong magagawa," sabi ni Albert.

Binanggit ni Albert ang mga taong patuloy na nagdarasal, sumusuporta, at nagmamahal sa pamilya nila ni Liezl.

"Alam naman nila kung sinu-sino sila, who's with us emotionally, who stick with us through thick and thin. Giving us support that things will be okay and we would be okay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN