New soap of Marian Rivera and Dingdong Dantes clashes with ABS-CBN's No. 1 soap

Marian Rivera and Dingdong Dantes team up for the third time in GMA-7's Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. This new soap will directly compete with ABS-CBN's No. 1 soap, Tayong Dalawa.



Shake, Rattle & Roll X co-stars Marian Rivera and KimChiu and Gerald Anderson are now primetime rivals starting this Monday,February 2.

Magkasama ngunit nasa magkaibang episodes si Marian at angtambalang Kim & Gerald sa third highest-grossing movie ng 2008 Metro ManilaFilm Festival, Regal Entertainment's Shake, Rattle & Roll X. Hindi rin nagkasamaang tatlo noon sa pictorial ng pelikula dahil late decision na nang pinalitanni Marian si Eugene Domingo sa "Nieves" episode. Ngunit nagkasama naman sila saParade of Stars nang lumipat si Marian sa SRR X float mula sa kanyang isa pangentry na Desperadas 2.

Sa Lunes, February 2, magsasabong sina Marian & Dingdong at Kim &Gerald sa ratings sa pagpasok ng pangatlong team-up soap nina Marian, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, mula sa direksyon nina Joyce Bernal at Topel Lee.

Sina Kim at Gerald,together with Jake Cuenca, ang mga bida sa nangungunang primetime program ngABS-CBN, Tayong Dalawa.

End of February ang unang plano na ipasok ang Carlo J.Caparas comics serial turned movie noong dekada 80, na ngayo'y isang primetime soap. Dapatsana'y ito ang ipapalit sa pagtatapos ng Gagambino ni Dennis Trillo. Nabago angdesisyon na ito ang ipalit sa Lalola nina JC de Vera at Rhian Ramos namagtatapos sa susunod na Biyernes, February 6.

Sa pangatlong pagkakataon, sa hiling ng mga fans nina Marianat Dingdong dahil noong October 2009 pa sila huling napanood sa Dyesebel, pinagbigyan ng GMA-7 ang kahilingan na ipalabas na agad ang AngBabaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Kaya't simula Lunes, apat na local soaps angmapapanood sa Telebabad block ng GMA-7 sa loob ng isang linggo.

Mas matutuwa ang fans nina Marian at Dingdong dahil masmaaga itong ipalalabas sa Telebabad block. Isusunod ang Ang Babaeng Hinugot SaAking Tadyang pagkatapos ng Luna Mystika ni Heart Evangelista at bagomag-Gagambino ni Dennis. Ibaba ang Gagambino na susundan ng Lalola in itsfinale week bago ang Korean soap na Money War.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kinaAngelu de Leon, Paolo Contis, Francine Prieto, Lovi Poe, Mart Escudero, PrinceStefan, Jackie Rice, Carlene Aguilar, Carmi Martin, Sherilyn Reyes, PaoloParaiso, Alyssa Alano, Kevin Santos, at Boom Labrusca, may makakatulong pa sinaMarian at Dingdong sa labanang love team kina Kim at Gerald—ang mismongpinalitan ni Marian sa Nieves character sa SRR X na si Eugene Domingo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN