Gabby Concepcion foresees 2009 as a very good year for him

Happy for talking again with ex-wife Sharon Cuneta and very proud of daughter KC Concepcion's achievements, Gabby Concepcion positively looks forward to a very good 2009 not only for him but also for his loved ones.


Isa sa mga pinag-usapan nang husto noong nakaraang birthday concert ni Sharon Cuneta sa Araneta ay ang pagbati ng ex-husband nito na si Gabby Concepcion straight from San Francisco, California. Alam naman ng lahat na matagal-tagal na ring hindi nag-uusap ang dating mag-asawa.

Nabuhayan tuloy ng pag-asa ang mga dati nang Sharon-Gabby fans na naghahangad ng pelikulang magsasamang muli ang kanilang mga idolo. Ito na raw marahil ang first step para tuluyan nang kalimutan ni Shawie ang nabitawan nitong salita noon na hindi ito gagawa ng pelikula with Gabby dahil magmimistulang "karnabal" lang daw sila na pagpipistahan ng mga intrigero't intrigera.

Sa katatapos lang na induction ng bagong set of officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last January 27 sa opisina ni Vice-Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gabby. Ipinahayag nitong masaya siya sa ginawa niyang pagbati sa kaarawan ng Megastar at bukas din siya sa posibilidad na magkatambal silang muli kung may pelikulang pagsasamahan nilang dalawa.

"After so many, many years, finally I got the chance to speak to her in public para masabi ko sa kanya how I felt and mabati ko siya on her birthday. Kasi ilang taon ko siyang di nababati on TV and it was an opportunity na ibinigay sa akin ng station [ABS-CBN]. At least nakabati ako dahil, siyempre, once in a lifetime moment yun dahil pagkatapos ng January 6, wala na," ani Gabby.

"Ang number one na pinakamagandang nangyari dun...talagang pinakadahilan kung bakit gusto ko na ring bumati ay dahil magkaibigan na kami. Yun naman ang promise ko, na sa pagbalik [ko], makikipagbati ako, aayusin ko ang lahat para makipagbati sa lahat ng tao. At least naging successful naman. Yun ang pinaka-goal na gusto kong mangyari. Magkabati na kami, makapag-usap at maging masaya na kami. Actually before pa nung birthday niya, nag-uusap na kami ni Sharon, which is the best thing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Gabby kung paano ba nangyari ang nasabing interview sa San Francisco.

"Na-shock din ako nung dumating yung [TV] crew ng four in the morning, nasa airport ako nun. Nung gabing yun, nagkausap kami, masyado nang late at malayo ang ibibiyahe nila, so, nagkita na lang kami sa San Francisco kasi malapit lang ang studio dun, so, dun na nila ako in-interview kaya naka-jacket ako at makapal na damit kasi sobrang lamig."

Sa ngayon, lagi na raw silang nag-uusap ng Megastar. Bagay na dati ay tila imposible nang mangyari nung kauuwi pa lang niya as Pilipinas after 13 years of living in the U.S.

"Yes, ibang-iba ang relationship namin ngayon. Siyempre she has her own life, I have my own life, too, and we're both happy sa world namin ngayon, and we can share that. Ang galing, maganda ang nangyayari sa amin ngayon and I think 2009 is gonna be a really, really good year for me," positibong pagtantiya ni Gabby.

As for the question of doing a movie again with the Megastar.

"All the time, all the time. Marami ang nagre-request sa akin nung nasa [North] America ako, na kung puwede kaming gumawa uli ng pelikula ni Sharon at kung puwede yung unang pelikula na nagkasama kami. Parati nilang binabanggit yung Dear Heart at yung Una Kang Naging Akin na favorite ko rin."

HAPPY KC. Kung may isang tao na pinakamasaya sa pagkakaayos nila ng ex-wife, ito ay ang anak nilang si KC Concepcion. Alam ni Gabby na noon pa man ay alam niyang gumagawa na ng paraan ang anak para matuldukan na kung anuman ang samaan ng loob nila ng dating asawa.

"Nung dumalaw siya sa akin nung 2004, nararamdaman ko na siya yung may gusto, siya yung naghahanap, siya yung gumagawa ng paraan. Nakita ko yun sa kanya, di niya sinasabi sa akin pero indirectly, siguro, may gusto siyang iparating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In her own little way, kahit di niya pinlano, pero di ko alam kung plinano nga niya, she became an instrument dahil siyempre si KC, anak namin at kung di dahil sa kanya, di kami nakapag-usap ni Sharon."

PROUD PAPA. Gabby is so proud of KC dahil sa kakaunting panahon pa lang nitong inilalagi sa showbiz bilang baguhang aktres ay nakagawa na ito ng sariling magandang pangalan. Gabby also gave assurance na maging sa pinakakumplikadong desisyon na gagawin ng anak, sa career man o kahit na sa personal na buhay, buo ang suportang ibibigay niya rito.

"Maraming ginagawa si KC na tama at maganda which makes me so proud of her. Di ko akalain na sa showbiz din pala siya pupunta. Akala ko magdudoktor o mag-aabugado siya. Ako naman nandito lang ako to support her sa kung anuman ang gusto niyang gawin. She's more than 18, maging maganda man o hindi ang decision niya, nasa likod lang niya ako palagi. Magaling si Sharon na maganda niyang napalaki si KC kahit wala ako."

Sa ngayon ay nali-link si KC sa kapareha nitong si Richard Gutierrez. Para kay Gabby, hindi naman siya tututol sa kahit na sinong pipiliing mahalin ng kanyang anak.

"Kahit sino ang gusto ng anak ko, basta happy ang anak ko, happy ako, yun ang bottomline. It doesn't matter kung mayaman o mahirap siya, o kung ano hitsura niya, basta mahal siya at mahal niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN