Dina Bonnevie disgusted with doctor she suspects as source of cancer rumor

"E, kanino pa ba magsisimula yun? Sa kanila lang naman ako nagpa-check ng likod ko. Itse-check nga raw pati ang breasts ko. Sa akin, okey lang naman kung kailangan ba, eh, kaso, naamoy ko yung doktor, amoy-sigarilyo siya! Yuck!" exclaims Dina Bonnevie.


Ibang level ang pagiging lola para sa aktres na si Dina Bonnevie. Maaaring ayaw niyang patawag na 'lola', but definitely, she is enjoying her new phase of parenthood.

"Masaya ako para sa anak kong si Danica [Sotto]," panimula ni Dina. "Mula nang mag-asawa siya at ngayon ay isa nang mom, well, puro blessings ang natatanggap niya. Si Mark was just proclaimed Most Valuable Player."

Danica's husband Mark Pingris plays with the San Miguel Beermen in the Philippine Basketball Association.

Patuloy ni Dina, "Kahit may asawa na si Nica, hanggang ngayon, dikit pa rin sa akin. Para kaming magkabarkada pa rin, like tawagan na ganyan. We go to the spa together. Minsan, magyayaya siya, 'O, Ma, kain tayo sa labas. I'll pick you up.' Ganoon.

"Mas madalas ko ngang makita si Nica ngayon kaysa noong wala pa siyang asawa. Siguro, mas nami-miss niya ako ngayon dahil isa na rin siyang ina, di ba? Lagi kaming nagba-bonding. She calls me, texts me," naidugtong ng aktres.

May kinalaman din kaya yun sa mga bagay-bagay na kakailanganin ni Danica ngayong isa na siyang ina? Yung authority mismo ni Dina na nagpalaki sa kanya?

"Wala namang problema si Nica sa sitwasyon niya, e," kuwento pa ni Dina. "Very open naman siya. It's just that, she still has plenty of time to be with me. At saka si Nica, hindi ko na kailangang turuan pa 'yan dahil kung ano ang pagpapalaki ko sa kanila ni Oyo [Sotto], hanggang ngayon, dala-dala nila 'yan, kahit siguro wala na ako sa tabi nila.

"And besides, nag-Parenting 101 pa 'yan. She attended seminars. Marami siyang in-attend-an na seminars para lang mapaghandaan ang bagay na 'yan, and I know very well that she's ready enough to face the challenges of being a parent," dagdag pa ni Dina.

REALLY BAD RUMOR. Kumalat pa ang chikang may malubhang sakit daw si Dina, that she has cancer. Kitang-kita ang pagkairita ni Dina sa intrigang ito sa interview niya with PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, sa press conference ng May Bukas Pa sa 9501 Restaurant ng ELJ Building, ABS-CBN Compound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong cancer," napamulagat ang aktres. "Hindi ko alam kung saan nila napulot ang balitang 'yan. Wala akong gagawing aksyon laban sa sumulat niyan.

"Tinatanong ko nga kung sino ang nagsulat, and I'm sure, mali ang source niya kung sino man yun. Besides, wala naman ako sa Pilipinas nang may kumalat na ganyang chika.

"Hindi ko alam kung imbento lang 'yan ni Arnold [Vegafria, Dina's friend and former manager of 11 years]. Nagulat din nga ako. Nagsimula siguro 'yan nang magpa-check up ako, 'tapos, may sinabi yung doctor na hindi naman nila sinasadya na may nagkalat ng chika."

UNHYGIENIC DOC. Kung himig-biro lang yung pagkakasabi ni Dina tungkol sa hinala niyang si Arnold daw ang nag-imbento ng tsismis tungkol sa kanya, seryoso naman at puno ng pagkadismaya ang mga pahayag ni Dina tungkol sa doktor na tunay na pinaghihinalaan niyang nagsimula ng "cancer rumor."

"E, kanino pa ba magsisimula yun? Sa kanila lang naman ako nagpa-check ng likod ko. Itse-check nga raw pati ang breasts ko. Sa akin, okey lang naman kung kailangan ba, eh, kaso, naamoy ko yung doktor, amoy-sigarilyo siya! Yuck!

"Doktor siya, 'no! Mahiya naman siya. He has to be hygienic. Hindi man lang siya naghugas ng kamay. Naku, care ko ba sa kanya? Bakit ko siya kakausapin tungkol sa isyung 'yan?

"Hindi ko na inalam, at hindi ko siya tinawagan. What for? Pleeeease! Hindi ako babalik sa kanya!" napaismid pa ang mataray na aktres.

Parang lumabas na naman daw ang katarayan ng aktres sa pagkakataong yun. Pero may punto si Dina.

"Not just for pagtataray, huh! Ikaw ba, kung babae ka? Papayag kang lalamasin ang suso mo roon ng isang doktor na kakahawak lang ng sigarilyo, at amoy-sigarilyo pa? Ang baho niya, 'no? Ayoko nga!" nagdere-deretso ang bibig ni Dina sa parteng ito.

Pero nangangahulugan lang na Dina is back once again, this time on primetime TV kung saan mas bagay ang ganda at talento niya bilang ina ng baguhang child actor na si Zaijan Jaranilla sa teleseryeng May Bukas Pa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is something different naman for me, may pagka-spiritual, although mae-entertain pa rin naman ang manonood. I think this is what we need, lalo na't kumakaharap tayo sa global crisis.

"We tend to turn to other things than Him, than Jesus Christ, e. Siya lang naman talaga ang kailangan natin para mapalakas ang faith natin, and to go on with life," makahulugang wika ni Miss D.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN