Maja Salvador has no time for boys

"Nagkakataon lang na talagang hindi pa siguro panahon na ma-in love ako, o mahulog ang loob ko sa isang guy... marami kasi akong iniintindi, na para bang hindi ko pina-prioritize ang mga ganyan," says Maja Salvador.


Maraming guys ang nali-link kay Maja Salvador mula nang pumasok siya sa showbiz. Pero kahit isa sa mga ito, hindi natsismis man lang na talagang naging karelasyon niya. Totoo nga sigurong naka-focus si Maja sa kanyang career at ayaw niya ng ganitong klaseng istorbo.

"Marami kasing nangyayari na nagkaka-develop-an dahil nagkakasama sa trabaho," sabi ni Maja nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nagkakataon lang na talagang hindi pa siguro panahon na ma-in love ako, o mahulog ang loob ko sa isang guy.

"Like kami ni John [Prats] noon, natsismis din sa akin, kasi, nagkasama kami sa It Might Be You noon. Si Rayver [Cruz] naman, nakasama namin ni Shaina [Magdayao] as part of UD4 [Ultimate Dance 4] sa A.S.A.P.

"Kaya may nagsasabing parang nagri-rigodon lang kami, pero hindi naman ako nagkarelasyon sa kahit sino sa kanila. Sina Shaina at John na nga ngayon, kami naman ni Rayver, kami ang ipinapareha rito sa May Bukas Pa, 'tapos, napapabalitang nililigawan niya si Ate Sarah [Geronimo]. O, di ba, ang saya!" natatawang sabi ni Maja.

Bukod sa dalawang nabanggit, na-link din si Maja sa mga gaya nina Jay-R Siaboc (nababaliw-baliw kay Irish Fullerton ngayon), Jon Avila (pa-text-text pa noon, pero hindi rin nag-progress), at lately nga, nali-link sa kanya si Igi Boy Muhlach (binata nina Aga Muhlach at Janice de Belen).

Kanino ba siya kinilig sa mga ito?

"Hindi naman sila nanligaw rin kasi," tila pag-iwas ni Maja sa tanong. "Mahirap ang tanong. Napag-isip akong bigla.

"Si Bro siguro [referring to Rayver]. Happy lang ako bigla, ganoon lang. Iba kasi kung napapatawa ng isang lalaki ang babae. Yung enjoy ka sa company ng taong yun, 'tapos, hinahanap-hanap mo na.

"Sana nga, parang siya yung nagustuhan ko. Kaso lang, happy na siya kay Ate Sarah," at natawa nang malakas ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Abangan na lang daw kung ano ang puwedeng mangyari sa rigodon na ito. Lalo na't magkasama sina Rayver at Maja sa May Bukas Pa, ang bagong teleserye ng ABS-CBN.

Paano kumalat yung tungkol kay Igi Boy?

"Hindi naman siya nanliligaw talaga. Nagte-text lang yung tao. Nagpapakilala siya sa text, pero hindi ako nagre-reply," tahasang sabi pa ni Maja.

Ibig sabihin ba, hindi niya type si Igi?

"Hindi sa ganoon, pero ganoon lang talaga ako. Marami ang nagte-text sa akin. Yung iba, nagpapakilala, pero hindi ako basta-basta nagte-text back. Wala lang," sagot niya.

Parang basted na si Igi hindi pa man ito nanliligaw?

"Yun na nga, paano mababasted kung hindi naman nanliligaw, di ba? Gusto lang sigurong makipagkilala nung tao, kaya lang, marami kasi akong iniintindi, na para bang hindi ko pina-prioritize ang mga ganyan," pagwawakas ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN