Sexier Angelu de Leon returns to lead-star status via "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang"

"Hinahanda ko na nga ang sarili ko na magalit sa akin ang mga fans nila sa gagawin ko kay Marian. Baka makatanggap ako ng death threats sa mga fans nina Marian at Dingdong!" Angelu de Leon jokes about her kontrabida role in GMA-7's upcoming primetime series Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.


Nagbabalik sa lead-role status ang dating kakumpitensiya ni Judy Ann Santos sa pagka-junior superstar noong mid-‘90s na si Angelu de Leon sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ginagampanan ni Angelu rito ang role ni Heleen, ang girlfriend ng character ni Dingdong na si Homer.

Huling napanood si Angelu sa GMA-7 sa Te Amo ni Iza Calzado at Segundo Cernadas noong 2004. Napapanood pa rin siya ngayon sa afternoon soap ng ABS-CBN na Parekoy, pero alam naman ng Kapuso network na matagal na itong nasimulan nang inalok sa kanya ang soap. Alam din ng ABS-CBN na hindi na siya babalik sa Parekoy dahil na rin sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

"Unang-una, masisira ang continuity dahil ang taba ko pa doon [Parekoy]," sabi ng balik sa kaseksihang si Angelu.

Lahat nga ng lumalapit sa kanya, pati na mismo ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo, nagtatanong kung paano siya pumayat.

"Total diet lang talaga," ang sinasagot ni Angelu sa lahat ng nagtatanong dahil more than 20 lbs. ang inalis niya sa kanyang timbang ng apat na buwan lang.

Pabor na rin kay Angelu ang pagiging slim niyang muli dahil ito na rin ang naging dahilan ng GMA-7 offer na maging ka-triangle siya ng hottest love team ngayong sina Marian at Dingdong.

"Nang tinawagan ako ng GMA-7 para ibigay ang role, ang tanong ko agad, ‘Sigurado kayong para sa akin yun?' Kaya nga super thankful ako, puwede pa pala ako," saad ni Angelu.

Mula sa pamosong De Leon family ng LVN Productions, unang nakilala si Angelu bilang isa sa Ang TV kids. Sumikat si Angelu sa Viva TV-GMA-7 teen show na TGIS, ka-partner si Bobby Andrews noong 1995. Ang love team nila ni Bobby ang pantapat noon ng GMA-7 sa love team naman nina Judy Ann at Wowie de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa TGIS din unang nagkasama sina Angelu at Dingdong. Noong panahon na yun, junior status pa lang si Dingdong bilang nakababatang kapatid ni Bobby.

"Kaya nga noong unang kissing scene namin ni Dingdong para sa soap, hiyang-hiya ako," sabi ni Angelu. "Sabi ko, ang bata ni Dingdong sa akin tuwing tinitingnan ko siya. Ang naaalala ko yung buhok niya pang may bangs noong teenager siya kaya nagkakatawanan kami. Pero sabi nila, ‘Hindi, isang taon lang ang pagitan n'yo sa edad. So, sabi ko, ‘A, sige puwede pala!'" sabay tawa.

Kumusta naman ang halik ni Dingdong.

"Ay, si Marian na ang tanungin n'yo diyan, siya ang expert!" at humalakhak ulit ang bagong kontrabida ng love team nina Marian at Dingdong.

Second time pa lang magkontrabida ni Angelu at tuwang-tuwa siya sa kanyang papel.

"Hinahanda ko na nga ang sarili ko na magalit sa akin ang mga fans nila sa gagawin ko kay Marian. Baka makatanggap ako ng death threats sa mga fans nina Marian at Dingdong!" natatawang sabi ni Angelu.

Baka hindi niya ito ipapanood sa dalawa niyang anak na babae, ages 10 and 5. Masyado raw kasing affected ang mga ito kapag napapanood siyang masama.

"But Mommy, that's not you," sabi raw sa kanya ng panganay niya nang una itong napanood sa Super Inggo ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN