Dingdong Dantes on being single and enjoying Marian Rivera's company: "I'd rather be this way."

Dingdong Dantes said breaking up with their own partners helped in bringing him and Marian Rivera closer with each other. "Definitely, wala na kaming barriers, wala na kaming iniintindi. Pagdating sa pakikitungo, pareho pa naman. Pero siguro more of, like ngayon, puwede na kaming lumabas na hindi naman minamasama."


May pagka-O.C. (obsessive-compulsive) at boring ang halos successful career man na si Homer, played by Dingdong Dantes in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ito ang pinakabagong primetime series ngayon ng Kapuso network na magtatampok muli sa love team nina Dingdong at Marian Rivera sa primetime slot this February 2.

Napakanatural ng dating ng acting nina Marian at Dingdong sa pilot episode pa lamang na ipinapanood sa entertainment press last night at Studio 5 of GMA-7. Masasabi ba niyang malapit ang similarities ng ugali nila sa tunay na buhay sa characters nila sa series na Homer at Proserfina.

"Kay Marian, yung pagkakulit niya, yung pagkakalog niya. On my part, in real life, ako kasi, kapag seryoso, seryoso. Kapag fun, fun! Minsan, hindi ko napagdidikit yung dalawa. So, on that aspect, pareho kami ng character ni Homer rito."

Ang observation ng mga nakapanood, tila napakanatural lang daw nila ni Marian sa Ang Babaeng...

"Well, ako, nahirapan talaga ‘ko. Kasi, sa lahat ng role ko, ito yung nahirapan talaga ‘ko. Kasi, I have to portray somebody who is lifeless but at the same time, kailangan kong magpakita ng pagbabago unti-unti dahil nga sa kanya. Kung gusto n'yong manood ng something, gusto n'yo lively, di ba? Especially for TV, pero ako, kabaligtaran ang ginagawa ko, e.

"So, kailangan mag-isip ako ng ibang paraan kung paano atakihin at mapatawa ang mga tao."

Comedy pala siya?

"Hindi, e, pero may touch siya. A little bit of everything. Actually, ngayon ko lang din napanood. Noong tine-tape namin, hindi ko na-realize na ganoon ang dating, may suspense. Kapag nilagyan ng sound, ini-edit mo na. Biglang uy, parang nakakakaba to, ah. Akala namin love story, biglang sundot ni Eugene Domingo at Marian ng pagka-comedy. Nandiyan pa si Gene Padilla. So, ang daming element."

May pressure ba na kailangang sa third series nila, ma-maintain nila at makitang consistent number one sila sa rating?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung pressure, siguro meron talaga. But it's more on pressure ng paggawa ng tamang execution at kung paano gusto ni Direk Joyce [Bernal]. Kasi, yung tiwala namin sa kanya, ever since, yun ang naging formula namin, e.

"We enjoyed at kumbaga, the pressure is more on kung masusunod namin kung ano ang gusto niya. Naniniwala kaming kung ano ang direction niya, yun ang taste ng mga taong nanonood. If we succeed on that part, hopefully, magiging maganda rin ang response."

On a personal note, kumusta na sila ni Marian?

"Very well, very, very well. Kumbaga, mas nagiging open kami ngayon sa isa't isa in all aspects."

Obviously, mas kumportable silang dalawa ngayon, especially sa mga intimate scenes nila.

"Oo, siyempre, pagkatapos ng mahabang samahan, sabihin natin na dalawang show, isang pelikula, siyempre naman, nag-e-evolve din ang aming pakikitungo sa isa't isa."

Masasabi bang nakatulong sa pagiging extra close nila ngayon ang pakikipag-break nila sa kani-kanilang karelasyon noon?

"Well, definitely, wala na kaming barriers, wala na kaming iniintindi. Pagdating sa pakikitungo, pareho pa naman. Pero siguro more of, like ngayon, puwede na kaming lumabas na hindi naman minamasama."

Nagdi-date na raw silang dalawa?

"Oo... mga ganoon... Pero like before, hindi naman siguro tama yun. Pero madalas naman, may mga kasama kami. May isang beses na kaming dalawa lang, pero, mas madalas na may mga kasama rin kami."

Sa huli at deretsahang tanong, sila na ba?

"Hindi! We enjoy our single life together. Kung anumang meron, enjoy kami. I'd rather be this way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN