Sherilyn Reyes confesses she's a DongYan fan

"Naku, eto na, first eksenang nakita ko sila kahapon sa Anilao, naghahalikan sila! Kilig na kilig talaga ‘ko! My God! Sobra!" excitedly relates Sherilyn "Shey" Reyes, a self-confessed Marian-Dingdong fan.


Isang afternoon series na My Only Love pa raw ang huling acting project na ginawa ni Sherilyn Reyes sa GMA-7 at nasundan nga ito ng hosting job sa Moms (QTV-11). Pero namaalam na rin ang show na ito sa ere kung kaya't masaya raw siya na nakasama siya ngayon sa bagong primetime series ng Kapuso network, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

"Tuwang-tuwa talaga ko, kasi ang Moms nga, nawala na. E, allowed lang ako ng asawa ko ng isang show. At saka, ako rin mismo, kapag soap kasi, may tendency ka na yung free days mo, tulog ka. E, yung health ko, hindi masyadong maganda. Kumbaga, kahit anong oras ako umuwi sa umaga, before 6:30 dapat gising ako. Kasi, si Paoie papasok. Minsan nakakagalitan ako dahil ang bilis kong magkasakit. So, yun ang nagiging problema ko. Basta ngayon, nag-promise ako na iingatan ko ang sarili ko."

Itong pagdating ng Ang Babaeng... did she ask for it or biglaan na lang din dumating sa kanya ang offer?

"Actually, a few months ago, tumaba kasi ako. So, sabi ko, gusto kong mag-soap. Gusto kong pumayat. Sabi ko kay Tita Winnie Reyes, ‘Mommy, parang gusto kong mag-soap.' May isa siya for me, kaso, medyo nagkaroon ng conflict. So, sabi niya, sige, sa susunod. So, nawala na. At saka, nagpapayat na ko nun.

"Tapos, biglang tumawag siya kasi parang may dalawang soap yata nun. Isang afternoon at primetime, pero sabi niya, ‘Hindi, sa akin na si Shey.' Tapos sabi niya, ‘Kinukuha kita, basta, tanggapin mo, ha!' So, ako, hindi ko alam ang role ko, pero sige, sige ako."

Kuwento pa niya, "Si Tita Winnie kasi, very close ako sa kanya, nanay-nanayan ko siya. So, alam ko na yung role na ibibigay niya sa akin, alam ko na ang limitation ko. Alam ko na ang role. So, alam niyang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung titingnan, parang may pagka-manang na may pagka-nerd ang character na ginagampanan ni Shey sa Ang Babaeng... bilang takot na kapatid ni Carmi Martin. Carmi naman plays the strict mother of Dingdong.

So, ano'ng challenge ng role niya sa kanya?

"Hindi ako ito! Ha-ha-ha! I think, the only similarities na meron kami is madasalin at mabait. O, di ba? Pero yung pananamit, sobrang conservative, kimi!"

During the interview, nabanggit ni Sherilyn na fan siya ng love team nina Dingdong at Marian.

"Sobra! Yung Marimar, hindi, e. Pero yung Dyesebel, alam ng asawa ko na bawal akong istorbohin ng mga anak ko. So, kapag Dyesebel, may mga ano...si Chris [Tan], ‘O, don't bother mama first.' Kahit si Dong, there was a time, ka-text ko siya. Sabi ko, ‘Dong, nanonood ako ng Dyesebel, huwag mo muna akong guluhin!' Sabi ko, ‘Ite-text kita pagkatapos.' May ganun talaga!," natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niyang kuwento, "At saka, tine-tape ng asawa ko yun kapag nasa Moms pa ‘ko. Fan nila ‘ko. Sobra!"

So, dobleng saya pala on her part na sa serye pa ng dalawa siya nakasama.

"Naku, eto na, first eksenang nakita ko sila kahapon sa Anilao, naghahalikan sila! Kilig na kilig talaga ‘ko! My God! Sobra!" natatawang pag-amin pa niya.

Biglang naging speechless ng ilang segundo si Sherilyn nang tanungin namin siya at kumustahin na di ba't aside from Dingdong ay kaibigan din siya ni Karylle?

"E, siyempre, wala naman ako dun kung anong nangyari sa kanila. Hindi ko rin naman alam. Hindi rin naman ako nagtanong. Mabait si K. Mabait din si Marian. Kumbaga, pareho namang walang ipinapakitang masama."

Aware ba sina Marian at Dingdong na bilang co-star nila sa Ang Babaeng... ay aminado siyang fan ng mga ito?

"Alam ni Dong....si Marian, hindi ko nasabi sa kanya. Alam ni Dong yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil part of the cast, kaeksena at nakikinood na rin sa bawat taping ng Ang Babaeng... may nakikita ba siya kina Marian at Dingdong na puwedeng magsabing may "special" na nangyayari sa dalawa?

"Ganu'n?! No comment ako! Kayo talaga! Basta gusto ko sila! Kasi fan, di ba? Siyempre, gusto mo na sila. Ang cute kaya nila!" natatawa pa rin niyang hirit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN