Melissa Ricks prefers Binibining Pilipinas over Miss Earth beauty pageant

"Mas maraming choices sa Binibining Pilipinas. 'Saka wala namang kaso yun kung saan ako lalaban. Pilipinas pa rin ang ire-represent ko kung saka-sakali," says beauty-queen aspirant Melissa Ricks.


Ang bilis ng panahon para sa dating Star Circle Quest finalist na si Melissa Ricks. Nag-celebrate si Melissa ng kanyang 19th birthday noong January 9. Mas pinili niyang manood ng sine, kasama ang mga kaibigan, kesa mag-party.

Last seen in Iisa Pa Lamang bilang kapatid ni Claudine Barretto, muling mapapanood ang tambalang Melissa at Matt Evans sa March episode ng Your Song, na remake ng Underage, kasama sina Lauren Young, AJ Perez, Empress Shuck, at Dino Imperial. Si Melissa ang gaganap ng Dina Bonnevie character na Celine at si Matt naman sa dating papel ni Jimi Melendrez na si G3.

Mayroon ding movie si Melissa sa Star Cinema na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Sam milby. Gagampanan ni Melissa ang role bilang kapatid ni Derek Ramsay.

Nananatiling single si Melissa kahit matagal nang nag-break si Matt at ang dati nitong girlfriend na si Olyn Meimban.

"Hindi naman siya nanliligaw," sagot ni Melissa nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit hindi pa rin sila ng kanyang ka-love team.

Tuloy pa rin naman ang kanilang love team at kaibigan niya pa rin si Olyn na nagregalo nga sa kanya noong birthday niya.

BEAUTY CONTEST. Glowing si Melissa at parang tumangkad pa sa height niyang 5' 7" ngayon. Wala siyang plano na mag-pose sa FHM o Maxim dahil parang hindi raw siya bagay doon, pero may balak pala siyang lumaban sa beauty contest.

"Ay, ‘yan, baka pa!' sagot niya sa tanong namin kung gusto niya ngang lumaban. "Pero pinagpaplanuhan ‘yan, baka next year pa."

Sa tanong kung saan niya balak lumaban, gusto niya raw sana sa Binibining Pilipinas.

Sa mga manunulat na nakikinig sa diskusyon namin sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas, pinayuhan agad siya na ang crown ng Miss International sana ang makuha niya dahil sa taas at kulay niya.

"Para namang puwedeng pumili!" sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi namin kay Melissa, bakit hindi sa Miss Earth, na ang ABS-CBN ang nagpapatakbo, siya sumali?

"Puwede rin naman kaso mas maraming choices sa Binibining Pilipinas," sagot niya. "Saka wala namang kaso yun kung saan ako lalaban. Pilipinas pa rin ang ire-represent ko kung saka-sakali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN