Carlene Aguilar knew from the start that her boyfriend already had a child

"Hindi naman issue sa akin iyon kasi ako nga, may anak din from somebody else. Kaya pareho lang kami," says Carlene Aguilar about the news that her boyfriend already has a kid.


Hindi na nga nagawang i-deny ni Carlene Aguilar na may anak na nga sa pagkabinata ang kanyang boyfriend na si Yo Ocampo.

Lumabas na sa ilang mga tabloids na may seven-year old son na raw ang non-showbiz boyfriend ni Carlene na si Yo. Lumabas ang balitang ito noong pumayag si Yo na ma-interview sa isang showbiz talk show. May mga nag-react nga na isang binatang-ama na si Yo.

Nang tanungin si Carlene sa press launch ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ay inamin naman nitong alam niya na may anak na si Yo.

"Oo naman at matagal ko nang alam ‘yon. From the start pa lang ng relationship namin, nasabi na niya sa akin," sabi ni Carlene.

"Hindi naman issue sa akin iyon kasi ako nga, may anak din from somebody else. Kaya pareho lang kami."

Tanggap naman daw ni Carlene ang sitwasyon ng kanyang boyfriend. Nalaman nga niyang nagkaanak ito sa panahon na hindi pa ito handa na maging isang ama.

"Tulad ko rin nga, hindi rin ako prepared noong mabuntis ako kay Calix [her son with actor Dennis Trillo]. Pero kung ito nga ang gusto ng Diyos na mangyari sa akin, tinanggap ko siya. Ngayon I am a proud mother at wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko.

"Gano'n din naman si Yo. Kasi he was not that prepared to be a father. Pero yun ang kaloob ng Diyos sa kanya kaya he accepted it. In fairness naman to Yo, inaasikaso naman daw niya yung anak niya. And he is trying his best to be a good father to his child."

Inamin nga ni Carlene na hindi pa niya nakikita nang personal ang anak ni Yo. Hanggang sa picture lang daw. Pero handa naman daw na tanggapin ito ni Carlene kung saka-sakali.

"Bakit ko naman tatanggihan ang batang iyon, di ba? Kung sakaling ipakilala siya sa akin ni Yo, walang problema. I will love him tulad ng pagmamahal na pinapakita ni Yo kay Calix."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit nga rin ni Carlene na noong una ay nagalit daw si Yo nang mabalita nga ang pagkakaroon nito ng anak. Gusto raw sana nitong isikreto ang tungkol dito dahil gusto niyang protektahan ang bata. Pero payo ni Carlene na mas mabuti pa raw na maging open ito para wala nang kung anu-anong istorya na lumalabas.

"At first, he got upset talaga. Kasi nga he kept it a secret because he wants to protect his child. Pero dahil nga na-link na siya sa akin, may mga taong gumawa ng kung anu-ano para lang masiraan siguro siya sa akin. E, matagal ko na ngang alam ‘yon, e. So I told Yo na it's better na it came out para wala na rin siyang worries. Wala naman siya sa showbiz kaya protected pa rin ang identity ng anak niya.

"Medyo natanggap na niya na pati siya, kahit wala sa showbiz, e, puwedeng maintriga pa rin dahil connected siya sa isang celebrity.

"Sinubukan naman ni Yo na mag-showbiz noon pero hindi niya nagustuhan. Masyado raw magulo at hindi raw kakayanin ng pamilya niya. Kaya he wanted na normal na buhay lang, pero may nalaman pa rin sa kanya. Wala naman siyang choice kundi i-accept na lang iyon."

Anyway, sa drama series na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ay gagampanan ni Carlene ang role na Clarisse, ang matalik na kaibigan ni Heleen (Angelu de Leon) na magiging kaagaw si Proserfina (Marian Rivera) kay Homer (Dingdong Dantes). Sa February 2 ito ipalalabas sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN