Dina Bonnevie manages time between two careers

"Siguro in time, I can find someone. Tignan mo kung ganyan ka, how many people really up there na super famous, ang nakakahanap ng talagang tahimik na relasyon. Siguro makakahanap and then wala na naman. Mahirap. e. Unless your partner is from show business, who truly understands your schedule. E, wala naman akong hilig sa mga taga-show business, e," says Dina Bonnevie.


Ibinuko ni Dina Bonnevie na hindi lang siya ang walang karelasyon ngayon kundi pati ang kanyang anak na si Oyo Sotto. Nabanggit niya ito nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung masaya ba siya ngayon kahit wala siyang boyfriend?

"Yeah, I'm happy! With or without a boyfriend naman, happy ako, e. Like si Oyo [anak niya with Vic Sotto] ganun, parang nag-vow kami na wala munang boyfriend-boyfriend, girlfriend-girlfriend. Basta yung next, yun na yun talaga," ito ang isiniwalat ni Dina sa PEP nang ma-interview siya sa presscon ng May Bukas Pa last January 28.

So, ibig niyang sabihin wala ring girlfriend si Oyo ngayon?

"Wala. Pareho kaming nag-promise na the next one will be God's choice na talaga. Parang enough na with all these... ewan ko. Basta we're praying about this. ‘Tapos kung nandiyan sa paligid, yun talaga, e di yun. But we're patiently waiting for that."

LOOKING FOR MR. RIGHT. Nung January 27, Martes, nag-celebrate ng kanyang 48th birthday si Ms. D, at ang birthday wish niya nga is makahanap ng lifetime partner. Sa tingin ba niya ay hindi pa niya mahanap si Mr. Right?

"Kasi parang iniisip ko yung showbiz, yun din ang reason kung bakit hindi ka makahanap ng partner, e. Kasi siyempre yung time—siya nasa bahay na, ikaw wala pa. Mas malaki yung suweldo mo sa kanya. Plus yung ikaw lagi ang babatiin, ‘Hi, Ms. Bonnevie! Hi, Ms. Bonnevie!' Paano naman siya? Wala ba siyang pangalan?

"Yun palagi ang nagiging ano sa akin, e... ‘How come everybody is greeting your name, how about me, nobody knows my name.' Parang, ‘You're earning more than me. Tapos nasa bahay na ako, I'm counting the hours. I'm checking and checking you, and you're not home yet.' Di ba? So, siyempre yung guy, parang he's growing insecurity talaga for me. Nakakaapekto ng relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sabi ko, minsan siguro maging simple na lang akong tao. Siguro in time, I can find someone. Tignan mo kung ganyan ka, how many people really up there na super famous, ang nakakahanap ng talagang tahimik na relasyon. Siguro makakahanap and then wala na naman. Mahirap. e. Unless your partner is from show business, who truly understands your schedule. E, wala naman akong hilig sa mga taga-show business, e. Puro lahat labas ng show business."

Pero paano kapag natagpuan na niya yung right guy, kaya lang hiniling nito na i-give up niya yung show business, susunod ba siya?

"Oo, kung kaya niya ba akong sustentuhan, e. Pero if he'll ask me to quit, ‘tapos hindi niya ako kayang sustentuhan, wait a minute. Dapat pumayag siya na maging corporate person ako. Kung pumayag siya na corporate ako, e, di okey.

"But quitting show business, okey lang sa akin yan. Kasi I've done everything. I don't have to prove anything. For me it's just icing on the cake. Parang you're made, ang dami mo nang nagawa...ang dami mo nang awards. Now I have something to prove in the corporate world. But as far as movies and TV, there's nothing to prove, parang nagawa ko na lahat.

"But I welcome offers na katulad nitong sa May Bukas Pa, because most of the time I get roles that are... ‘Really cut out for Ms. D ito.' Yung tipong bida-kontrabida type. It's not an easy role to play, e. Madaling maging bida. Madaling maging kontrabida. Pero mahirap maging bida-kontrabida at the same time, e, na parang may turn about, na you're the kontrabida pero may paganun-ganun. Not the typical kontrabida."

STABLE CORPORATE WORLD. Dumating na ba yung point na kailangan niyang mamili between her work and sa pagiging artista niya?

"Actually, pinili ko na noon yung corporate world, e. Kasi parang mas stable. Pero talagang hindi mawala-wala yung offers. And when an offer like this [May Bukas Pa] comes along, na talagang it's nice. Wow, it's about God. Bakit hindi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman masaya pa rin si Dina dahil patuloy pa rin ang pagkuha sa kanya sa mga teleserye para gumanap ng mahalaga at bigating role na katulad nga ng kanyang role sa bagong teleserye ng ABS-CBN tungkol sa himala.

"Happy ako. Actually, parang nao-overwhelmed ako. Kasi hindi ko iniisip na interesado pa sila na kunin ako, kasi alam naman nila na nag-oopisina ako, na I've gone to the corporate world na talaga. And I'm really busy, kasi I travel a lot also, e. Kasi Asia is my area of responsibility, hindi lang Philippines. Sobrang busy talaga."

MANAGING TIME. Hindi ba nagko-conflict yung corporate work niya at saka yung kanyang showbiz work?

"Minsan, but it's just time management. Ako ang apektado, kasi minsan siyempre puyatan, e. ‘Tapos deretso na ako sa office. Minsan talagang sobrang pagod na pagod ako. Or while at work naman, habang naghihintay kang makunan, open naman yung laptop, e, you can always work. Kahit na nagte-taping, kasi di ba matagal yung mga waiting hours? Minsan one hour bago ka kunan, minsan five hours, six hours. E, di ang dami mo nang nagawang e-mail nun. Ang dami mo nang nagawang presentation. Marami ka nang magagawa, hindi sayang yung oras. Ang talo lang kapag puyatan, e. ‘Tapos you have to be in the office by nine."

So far, kinakaya niya ba?

"Kinakaya, but it's really difficult. Nahihirapan ako sa sobrang puyatan. Hindi ko kaya kasi I have to be in the office by nine, e. Not because kailangang-kailangan ako dun by nine. Of course, I can decide what time I can go to the office. But I want to be a good example to my staff na to come on time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN