Dingdong Dantes says bond with Marian Rivera is "solid"

"Well siguro, sa lahat ng na-share namin sa isa't isa, magmula noong mag-start, kasi, hindi naman napaka-simpleng bagay ng mga ito. Napakaraming nangyari. Very special moment, ang daming highlight na nangyari. Especially last year, lahat ng mga importanteng bagay na nangyari sa amin, magkasama kami. So, with that, yun siguro ang masasabi nating assurance na yung bonding, e, magiging solid talaga," said Dingdong Dantes about his bond with Marian Rivera.


Live na nag-guest sa Startalk kahapon, January 31, ang hottest love team ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pero bago ang kanilang live guesting, ipinakita muna ang taped interview sa dalawa bago magsimula ang press conference noong Huwebes naman ng gabi for their newest primetime series, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Sa Startalk ay muli ngang binati si Dingdong dahil pagkatapos pangalanang 3rd sexiest man in the world sa E!, heto't ang AXN Asia naman ang nagbibigay sa kanya ng recognition.

"Pumunta sila...the crew from AXN kasi, maglo-launch sila ng bagong show na tinatawag na The Duke. So, they feature ‘Dukes' from different countries in Asia. ‘Tapos sa Pilipinas, isa ‘ko sa unang ipi-feature nila. Hindi ko pa alam kung sino ang ibang iinterbyuhin nila. Na-interview na ako ng isa sa mga host nila. And I believe, dalawa sa mga hosts nila, ang isa ay si Marc Nelson. Hindi ko nga lang alam ang isa pa, pero Pinoy rin."

Sa rami nga raw ng mga actor na hinahangaan sa local showbiz, masaya si Dingdong na isa siya sa nabigyan ng pansin.

"Although siyempre, ayoko namang isipin na may mangyaring malaki dahil dun sa interview na yun. But the fact na na-recognize is a big thing for me."

At kung may babae man daw na proud sa mga achievements ni Dong, isa na nga raw si Marian Rivera rito.

"Ang palagi kong sinasabi sa kanya na sa lahat ng achievements na nakukuha niya, numero uno akong proud sa kanya."

Samantala, bukas na nga ng gabi magbabalik sa primetime series ang tambalan nilang dalawa.

Ayon kay Dingdong, "Pati ang pagkasulat, execution, e, pang-pelikula talaga dahil ito nga ay isinapelikula dati ni Carlo Caparas, ‘tapos, gagawin ito for TV. Very interesting, kasi, it deals with actually, the good, the bad, male dominance, female dominance, all enveloped by love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, itong lahat ng mga bagay na ito ay iikot talaga sa pag-ibig."

Para kay Marian naman, "This time kasi, hindi na ako yung walang alam. Ako rito yung may alam. Mataray, komedyante rin at misteryosang babae. Sa bawat proseso ng pangyayari ay malalaman n'yo kung bakit ako misteryosa rito."

Kung sa serye ay magkaugnay ang buhay nina Proserfina at Homer, sa tunay na buhay, hindi rin naman daw malayong sina Marian at Dingdong ang magkaigihan.

Ayon kay Dingdong, "Pareho kaming single ngayon. So, kunwari ay kailangan naming lumabas, wala kaming masyadong iniisip. Hindi namin iniisip na baka masamain or ganyan, pero kami, we do it in good faith. Masaya kami."

MEETING EACH OTHER'S FAMILY. Napapalapit na rin daw sila sa pamilya ng isa't isa.

"Of course, kapag may mga affair. Kasi, madalas magkaroon ng affair. Of course, she's invited."

Pinatotohanan naman nga ito ni Marian.

"Oo, ini-invite nila ‘ko."

So, kapag may special occasion din sa pamilya niya, iimbitahan din ba niya si Dingdong?

"Tingnan natin kapag meron...kasi, malapit na ang birthday ng lola ko, e. Sana walang taping. At kung wala man, e, di, invite ko rin siya para makilala niya ang lola ko, di ba?"

Ang pahayag naman ni Dingdong sa lola ni Marian, "Kapag nakikita ko si ‘Nanay'...kung tawagin ni Marian, e, tahimik. Pero kapag nagkuwento siya tungkol sa kanya, para siyang batang-bata. Very youthful in spirit."

Malapit na ba sa puso niya si Dingdong?

"Puwede...puwede naman. At aminado naman na posible naman. At palagi ko ngang sinasabi na hindi naman imposible dahil parehas kaming single ngayon."

Tinanong si Dingdong kung in love ba ito.

"Ah, palagi... Ako naman, palagi," nakangiti niyang sabi.

Matapos ng breakup with Karylle, napunan ba ni Marian ang hole sa puso niya?

"I really don't know... Siguro, yeah...it feels good to work with her again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa live guesting naman ng dalawa, unang hirit agad ni Joey de Leon sa dalawa ay ang kataga raw ng kanilang director na si Direk Joyce Bernal na, umamin na silang dalawa. So, sila na nga raw bang talaga?

Pero naudlot ang pagsagot ng dalawa sa tanong na yun nang mag-commercial gap, at nang bumalik ang Startalk, binasa naman ni Joey ang sulat na ipinadala ng AXN Asia at may signature ni Derek Wong, ang Director-Production ng AXN Network, kung bakit si Dingdong ang napili nila to be the first Philippine "Duke" at anong klaseng show ang The Duke.

Tinanong ni Butch Franciso si Dingdong tungkol sa nararamdaman nito ngayong matapos ang E! Channel ng U.S. ay ang AXN Asia naman ang nagbigay-recognition sa kanya.

"Siyempre, mas gumanda lalo lahat ng 'yan nang binasa ni Tito Joey ang letter, mas naging espesyal ang dating. Totoo po yun...I'm very honored and of course, very inspiring kasi. Kumbaga, lahat ng paghihirap, lahat ng ginagawa ko, may nakakapansin. And I'm happy na nakaka-reach out ako. Siguro, kahit papaano, nai-inspire din."

DESIRABLE DONG. Ang tanong naman ni Ricky Lo ay para kay Marian: what makes Dingdong so sexy and desirable para sa mga babae or in particular, para kay Marian mismo?

"Hindi kasi, kapag tinitingnan...o, anong binubulong mo diyan?," natatawang hirit ni Marian sa katabing si Dingdong na tila nga may binubulong. "Hindi kasi, si Dingdong ano, kung titingnan mo siya ng ganyan lang, yung buong pagkatao niya, yung kabuuan niya ang nagdadala sa kanya."

Walang specific part of the body na gusto niya kay Dong?

"Lahat, e!" nakangiting sabi ni Marian.

Hirit ni Lolit Solis, "So, paano na ‘yan? Paano pa matatago ‘yan, e, lahat naman pala gusto ni Marian kay Dingdong!" na ikinakatawa lang ng dalawa. Then, Lolit asked kung ano na raw ba talaga ang sitwasyon nila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Well, magmula nang magsimula kami sa Marimar, masasabi kong napakaganda ng development ng samahan namin. Kumbaga, wala siyang moment na bumaba siya. So, I would say na mula noon until now, kunbaga, yung slope niya, e, paakyat talaga. Although, hindi ko alam kung saan patungo yun or kung saan mas maganda pang pangyayari, pero, one thing is for sure, paakyat siya."

Nangiti si Marian sa huling sinabi ni Dingdong sabay kurot kay Dingdong. Hindi yun nakaligtas sa mga hosts ng Startalk kaya si Marian naman ang hiniritan at tinanong din kung bakit daw nito kinukurot si Dingdong?

So, ano raw ang feeling naman ni Marian kay Dingdong at lalo pa't pangatlo na nga nilang pagtatambal ang Ang Babaeng...?

"Unexpected po kasi. Kasi, sabi nila yung Dyesebel, last na raw po. ‘Tapos, nagkaroon ulit kami ng chance ni Dong na magkapareha ulit. So, isang malaking karangalan ulit para sa akin na siya ulit ang maka-partner ko.

"At sa lahat ng achievements na nakukuha niya, sinasabi kong ako ang numero unong proud sa kanya!"

Sabi naman ni Dingdong, "Ako rin naman, e! Proud na proud din ako sa kanya."

Tanong naman ni Butch, hindi raw ba sa isang interview ay umamin na silang nagdi-date sila?


"Oo," sagot ni Dong. "Pero kung totoong date na dinner, na pinag-uusapan, hindi pa naman dumarating sa ganoon. Pero yung lumalabas kami pagkatapos ng taping, mall minsan, oo...lumalabas kami. Pero siyempre, kapag sinabi mong date, mas special yun. Pagdating naman sa ganoon, wala pa."

OMEGA AND UMAGA... Pero hirit ni Lolit, niregaluhan daw ni Marian si Dingdong noong Pasko ng Omega watch na pagkamahal-mahal. So, siyempre raw, kapag niregaluhan niya ang lalaki ng ganoon, meron na silang kahit konting pagmamahal sa isa't isa.

"E, siyempre, wala namang kinalaman sa lugar ‘yan. Kahit sa simpleng lugar lang ‘yan, " natatawang sagot naman ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ano naman daw ang regalo niya kay Marian? Baka raw binigyan lang din niya ito ng magnet sa ref? Natatawang sabi naman ni Marian kay Dong na umamin na raw ito...

"Ako, meron akong ibinigay na picture frame, " sagot nito na namumula na halos sa pagtawa.

Punch line naman ni Joey, kung Omega raw ang gift ni Marian, si Dingdong daw ay "umaga at gabi" ang regalo kay Marian. Pero humirit si Marian at ibinuko si Dingdong na, "ayaw niyang umamin!"

Tanong naman ni Ricky, naipakilala na raw pala nila ang isa't isa sa respected families nila at si Dingdong daw ay lagi nang nakakausap ang lola ni Marian.

"Hindi naman, kapag may pagkakataon lang. Like kapag may show si Marian at nanonood sila sa SOP, yung mga ganoong pagkakataon, nakakausap ko siya ng sandali."


WHO'S YOUR DADDY? Tinanong si Dingdong kung totoo bang ang tawag daw sa kanya ni Marian ay "Daddy."

Natatawang sagot ni Dingdong, "Daddy? Ha-ha-ha!" Biro naman ni Marian, "Ikaw, ikaw ang nawawala kong Itay...Itay, Ha-ha-ha!"

Si Dingdong ay marami naman daw tawag kay Marian dahil madalas daw silang magbiruang dalawa.

Itinanggi naman ni Marian ang sinabi ni Lolit na sabi raw niya, kahit ang aso nila ay malapit kay Dingdong. 'Ika ni Marian, wala raw siyang sinasabing ganoon. Input naman ni Joey, sa ugaling Filipino raw, basta napalapit ang lalaki sa lola, yun na raw yun.

Lolit then asked, bakit nga raw ba hindi pa sila umamin?


"Sinagot ko na po ang tanong kanina," sagot naman ni Dingdong.

So, ang ibig sabihin daw ba, sa ngayon, may pagmamahal siya kay Marian?

"Siyempre, hindi naman natin sasabihin na wala... "

So, gaano kalaki yung pagmamahal na yun?

"Mahirap naman ipaliwanag sa salita ‘yan, e, dahil ‘yan ay ipinapakita sa gawa."

What about Marian, may pagmamahal din daw ba siya kay Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tatlong soap na pinagdaanan namin at ito, may bago kami, oo naman po. At sa lahat ng nakakatrabaho namin, siyempre, mahal din namin yun."

WILL THEY END UP TOGETHER? So, may chance ba na maging silang dalawa?

"Bakit ako ang palaging pinapasagot mo?" baling ni Marian kay Dingdong.

Sagot naman ng huli, "Tinatanong nila kung may chance, siyempre, ikaw ang makakasagot nun. Malay mo, hindi ngayon or sa future."

Kaya hirit naman ni Marian kay Dong habang natatawa, "Tinatanong mo ‘ko, ha..."

"Hindi, kailangan ako ang magtanong nun sa kanya. Sa tamang panahon, ako ang magtatanong sa kanya. Now is not the right time."

Joey then asked Marian, kung may chance raw ba na maging sila?

"Hindi ko sinasabing wala at ayokong magsalita ng tapos, kasi, siya ang madalas kong kasama. Sa taping, shooting, so, hindi ko sinasarado ang pinto ko run. Siyempre, may chance."

"Paano kung hindi mo na ‘ko kasama?" biglang tanong ni Dong kay Marian.

"E, doon ko makikitang talaga! Akala mo, ha! Tingnan ko lang!" natatawang sagot naman ni Marian kay Dong.

So, ano raw ang assurance na maibibigay nila sa isa't isa na maiki-keep nila kung ano nang special meron sa pagitan nila ngayon?


"Well siguro, sa lahat ng na-share namin sa isa't isa, magmula noong mag-start, kasi, hindi naman napaka-simpleng bagay ng mga ito. Napakaraming nangyari. Very special moment, ang daming highlight na nangyari. Specially last year, lahat ng mga importanteng bagay na nangyari sa amin, magkasama kami. So, yung mga experiences na magkasama kami, hinding-hindi namin makakalimutan. So, with that, yun siguro ang masasabi nating assurance na yung bonding, e, magiging solid talaga," sagot ni Dingdong.

SERGIO, FREDO OR HOMER. At nag-agree naman si Marian sa sagot ni Dingdong.


Tanong naman ni Joey, sa tatlo raw, sino ang pipiliin ni Marian at gusto niya, si Sergio, Fredo or Homer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dalawa, e...dalawa ang gusto ko, e. Siyempre si Sergio kasi tapat ang pagmamahal niya kay Marimar. At kay Homer dahil malaki ang ginawa ni Proserfina para mabago ang buhay niya."

Sa huli, halos lahat ay nag-udyok at humirit na mag-kiss daw ang dalawa. Hindi naman binigo nina Dingdong at Marian ang mga nagre-request ng kiss dahil ginawaran nga halik sa lips ni Dingdong si Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN