Mark Herras and Rhian Ramos: Who is telling the truth?

Mark Herras and Rhian Ramos state different versions about their reported relationship that lasted four months.


Magkasunod na na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Mark Herras at Rhian Ramos.

Nabalita na may secret relationship diumano ang dalawa na tumagal ng four months. Iba ang naging reaction nina Mark at Rhian sa diumano'y pagkabuking ng kanilang relasyon. Kaya parang "He Said, She Said" ang aming naging interview sa kanila.

MARK'S SIDE. Noong una ay ayaw magsalita ni Mark nang tanungin namin tungkol sa nakaraan nila ni Rhian. Aniya, " Huwag na nating pag-usapan yun, pareho na kaming may sariling buhay. Hindi biglang natapos yun dahil alam nating may love team siya. Wala ring months yun at wala ring date. Hindi natuloy yun dahil ayoko namang pumasok at may ka-love team siya at first soap nila yun."

Totoo bang sa text lang sila nag-break at kailan ba nagsimula ang relasyon nila?

"Hindi kami officially on," sagot ni Mark. "Hindi na kailangan ang date lalo na sa ngayon. Saka importante ang date kung solid kayo. Hindi kami solid dahil after I.T.A.L.Y., naghiwalay na ang landas namin at wala na rin kaming communication. Siguro kung magkasama pa rin kami sa project, okey pa rin kami."

Sabi ng fans ni Rhian, "martir boyfriend" si Mark dahil kahit nakipag-date diumano si Rhian noon kay Rayver Cruz, hindi siya nagalit. At nitong nali-link si Rhian kay JC, hindi rin kumibo si Mark. Gusto ba ni Mark ang description na "martir" siya?

"Paano ako naging martir?" balik-tanong ni Mark. "Kung kailan naman ako nananahimik, doon ako nagkakaisyu.

"Hindi ako martir," diin ng young actor. "Ako naman, kung alam kong may right ako, right magsalita, magsasalita ako. Kung wala naman akong right to react, hindi ako magre-react at baka sabihin pang pakialamero ako.

"Yung date nina Rhian at Rayver, okey lang sa akin yun. Kung anuman ang namuo sa amin, dahil yun sa nagkasama kami sa I.T.A.L.Y. Sa My Only Love, hindi pa kami ganun ka-close. Pero kung anuman meron kami, hindi solid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Mark, "Nag-give way ako sa love team nila ni JC dahil ayokong makasira ng trabaho. Alam ko ang experience ‘pag may ka-love team ka. Give all your best sa love team ninyo, example na lang sa amin ni Jennylyn [Mercado]. Noong may iba akong girlfriend, hindi ko siya puwedeng ilabas kaya maghihiwalay din kayo dahil ang mangyayari, poprotektahan mo ang trabaho mo."

RHIAN'S SIDE. Nagulat naman si Rhian sa sinabi ni Mark na four months silang nagkaroon ng relasyon. Pero nilinaw ng young actress na hindi siya galit kay Mark.

"Baka yun ang intindi niya sa nangyari sa amin," sabi ni Rhian. "Pero close lang kami, never kaming naging mag-boyfriend at mag-girlfriend. Hindi nga niya ako niligawan at hindi niya ako tinanong kung puwede niya akong maging girlfriend. In order for friends to be lovers, may mga lines na naku-cross at may mga standards of intimacy na hindi namin narating.

"Hindi ko alam yung four months na sinasabi ninyo. Hindi ko alam kung ano ang time limit at hindi rin ako nagbibilang. Sa experience ko, hindi ako puwedeng tawaging girlfriend ang babae kundi mo nabibigay ang mga hinihingi kong conditions.

"Hindi naging kami," diin ni Rhian. "Yes, he could have been my boyfriend kung na-fulfill niya ang hinihingi kong conditions. Hindi rin kami lumalabas ni Mark, paano matatawag na may relasyon ang dalawang tao kundi naman lumalabas?"

Sinegundahan din ni Rhian ang sinabi ni Mark na wala na silang communication. Kapag nagkikita raw sila sa SOP, nagbabatian sila, pero hindi nagkukuwentuhan.

Dagdag pa niya, ang problema sa kanilang mga artista, hindi ang katotohanan ang lumalabas. Kailangan daw nilang mag-usap ni Mark para klaruhin dito ang lahat. Pero ilang sandali lang, umiyak na si Rhian at inamin na ring na-in love siya kay Mark.

"Na-in-love ako sa kanya at sorry kung masakit sa kanya ang mga sinabi ko," aniya. "Pero dahil hindi nga niya naibigay ang mga condition ko, hindi nga naging kami. Ang mga babae, may mga needs na hindi niya na-fulfill at dahil dun, hindi naging kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Rhian ang tungkol sa "secret relationship" nila ni Mark. Kapag importante raw sa kanya ang isang tao, hindi dapat inililihim at magiging proud ka pa.

"Hindi ako masaya na walang nakakaalam na kami nung time na yun. Ako kasi, gusto ko alam ng mga tao, lalo na ng mommy ko. Hindi ko sinadyang i-secret yun, wala lang nagtanong tungkol sa amin. Ang tinatanong kasi sa kanya, tungkol sa ibang babae at itinatanong naman sa akin, tungkol sa ibang lalake. So, kung walang nagtatanong, bakit ko naman biglang sasabihin out of nowhere?" paliwanag ni Rhian.

Sabi ni Mark, kaya sila naghiwalay dahil sa love team nila ni JC. Ayaw raw niyang masira ito, lalo't first team-up nina Rhian at JC ang Lalola. Any reaction?

"Ewan ko, late na para makipag-argue sa kanya," sabi ni Rhian. "Kung anuman yun, tapos na yun at walang dahilan para mag-away pa kami, wala na ring mangyayari. Ayoko na ring ibalik kung sino man ang may fault at kung anong mga wrong decisions ang nagawa. If ever may sayang, sayang na walang natuloy. May mga demands ako na hindi na-fulfill. Yun lang yun."

Napag-alaman ng PEP na pagkatapos ng interview namin kay Rhian, agad niyang tinawagan si Mark. Ang sabi naman ni Mark, wala siyang inaming relasyon nila sa press.

Pero pinaninindigan ng PEP at ng iba pang entertainment press ang naging pahayag ni Mark na nagkaroon sila ng relasyon ni Rhian. Ang tanong tuloy ng marami, bakit inamin ni Mark na may hiwalayan kung hindi sila nag-on? Bakit umiyak si Rhian? At bakit umamin din si Rhian kung wala silang naging relasyon?

DIFFERENT PURPOSES. Magkaiba ang purpose ng interview ng PEP sa dalawa; si Mark para pag-usapan ang malapit na airing (sa February 16 na) ng balik-tambalan nila ni Jennylyn Mercado, ang TV remake ng Paano Ba Ang Mangarap?. Ipinagmamalaki ni Mark ang project na ito't dahil marami siyang ginawang kakaiba ang bago at for the first time, pumayag siyang mag-swimming trunks na kanyang pinaghandaan dahil ayaw mapahiya sa viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rhian naman ay para pag-usapan ang nalalapit na ending ng Lalola at sa kanila ni JC. Pero napunta sa secret relationship nila ni Mark ang usapan.

Napansin ng PEP ang biglang pagtahimik ni JC sa narinig na naging sina Rhian at Mark dahil ang akala niya'y nali-link lang ang dalawa. Tinukso ng PEP ang actress to be very careful sa biglang pananahimik ng ka-love team at baka kumprontahin o awayin siya nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN