Isabel Oli breaks silence about breakup with Paolo Contis

"For me, happiness should not depend on the people around you. Material things na mawawala rin naman. Happiness is how you deal your life. And my source of happiness is God. So yes, oo naman," answeres Isabel Oli when asked if she still believes in "happily ever after."


Finally, Isabel Oli breaks her silence about her breakup with Paolo Contis by allowing herself to be interviewed by Mo Twister at his "Gimme Mo" segment in Showbiz Central. Five of Isabel's friends in showbiz chose some of the tough questions that Mo asked her: Jennica Garcia, Ryza Cenon, Glaiza de Castro, Emilio Garcia, and Iza Calzado.

Kung mapapansin, since her breakup with Paolo Contis late last year, wala halos narinig on her side bukod sa confirmation na wala na nga talaga sila after almost three years of relationship. While Paolo is very open about his new relationship with Lian Paz, Isabel remains quiet.

Pero kahapon, February 1, binasag na ni Isabel ang kanyang pananahimik sa no holds barred interview with Mo.

"Kinakabahan na ako!" pero nakangiting bungad ni Isabel. Pagkatapos nito ay sinimulan na ni Mo ang pagtatanong kay Isabel.

Most Wanted Question No 5. In relatively short time in showbiz, ano ang masasabi mo na best lesson na natutunan mo, the hard way?

"I guess, it's to master my emotion and parang quiet ka na lang and be still. Kung may mga ibinabato man sa ‘yong tsismis na hindi totoo, quiet ka na lang and just pray."

Sabi mo emotion, so what was the emotion? Was that the worse heartbreak you've ever experienced?

"Yeah, super!"

It was only in November and it's just two months, could you say you're still heartbroken?

"Right now? Konti lang...konti lang."

Honestly, ano'ng feelings since we see all these things happening na sa ex mo. Can we say heartbreak to another feeling like angry, confused, denial?

"Actually, it's complicated. Confused..."

Hindi ka galit?

"Medyo! Konti lang. Pero wala na! I'm okay now."

Most Wanted Question No. 4. Ikaw ba ang tipo ng girlfriend that you make it a point na maging close sa mom and family ng boyfriend mo? The reason why I'm asking this, because sinabi ni Paolo sa isang interview na kung ang anak nila naka-move on, bakit sila hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko, pero hindi ko pinipilit," sagot ni Isabel. "Paolo and I, three years din kasi kami. So, hindi maiiwasan na maging close ako sa family niya. And I would like to take this opportunity to thank his family for being so nice to me."

Nami-miss mo rin ba sila? How's the relationship with the family? Texting, calling?

"Text...nagte-text pa rin sila. At nagte-text din ako sa kanila. Yun, na-miss ko ang pamangkin niya. Na-miss ko yun."

Ano'ng reaction mo sa sinabi niya (Paolo) na kung ang anak puwedeng mag-move on, what about his family?

"Sabi?" tanong ni Isabel. "Well, parang I'm sad...I don't know what to say. Sa kanila na rin kasi yun, e. Parang labas na ako."

Most Wanted Question No. 3. Are you the type of girl na madaling mapasaya sa simple joys, pero gusto mo rin ng mga engrandeng gifts?

"Well, I'll be blessed to have both. Pero para sa akin, I'll go for simple. Like kung aalis kami with friends, hindi naman kailangang kumain sa mga fancy restaurants. Kahit saan lang basta kasama ko siya. When it comes to dating naman, kahit maglalakad lang kami sa soccer field."

What about noong mag-on kayo ni Paolo, we heard about all these very grand regalo like bahay at singsing? Was those things na pina-feel mo sa mga boyfriend na kailangan talagang gawin para sa ‘yo?

"No, not necessarily. Actually, ayoko nga ng ganoon. Siyempre, lalabas na parang bilmoko ka at hindi naman maiintindihan ng ibang tao yun, di ba? Si Paolo naman, sobrang galante lang niya. Ganoon siya sa lahat. Natutuwa lang siya kapag nabibigyan niya ng magagandang bagay," sabi ni Isabel.

We saw the ring when Lian and Paolo guested. The ring was big and looks expensive. May mga tsismis na parang na-recycle yata yung ring. First of all, did you return the ring?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes," nakangiting sabi ni Isabel.

Napanood mo ba yung guesting niya at ipinakita namin ang ring?

"No, hindi ko nakita."

Natawa si Isabel nang sabihin ni Mo na puwede nilang ipakita ang picture ng singsing sa kanya. Pero mabilis na tumanggi si Isabel.

But have you heard about it?

"Oo...oo naman."

Was it the same?

"I don't know...may nagtanong kasi. But I didn't see it, so it's unfair namang mag-comment. Hindi ko nakita yun, e."

Most Wanted Question No. 2. Handa ka na ba sa panibagong relationship?

"No! Magti-three [months] pa lang, e. I could say that I've moved on, pero may konting pain pa rin. So, huwag muna."

Would you say, you'll be ready when lahat ng heartbreaks, nawala na?

"Yes, para rin hindi ako unfair sa magiging boyfriend ko, di ba?"

How long would it take for you to recover?

"I don't know... Actually, medyo mabilis nga ngayon."

Why it is faster now? Dahil may bagong girlfriend na (si Paolo)?

"I don't know... Pray kasi ako nang pray."

Balita kasi na may isang PBA player na nagdi-date sa ‘yo?

"Friend ko talaga yun. It's not a showbiz answer. Best friend ko talaga siya. Two years na kaming friend," sagot ni Isabel.

Even noong time na may boyfriend ka pa, best friend mo siya?

"Yes."

You know sometimes, best friends blossom to be the best lovers. Would you be able to see going out with the very tall boyfriend?

"Why not? Why not, di ba?" natatawa niyang sabi.

Most Wanted Question No. 1. After everything that has been said and done and after everything you've been through, masasabi mo ba na naniniwala ka pa rin sa happily ever after?

"For me, happiness should not depend on the people around you. Material things na mawawala rin naman. Happiness is how you deal your life. And my source of happiness is God. So yes, oo naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When was the last time you cried about the breakup?

"Teka lang...two weeks ago? Yeah, tagal na...tagal na, di ba?"

Two weeks ago noong napanood mo ang Showbiz Central?

"Hindi ko nga napanood, e!" tawa ni Isabel.

Did you cry when you heard what happened on our show?

"Yes," pag-amin ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN