Ara Mina on sister Cristine Reyes: "Humiram ako sa kanya ng pera, pero hindi naman siya ang nagpapakain sa akin."

"Merong offer, pero hindi ko pa kinu-consider kasi parang mas priority ko ngayon ang rumaket, lalo na sa mga out-of-the-country shows. Maganda naman yung ino-offer nila, si Dondon [Monteverde, Ara's manager] ang kumakausap sa kanila," says Ara Mina about her follow-up project after Ligaw Na Bulaklak.


Noon pa man ay usap-usapan na ang malaking posibilidad na papasok sa mundo ng pulitika si Ara Mina. Galing sa angkan ng mga Mathay na nanilbihan sa loob ng matagal na panahon sa Quezon City, bali-balita na ngayong 2010 elections ay itutuloy na ni Ara ang pagkandidato niya sa isang posisyon sa Quezon City.

Lumabas din ang usap-usapan na ang panlaban daw ng nanliligaw na partido kay Ara ay ang Manny Pacquiao-Ara Mina tandem for 2010. Isang bagay na labis na pinagtakhan ng aktres nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"I heard na nililigawan nga raw si Manny ng isang congresswoman ng isang distrito sa Quezon City and balita ko, ang kinukuha niya ay puro mga artista. Even ako nga raw sinasabi na naka-lineup sa kanya. Paano naman mangyayari yun, e, sobrang favorite ko siya? Siya yung kalaban ng daddy ko [Chuck Mathay], so sobrang nakakatawa ‘yan!

"Hindi pa ako magsasalita kung tatakbo ako o hindi. I'm still thinking, pero medyo ilang buwan na lang na kailangan kong pag-isipan. Ang hirap ding magsalita kasi hindi mo alam ang takbo ngayon, lahat ng politicians, nakikiramdam.

"'Saka if ever na dumating din yung time na dumami ang projects ko, mahihirapan din akong mamili between politics and showbiz. Mahirap na decision yun kasi mahal ko itong trabaho ko. Pero gusto ko ring tumulong."

ON SISTER CRISTINE. Sa paglipat ng kapatid ni Ara na si Cristine Reyes sa ABS-CBN ay nabigyan siya agad ng kanyang sariling telserye, ang Eva Fonda, kung saan kinakitaan siya ng husay sa pag-arte. Hindi rin nababakante sa mga show ng Kapamilya network si Cristine kung kaya't expected na rin ang paglaki ng kinikita nito. Dahil dito, may lumabas na tsismis na si Cristine na raw ang breadwinner ng kanilang pamilya at hindi na si Ara. Ano ang masasabi ni Ara rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," sabi niya. "Humiram ako sa kanya ng pera, pero hindi naman siya ang nagpapakain sa akin. Kumbaga, sinusuportahan niya ang ibang mga kapatid namin at binibigyan niya rin nang kusa ang mommy namin. Kasi siyempre, siya ang kumikita ngayon, isine-share niya lang. Kasi before, ako lang. But I can't say na siya ang totally breadwinner, kasi I'm still giving my mom allowance up to now."

Dagdag ni Ara, "Nag-thank you ako sa management ng ABS kasi nag-risk sila para bigyan ng bidang show ang kapatid ko. Sana maaagang napansin ng GMA yung kakayahan niya."

Aminado rin si Ara na mas maganda ang relasyon nilang magkapatid ngayon pagkatapos ng away nila.

"Okey naman, bonding kami lately. Siya yung mas lumalapit sa akin. I can say mas naging close kami nung hindi na ako nakikialam sa career niya. Hindi na ako ang manager niya ngayon, parang manager in name na lang. Ang nakikipag-transact ay si Veronique del Rosario para wala nang conflict. Pag may pumpasok na project for Cristine, pinapasa ko sa kanya," lahad ni Ara.

MANO PO LOVE STORY? Naging bukas si Ara na masaya ang kanyang lovelife ngayon sa piling ng kayang Chinese-Filipino businessman boyfriend. Hindi ba problema ang pagkakaiba ng kultura nila kagaya ng nangyayari sa ibang mga artista na nakapag-asawa o nag-boyfriend ng ibang lahi?

"Okey naman kami," sabi ni Ara. "Well, ayokong masyadong pag-usapan kasi baka ma-preempt. As much as possible nga, sinasabi ko na okey ang personal life ko. Pero ayoko masyadong magdetalye kasi private person yung tao.

"We met through a common friend last September, pero naging close kami bago Christmas. He's turning 30, he's half-Chinese, half-Filipino. Pero very Filipino nga kasi his Mom is a pure Filipina. Actually, mas maarte pa nga ako sa kanya, mas ma-Feng Shui akong tao. Kung mapapansin sa bahay, ako pa yung may Buddha. Sa bahay nga nila, wala akong nakitang Buddha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwang na rin daw pala agad ni Ara sa boyfriend na between her lovelife and career ay mas priority niya ang kanyang trabaho, bagay na naintindihan naman daw ng kanyang boyfriend.

"Sabi ko sa kanya, I can't afford na hindi magtrabaho. Every time na mag-i-invite siya at may work ako, pipiliin ko yung work ko kesa sa kanya. Inamin ko naman na mas priority ko ang work ko.

"Hindi ko naman sinasabi na hindi ko siya priority, naiintindihan naman niya because may business din siya. Pumapasok siya sa office from Monday to Friday, from 8 a.m. to 6 p.m., regular office hours. After office hours, doon kami nagdi-dinner o di kaya nanonood ng sine, last full show," kuwento ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN