Francine Prieto solves weight problem the natural way

"Ayoko nang magkamali ulit tulad noon na lahat ng mga sinasabi sa aking magpapapayat daw ay ininom ko. Tulad nung isang medicine which I took na nag-collapse ako. Kasi appetite suppressant pala at hindi talaga ako kumakain dahil feeling ko, lagi akong busog," says Francine Prieto.


Ang laki na ng ipinayat ni Francine Prieto nang makita siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa renewal ng contract niya sa Ever Bilena last week sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato. Very important kay Francine ang araw na 'yon dahil sa two years na pagiging endorser niya, siya ang unang nagkaroon ng TV commercial in their new Ever Bilena Silver Collection.

"I'm honored and thankful sa ibinigay nilang ito sa akin," sabi ni Francine nang makausap siya ng PEP after ng TVC presentation. "Limited edition ito ng cosmetics at magiging busy ako sa promo nito sa lahat ng mga branches ng Ever Bilena in the country."

Itinanong ng PEP kung paano siya nagpapayat. Nag-take ba siya ulit ng diet pills tulad noon?

"Hindi na," sagot niya. "Hindi ako nagtitimbang. Basta alam ko lang na pumapayat ako, nararamdaman ko. Nagte-tennis ako, workout, jogging, at binabantayan ko ang mga kinakain ko.

"Ayoko nang magkamali ulit tulad noon na lahat ng mga sinasabi sa aking magpapapayat daw ay ininom ko. Tulad nung isang medicine which I took na nag-collapse ako. Kasi appetite suppressant pala at hindi talaga ako kumakain dahil feeling ko, lagi akong busog.

"After that, hindi na ako nag-diet, nagkataon pang nawalan ako ng work. Yung Bubble Gang lang ang regular show ko, kaya tumaba na naman ako. Kaya thankful ako na patuloy pa rin ang Ever Bilena na binigyan ako ng trabaho. Doon na rin ako nagsimulang mag-workout dahil nagkaroon din ako ng Codename: Asero sa GMA," lahad ni Francine.

HOUSE RENOVATION. Bakit nabalitang naghihirap na siya kaya ibinebenta na raw niya ang mga gamit niya sa bahay?

"Natawa nga ako nang makarating sa akin ang balitang 'yon," nakangiting sabi ni Francine. "Nagpa-renovate kasi ako ng bahay. Ipina-feng shui ko kasi kay Joy Lim ang bahay ko dahil bakit hindi nagtutuluy-tuloy ang trabaho ko na tulad noon. Nakita ni Joy na mali yung door ko. Mayroon ding mali sa ibang parts ng bahay, kaya 'yon. Para ma-correct, kailangang magpa-renovate ako ng buong bahay. Nag-decide akong palitan na rin ang ang mga gamit at furniture ko sa bahay para mabago ng lahat. Kaya nagkaroon ako ng garage sale. Marami na rin akong naibenta, pero mayroon pang puwedeng ibenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, nagtuluy-tuloy na ang blessings na dumarating sa akin. Bukod nga dito sa pagpu-promote ko ng Ever Bilena Silver Collection, may bago na rin akong project sa GMA-7-yung Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Isa akong kontrabidang luka-luka na in love kay Paolo Contis, na obsessed naman kay Proserfina [Marian Rivera]. Involved ang character ko sa drugs.

"Happy naman ako dahil gusto ko rin na iba-iba ang role na gagampanan ko. First time kong makakatrabaho sina Marian at Dingdong Dantes kaya excited ako."

Gusto rin ni Francine na ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Huminto muna kasi muna siya sa kanyang BS Psychology course sa Adamson University nang mag-artista siya. Pero sinasamantala muna niya ang mga opportunity na dumarating sa kanya.

"If ever, gusto kong magpalit ng course, siguro Business Management dahil gusto kong magtayo ng family business para involve ang buong family ko. May dalawa pa akong younger brothers na nag-aaral, isa sa college at isa sa high school. Kapag okey na, tatapusin ko pa rin ang studies ko," ani Francine.

Kumusta naman ang lovelife?

"Wala akong lovelife, hindi na muna important sa akin 'yon. Darating din 'yon kung meron talaga. Basta happy ako ngayon dahil marami akong work," nakangiting sabi ni Francine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN