Mark Herras and Rhian Ramos immediately settled their misunderstanding

"Nag-text ako sa kanya kanina. Sabi ko, 'Linisin ko lang ang pangalan ko sa iyo. Wala akong kinausap na press o media na sinasabi kong naging tayo. Wala akong kinausap na Startalk,'" relates Mark Herras about his conversation with Rhian Ramos.


Sa magkasunod na araw na naging interview kay Mark Herras para sa GMA Artist Center at Rhian Ramos para naman sa last week promo blitz ng Lalola, isang katanungan ang lumabas: Naging sila bang dalawa o hindi?

Balitang na-quote daw si Mark na nagkaroon sila ng four-month relationship, na sinagot naman agad ng nagulat na Rhian, na hindi raw sila umabot sa isang formal relationship. (Click here to read related article.)

Kinagabihan ng interview ni Rhian, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Mark sa favorite Internet café niya. Ang tungkol sa kanila ni Rhian ang agad na tinanong namin sa kanya.

"Nagkausap na po kami agad," pagbabalita ni Mark. "Nag-text ako sa kanya kanina. Sabi ko, 'Linisin ko lang ang pangalan ko sa iyo. Wala akong kinausap na press o media na sinasabi kong naging tayo. Wala akong kinausap na Startalk.'

"Nagulat po siya. Ang sabi niya sa akin, 'Ha, talaga? Sana pala nagtanong muna ako sa 'yo.' Wala naman po talaga akong sinabing ganoon kahit kanino. Ang sinabi ko, muntik na," paliwanag ng binata.

On Rhian's side, ito rin ang naging sagot niya na muntik na sila, pero hindi nga umabot sa pagiging formal. May mga gusto raw silang hindi nila nagawa para magkatuluyan sila.

Tinanong namin si Mark kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Rhian. Trabaho rin daw ang naging dahilan.

"I.T.A.L.Y. days pa po yun nung naging close kami. Noong My Only Love, wala pa talaga. Nagkakakilalanan pa lang kasi kami that time.

"Pagkatapos ng I.T.A.L.Y., napaghiwalay na po kami kasi pinartner na siya kay JC [de Vera sa Lalola]. Alam ko yung situation nila ni JC. Love team sila. Ayoko nang manghimasok. Ayokong makisawsaw. Ayoko rin pong sabihan ako ng tao na 'bakit kailangang ni Mark na makialam sa love team nila,' kaya huminto na lang ang communication namin," lahad ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For the record, matagal nga silang hindi na nagkakausap bukod sa 'hi' at 'hello' tuwing nagkikita raw sila sa SOP. Hindi na rin daw sila nagte-text or nagtatawagan.

Noong araw lang ng interview ni Rhian muli siyang tinext ni Mark para ayusin ang pangalan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN