Dennis Trillo renews exclusive contract with Kapuso Network

"Happy pa rin po naman ako kasi hindi ako talaga nag-aspire na maging superstar dahil mahirap i-maintain ang status na 'yon. Mas mahalaga po sa akin na naa-appreciate ng mga tao ang ginagawa ko. Saka wala po kaming competition dito sa GMA," says Dennis Trillo about trailing behind co-Kapuso leading men Richard Gutierrez and Dingdong Dantes.


Medyo na-late si Dennis Trillo sa pocket interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press kahapon, February 3, sa Chocolate Kiss restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

Pumirma na ng panibagong two-year exclusive contract sa GMA Network si Dennis kahapon din. Kasama niyang pumirma ng kontrata ang executives ng GMA-7 na sina Mr. Gilberto Duavit (Executive Vice Presiden) at Ms. Wilma Galvante (Senior Vice President for Entertainment TV), at ang manager ng aktor na si Popoy Caritativo.

Six years nang exclusive Kapuso star si Dennis. Pero yung unang project niya sa GMA-7, ang afternoon soap na Kahit Kailan, ay hindi pa siya nakapirma ng kontrata noon.

Nag-guest siya muna siya sa youth-oriented show na Click. Pagkatapos ay nagakasunud-sunod na ang projects niya sa GMA-7: Love to Love, Twin Hearts, Mulawin, Majika, Darna, Etheria, Super Twins, Now & Forever Presents, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Magdusa Ka, at ang kasalukuyang lumalabas ngayong Gagambino. Regular din siyang napapanood sa musical-variety show na SOP.

Sa ilang taon na niya sa GMA Network, nakabili na raw siya out of his talent fees, ng 1,000 sq. m. farm sa Las Haciendas, lampas ng Tagaytay. Nakabili rin siya ng dalawang sasakyan para sa sarili, naibili rin niya ng sasakyan ang parents niya, at ang kanyang condominium unit na tinitirahan niya ngayon.

WORKING WITH HEART. Kasama na rin sa bago niyang kontrata ang Sine Novela na Muling Buksan Ang Puso, ang remake ng pelikula noon nina Vilma Santos at Dindo Fernando. Makakasama ni Dennis dito sina Heart Evangelista at Nadine Samonte.

Dream come true para kay Dennis na makatrabaho si Heart, na crush ng aktor.

"Una kaming nagtambal sa isang episode ng Dear Friend, pero one taping day lang 'yon. Hindi kami masyadong nakapag-usap dahil sunud-sunod ang take namin. With Muling Buksan Ang Puso, mas may time na kaming magkakilala dahil tatagal ito ng one season. Sana nga po ay makapag-bonding muna kami bago magtrabaho para mas makilala namin ang isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba niyang break na sina Heart at ang non-showbiz boyfriend nito?

"Ngayon ko lang po nalaman, walang nagsabi sa akin!" natatawang wika ni Dennis. "Totoo ba 'yon? Mas maganda, kasi hindi na ako maiilang sa kanya kapag nagsimula na kaming magtrabaho. Kasama ko po si Heart kagabi [February 2] sa trade launch sa coming shows ng GMA Network."

So, iimbitahan na niya si Heart sa Valentine's Day?

"Alam ko po birthday 'yon ni Heart. Baka po mas gusto niyang kasama ang kanyang family sa birthday niya. Marami pa namang time kapag nagtatrabaho na kami," sagot ng aktor.

Ano ang gusto niya kay Heart?

"Yung pagiging laging pleasant niya to everybody, lagi siyang nakangiti."

Biniro si Dennis na dapat ay magmadali na siya dahil marami siyang karibal kay Heart. Hindi ikinaila ng dalawang Survivor castaways na sina JC Tiuseco at Jace Flores na crush nila at gusto nilang makatambal si Heart.

"Hindi naman sila ang makakasama sa trabaho ni Heart kundi ako," nakangiting biro ni Dennis.

ROCKER. May nagsabi kay Dennis na parang hindi maganda para sa kanya ang pagiging rocker niya sa SOP. Ano ang masasabi niya rito?

"Sa akin po naman, as an artist, dapat kailangang ipakita mo ang ibang side mo. Hindi pa ako nag-aartista, may banda na ako, tumutugtog ako ng drums, kumakanta. Kaya thankful ako nang kunin akong recording artist nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

"May gagawin akong new album, my second album. Alam ko po, nag-meeting na sina Ogie tungkol dito. Tamang-tama na magagawa ko ito after ng Gagambino at bago ako magsimula ng bago kong soap."

PICKING UP THE PIECES. Inamin ni Dennis na last year, parang nawalan siya ng pag-asa nang magkasunud-sunod ang kontrobersiya sa kanya nang ipagkaila niyang siya ang ama ng batang dinadala ng dating girlfriend na si Carlene Aguilar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero na-realize ko po na dapat akong matatag at ituwid ang aking pagkakamali," seryosong wika ni Dennis. "Hindi ko rin dapat sisihin ang detractors ko kasi trabaho nila 'yon. Hindi naman po ako napikon, parang nagsawa lang akong sumagot sa mga sinasabi nila. Thankful ako na hindi ako pinabayaan ng GMA Network at nariyan pa rin ang mga fans ko. Kaya sinikap kong makabangon at nagpapasalamat din ako sa mga suporta ninyo sa akin."

Hindi ba siya nanghinayang na noon ay mas mainit ang career niya sa kapwa Kapuso kina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes?

"Happy pa rin po naman ako kasi hindi ako talaga nag-aspire na maging superstar dahil mahirap i-maintain ang status na 'yon. Mas mahalaga po sa akin na naa-appreciate ng mga tao ang ginagawa ko. Saka wala po kaming competition dito sa GMA," saad ni Dennis.

ADVICE TO MARIAN. Tinaguriang Drama Prince, bukod sa Muling Buksan ang Puso, gagawa rin ng five movies si Dennis this year. Kabilang na rito ang My Other Man na ididirek ni Maryo J. delos Reyes, dalawang indie films, at isang horror movie na katambal niya si Marian Rivera sa direksyon ni Jun Lana.

Pareho sila ng manager ni Marian. Ano ang advice niya rito sa sunud-sunod na intrigang dumating dito?

"Sabi ko lang po sa kanya ay i-handle niya nang maayos para hindi makasira sa kanyang career. Alam ko naman pong kaya niya 'yon."

Ano ang pakiramdam niya kina Marian at Dingdong? Boto ba siya kay Dingdong para kay Marian?

"Ayoko pong makialam sa kanila, pero boto ako kay Dingdong para kay Marian," sagot ni Dennis.

PAPA DENNIS. Kumusta naman ang anak niyang si Calix Andreas?

"Ayun po, nakakaalis ng pagod," nakangiting sabi ng aktor. "Kahit pagod na pagod ako sa trabaho, kapag nakita ko na siya, parang lumalakas ako. Ang tawag niya sa akin, minsan 'Dadey' minsan 'Dada' pa rin. Kung hindi ako ang pumupunta sa bahay nila, hinihiram ko siya at inuuwi sa bahay ko, pero hindi pa siya natutulog sa akin. Ang hirap niyang patulugin. Napaka-hyper kasi niya. Kapag nagising na siya, ang likot-likot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas kahawig siya ni Carlene ngayon, sana paglaki niya, kamukha ko na!" biro ni Dennis. "Pero ang ugali niya, tulad sa akin, may pagka-introvert din. Tulad ko rin, mahilig siyang magtambol kaya ibinili ko siya ng maliit na drums."

Naiisip ba niyang kapag may isip na si Calix, tanungin siya kung bakit hindi sila magkasama ng mommy niya?

"Gusto ko po kapag lumaki na si Calix, maging parang mag-kuya lamang kami. Hindi ko po ililihim sa kanya ang totoo. Sa ngayon, pumapasok siya sa kids school para ma-develop ang kanyang social skills, may makasama siyang ka-age niya na naglalaro," lahad ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN