Eugene Domingo understands one-time delay of her talent fee in TV5

"Nangyayari naman yata ang gano’n, di ba? Hindi naman maiiwasan ‘yon. Nagsisimula ulit ang TV5 at nangangapa pa sila sa lahat, lalo na pagdating sa mga papasuwelduhan nila, di ba?" says Eugene Domingo about the one time her talent fee was delayed.


Natawa na lang ang comedienne na si Eugene Domingo nang tanungin siya kung totoong nade-delay ang talent fee niya sa TV5 kaya lalayasan na raw nito ang mga show niya rito—Everybody Hapi at Ha-Ha-Hayop.

Ipinaliwanag naman ni Uge (nickname ni Eugene) sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na minsan lang daw na-delay ang suweldo niya sa TV5, pero ngayon ay hindi raw. Naintindihan naman daw niya ang naging delay last December. "Nangyayari naman yata ang gano’n, di ba?" sabi ni Uge. "Hindi naman maiiwasan ‘yon.

"Nagsisimula ulit ang TV5 at nangangapa pa sila sa lahat, lalo na pagdating sa mga papasuwelduhan nila, di ba? So far, wala naman akong reklamo kasi on time naman ang suweldo ko. Noong December 2008 lang naman ako pumasok ng TV5 and, in fairness, nagte-taping pa ako ng Everybody Hapi. Yung Ha-Ha-Hayop ay pang-one season lang naman talaga ‘yon."


BACK TO GMA-7. Ngayon ay nagbabalik sa GMA-7 si Eugene pagkatapos ng Ako Si Kim Samsoon. Kasama siya sa cast ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang bilang si Madel, ang mayordoma ni Dingdong Dantes. First time daw na makasama ni Eugene sina Dingdong at Marian Rivera sa isang TV series. Natutuwa naman daw siya sa magandang ipinapakita ng dalawang co-stars niya.

"Si Marian, nakasama ko na sa pelikulang Bahay Kubo noong 2007. Sikat na siya noon kasi Marimar na siya that time. Si Dingdong naman, first time ko makatrabaho. Mababait silang dalawa kaya naman sinusuwerte silang dalawa. ‘Tsaka napansin ko sa dalawang ‘yan, masisipag at very professional. Mahal nila ang trabaho nila kaya maganda rin ang balik sa kanila," papuri ni Uge sa dalawa.

Na-miss din daw niyang katrabaho ang direktor nilang si Bb. Joyce Bernal. Huli raw silang nagkatrabaho sa pelikulang Paano Kita Iibigin nina Regine Velasquez at Piolo Pascual. "Na-miss ko ang kalokahan ni Direk Joyce. Magkasundo kami niyan kasi nagsasanib ang mga kalokahan namin!" tawa ni Uge. "Kaya super happy ako noong malaman ko na siya ang director ng series. Tiyak na paglalaruan na naman niya ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO EXPECTATIONS. Ngayong awards season ay malamang na ma-nominate ulit si Eugene dahil sa mahusay na performance niya sa indie film na 100. Nanalo siyang Best Supporting Actress sa Cinemalaya Film Festival last year.

Sinabi ni Uge na hindi siya umaasa ng anumang awards dahil bilang artista ay ginawa lang niya ang kanyang trabaho. Ang mabigyan siya ng recognition ay isang pagkilala sa kanyang pagiging artista sa pelikula, TV, at entablado. "Tulad nga last year, kung saan nanalo ako ng acting awards for Pisay, hindi ko ini-expect ang mga ‘yon. Natuwa ako’t nominated ako kasi pagkilala ‘yon sa trabaho mo. Kaya nagugulat ako kapag ako ang natatawag na winner. Kasi wala akong expectations.

"Kapag wala kang ini-expect, wala kang kaba at mage-enjoy ka sa gabing iyon. Tungkol naman sa performance ko sa 100, matutuwa ako kung mabigyan ulit ako ng nomination. ‘Ika nga ni Ate Vi [Vilma Santos], e, bonus ang mabigyan ka ng trophy. Kaya wala akong ini-expect. Manalo o matalo, still magpasalamat ako sa pagkilala nila sa akin bilang artista," ani Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN