Billy Crawford has no problem working with rumored gf Nikki Gil and her ex-bf Gab Valenciano

"Sincere kong masasabi na I'm very happy this time, and especially itong Valentine's. At least, may kasama ako. Hindi rin naman ako nagmamadali. Bata siya, bata pa rin ako. We still have a lot of places to go and getting to know each other, matagal pa 'yan," says Billy Crawford about rumored girlfriend Nikki Gil.


Open secret na bago pa man naging sina Gab Valenciano at Rachelle Anne Go, three years ago ay naging magkasintahan sina Gab at Nikki Gil for six months. Kung kaya't isang malaking sorpresa ang Your Song episode this coming Sunday, February 8, kung saan magkakasama sina Gab, Rachelle, Nikki, at ang rumored boyfriend nitong si Billy Crawford.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Billy sa taping ng Your Song sa Club Manila East kagabi, February 3, ay sinabi niya na walang problema sa kanilang apat ang pagsasama nila sa isang show. Alam naman daw ng lahat na masaya na sila sa kani-kanilang relasyon ngayon.

"Alam mo, things change. It's a different environment. Very obvious Gab is happy now with Rachelle. Ako, I'm very happy working with Nikki. She's very talented tapos first time ko ring makakatrabaho sa pag-arte sina Gab and Rachelle.

"Actually, first time ko lang mag-act over 10 years, so nakaka-nervous. Yung sa Exorcist [Hollywood film of Billy], iba na rin yun. Pero ito yung sa Pilipinas, umalis ako dito 11 years old nung last time na nagtrabaho ako. So, medyo matagal-tagal na rin. It's a pleasure talaga working with someone who's comfortable ka to work with," pahayag ng international recording artist.

NO LABEL YET. Hanggang ngayon, wala pa ring inaamin talaga si Billy kung ano ang totoong relasyon nila ni Nikki. Marami tuloy ang nagbibigay komento na parang hirap yata si Billy na i-label kung ano talaga ang tunay na lagay ng relasyon nila ng nababalitang girlfriend.

Pero paliwanag niya, "Hindi naman sa nahihirapan, but there is a right time and right moment. Medyo mahirap din kasi matagal na rin akong hindi nagmahal sa isang tao, at matagal na rin ang isang tao ay hindi nagmahal sa akin. I think, panibago ito sa akin.

"But sincere kong masasabi na I'm very happy this time, and especially itong Valentine's. At least, may kasama ako. Hindi rin naman ako nagmamadali. Bata siya, bata pa rin ako. We still have a lot of places to go and getting to know each other, matagal pa 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Billy sa past interviews niya na sa isang babaeng mamahalin, gusto niyang may traits ito tulad ng kanyang ina. Inisa-isa ni Billy sa PEP ang mga ugali ni Nikki na mayroon ang kanyang ina.

"She takes care at makapamilya siya. She takes care of herself, but she also takes care of me. Pag may kailangan ako, she's always there for me, just like my mom. Honestly, she's very, very talented; she's very, very sweet. Matalino, kengkay, Filipina, hindi siya pasosyal-sosyal or anything. She's so normal. Down-to-earth. Sa isang lalake na pareho yung trabaho namin, sa akin, talagang nakaka-in love yun."

TAPING VISIT. Nabalita na nailang daw si Nikki sa isang sweet na eksena nila ni Ryan Agoncillo sa ABS-CBN afternoon soap na Pieta dahil nakabantay raw si Billy sa set nang kinukuhanan ito. Agad naman itong nilinaw ni Billy sa PEP.

"I never ever get involved sa trabaho o sa career ng isang tao, 'yan ang pinaka-disrespect sa isang artista sa tingin ko," sabi ni Billy. "Dumalaw ako sa kanya kasi she was taping all night, galing pa siya ng school mula umaga. Grabe, seven ng umaga, nandun siya sa school! Pagkatapos nun, direstso taping. Matatapos siya ng 5 a.m. Gising siya ng umaga for school again, so nakakaawa pero nakakabilib. Dadalhan ko siya ng pagkain, suporta na lang naman 'yan, e.

"Saka kaibigan ko rin si Ryan," patuloy niya. "Sinabi niya sa akin na sige daw, dumalaw ako. To be honest, hindi ko nakita [yung kissing scene], nasa kotse sila. Ako, nakikipag-usap naman dun sa ibang mga staff, cameramen, and mga lightmen na kasamahan ko before. I think nailang siya [Nikki] dahil tini-tease siya ng ibang mga tao, yung mga co-workers niya, binibiro siya tungkol sa amin."

EXTENDED STAY. Hanggang September 2008 lang ang pinirmahang kontrata noon ni Billy sa ABS-CBN, kung kaya't marami nga ang nagtaka na hanggang ngayon ay nasa bansa pa rin siya. Isa kaya sa rason ng pag-i-stay pa niya sa Pilipinas ay ang espesyal na relasyon nila ni Nikki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman 100 percent si Nikki lang ang rason," paglilinaw ni Billy. "I should say talagang she's part of that reason. Big percentage, pero not full passionate na nandito ako all for that. Mahirap din sa buong mundo ngayon. Sa States recession, so mahirap ding i-continue lahat ng mga pangarap sa buong mundo, whether showbiz or not. So medyo nahihirapan ang mga tao ngayon.

RECONCILIATION WITH KUYA GERMS. Para kay Billy, naging maganda ang pasok ng 2009 para sa kanya. Dito natuldukan ang matagal-tagal din nilang tampuhan ng tatay-tatayan niya sa showbiz na si German "Kuya Germs" Moreno. Masaya siya na unti-unti ay naibabalik na ang magandang samahan nilang dalawa.

"Katatawag ko lang sa kanya, actually an hour ago. Wala lang, nangungumusta lang. Yun naman talaga ang relationship namin ng tatay ko, di ba? Tinanong niya ako kung nasaan daw ako, kumain na raw ba ako? Sabi ko, 'Nasa taping po ng Your Song.'

"Magaan sa feelings. Marami ang nagtatanong bakit ngayon lang daw. Timing is everything, you have to be patient. Lahat ng mga tao nagsasabi sa akin, 'Hoy, kausapin mo na, ganito, ganyan, masama na 'yan.' Ako, ang sagot ko lang, 'Yes po, opo.' Pero alam kong may time ang lahat para ayusin ang problema. Hindi naman puwedeng bigla na lang akong sisipot na lang, baka masapak pa ako sa mata ko!

"It was Christmas and New Year, it's time to get together. Kumbaga, bagsak at bagsak ang puso ng mga tao sa panahon na 'yan. Naaalala ko na sinasabi sa mga papers na di na raw ako mapapatawad ni Kuya Germs. Naisip ko rin yun. But you know what, you'll never know until you do something," pagtatapos ni Billy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN