Angelu de Leon on playing different roles: "Gusto ko lang makita ng mga tao yung pagiging aktres ko."

""I became a born-again Christian. Mas tumindi yung faith ko a year ago. I want to give the Lord all the glory, kaya ang balik nun sa akin, mas napapamahal ang sarili ko sa akin. Parang ginusto ko na I want to look and feel good," says Angelu de Leon.


Isang slim at fresh na fresh na Angelu de Leon ang bumulaga sa Steak Plus restaurant para sa victory party ng Status: Single tendered by Viva Films and OnQ28 Productions. Napansin agad ito ng press people at iba pang nasa pagtitipong 'yun kahapon.

Umagaw rin ng atensiyon ng marami ang ginawa ni Angelu sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa pilot episode pa lang nito ay ipinakita na ang more daring Angelu na masusubaybayan ng televiewers sa bagong teleseryeng pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa GMA-7.

"I love the role!" bulalas ni Angelu. "Sobra lang siyang nakakanerbiyos noong mga unang araw ng taping. Alam ko kasing mayroong ibang hindi magsasabi ng maganda. Pero ginagawa ko kasi yun, kasi proud ako na sa akin napunta ang role. Kahit ano pa ang sabihin nila, ang masasabi ko lang ay challenging role yun na dapat kong gampanan."

KEEPING THE FAITH. More than anything else, nasa loob ang mga pagbabagong nagaganap kay Angelu at na-e-exude niya ito. Her faith has become stronger.

"Parang mas minamahal ko ang sarili ko sa ngayon, e," banggit niya. "I became a born-again Christian. Mas tumindi yung faith ko a year ago. I want to give the Lord all the glory, kaya ang balik nun sa akin, mas napapamahal ang sarili ko sa akin. Parang ginusto ko na I want to look and feel good."

Natatawa lang si Angelu dahil alam niyang puwedeng sabihin ng iba na masyadong righteous na ang pinagsasasabi niya.

"Pero yun talaga yun, e. You can just feel it. From the time na naging born-again Christian ako, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Lahat ng negativity—pains, anger—nawala talaga, and I saw a different me," pagtatapat ng aktres.

Gusto ni Angelu na makita rin siya ng mga tao sa paligid niya, the same way God sees her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya parang nakikita ninyong may nagbago na talaga sa akin. Hindi ma-pinpoint ng iba, but I'm telling you, it's the faith that I have in Him right now," sabi niya.

WILD & BAD. Ironically, kung kailan naging born-again Christian si Angelu, heto at gumaganap siya ng wild at napakasamang babae sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

"That's just fine with me, it's just a role," sabi niya. "At saka I don't want to look at my career that way. Napapanood din nga ako sa ABS-CBN, sa Parekoy doing comedy. Matagal ko na kasing nagawa 'yan, more than a year ago pa. Napasabay na rito sa pang-primetime namin sa GMA-7.

"Iba-ibang roles ang naio-offer sa akin, just like sa Status: Single na more of a barkada movie, at happy ako. I'm just in my drive mode. May feeling ako na gusto ko lang talagang mag-work nang mag-work, maging masaya sa mga ginagawa ko. Gusto ko lang makita ng mga tao yung pagiging aktres ko. That I can be what the role calls for."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN