Cristine Reyes celebrates 20th birthday at Golden Acres

"Siguro po, wala na akong mahihiling pa kasi meron na ako. Wish ko lang po good health kasi, ever since, sakitin po ako talaga, lalo na kapag sunud-sunod ang trabaho ko," replies Cristine Reyes when asked about her birthday wish. She brought gifts to the home for the aged on her birthday celebration.


Eva Fonda star Cristine Reyes turns 20 today, February 5. Pero binigyan siya ng birthday presscon ng kanyang Viva Artist Agency family sa Steak Plus on Timog Ave., Quezon City, kahapon, February 4.

Paano ise-celebrate ni Cristine ang kanyang birthday?

"Actually, last Monday [Feb. 2], nag-celebrate na ako with the residents of Golden Acres, a nursing home na located behind SM City North EDSA. Minsan po kasi, naka-stop yung sasakyan ko sa may Santolan, nakita ko yung dalawang matandang lalaki na nagwe-welding. Naawa po ako, naisip ko, ganoon na sila katanda, pero nagtatrabaho pa rin. Kaya 'yon po ang naisip ko.

"Nagtanong ako kung saan ako puwedeng mag-donate na mga matatanda ang inaalagaan. Yun ang sinabi nila, sa Golden Acres nga raw. Nagdala ako ng gifts at ibang supplies na alam kong makatutulong sa kanila.

"Nakakatuwa po, na-touch ako na may program pa silang inihanda sa akin. May kumanta pang isang female resident ng 'Bakit Pa?' ni Jessa Zaragoza, tapos may mga tinda po silang necklaces doon na ginawa nila, bumili ako at sinabi ko sa mga kasama ko na bumili rin sila," lahad ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bakit 'yon ang naisip niyang celebration sa kanyang birthday?

"Mas marami kasing tao ang mapapaligaya ko kesa kung magpa-party ako tapos konting kaibigan ko lang ang masaya," sabi ni Cristine. "Iba po ang fulfillment na naramdaman ko habang nandoon ako sa piling ng mga resident ng Golden Acres."

Ano ang birthday wish niya?

"Siguro po, wala na akong mahihiling pa kasi meron na ako. Wish ko lang po good health kasi, ever since, sakitin po ako talaga, lalo na kapag sunud-sunod ang trabaho ko," wika ni Cristine.

May bumati na ba sa kanya ng "happy birthday?"

"Ang mga kasama ko po sa ABS-CBN, saka ang Viva family ko."

Sa mga dating boyfriends niya, may bumati na ba sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala po," nakangiti niyang sagot.

JERICHO & KIAN. Ngayong wala siyang boyfriend, nali-link si Cristine kina Jericho Rosales at Kian Kazemi. Si Jericho, sweet daw sila noon sa Tagaytay noong nagte-taping sila ng Kahit Isang Saglit.

"Baka hindi ako? Sila nga ni Carmen [Soo] ang sweet na sweet noon!" pambubuko ni Cristine sa co-stars niya.

Biniro tuloy si Cristine, nilaglag niya si Jericho. Pero aniya, totoo raw namang wala. Ni hindi raw sila naging close ni Jericho noong ginagawa nila ang teleserye.

Bakit parang ayaw niya kay Jericho?

"Hindi po naman sa ayaw," sabi ng dalaga. "Naging guest lang namin siya sa Banana Split, ayaw po ni RR Enriquez niyan!"

Very vocal si Kian sa pagsasabi na nanliligaw ito sa kanya. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Si Kian?" tanong ni Cristine. "Nakakatawa naman! Pero nagulat ako kung sinabi niya 'yon, pero hindi po siya nanliligaw. Tahimik lang siya sa set noong nagti-taping pa kami ng Eva Fonda. Noon lang Christmas, nagpadala siya ng cake and flowers [roses]. Sabi lang niya, sana raw ay siya ang unang nakabati sa akin noong Christmas."

Crush daw ni Dennis Trillo si Heart Evangelista. Biro tuloy, parang nagpalit lang sila ni Jericho dahil dating girlfriend ni Echo si Heart at si Cristine naman ay nagkaroon ng relasyon noon kay Dennis. Magtatambal din ngayon sina Dennis at Heart sa Sine Novela ng GMA-7, ang Muling Buksan ang Puso.

"Hindi naman po. Good for him, tuluy-tuloy na ang career niya," maikling sagot ni Cristine.

Kailan ba niya muling bubuksan ang puso niya para sa bagong boyfriend?

"Huwag po muna, close muna ito, trabaho muna ang focus ko."

ATE ARA. Nagtatampo raw sa kanya ang kapatid niyang si Ara Mina niya dahil si Cristine daw ang nagkalat na may utang sa kanya ang ate niya. Totoo ba ito?

"Nagulat nga ako nang malaman ko na nagpa-interview siya sa The Buzz last Sunday at 'yon ang sinabi niya," wika ni Cristine. "Wala po kasi akong sinasabing ganoon, hindi po sa akin nanggaling ang nasulat na 'yon. Hindi po kami nagkikita ngayon ni Ate. Huli pa kaming magkasama noong New Year pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba niyang babalik ulit sa GMA-7 ang ate niya? Kasama si Ara sa cast ng Totoy Bato, kung saan makakasama niya sina Robin Padilla, Regine Velasquez, at ang na-link kay Ara noon na si Manny Pacquiao. Ano ang masasabi ni Cristine dito?

"Sa akin po kinuha ni Tita Avin [Marivin Arayata ng GMA-7] ang number ni Ate," pagbabalita ni Cristine. "Kaya po ni Ate 'yon kung intrigahin sila [ni Manny]."


WORKING WITH DENNIS. Tinanong ng PEP si Cristine kung payag siyang makatrabaho muli si Dennis. Mayroon kasing gagawing movie si Dennis sa Regal Entertainment, My Other Man, at ang sabi'y dalawang taga-ABS-CBN ang makakatambal ng aktor. Natanong na si Dennis kung papayag siyang makipagtrabaho kay Cristine if ever na ito ang mapili ng ABS-CBN na ipahiram sa Regal. Wala raw problema sa kanya, trabaho lang 'yon.

"Hindi po siguro ako 'yon kasi hindi naman ako talaga sa ABS-CBN, saViva po ako. Wala po namang sinasabi sa akin ang manager ko, si Tita Veronique."

Si Ms. Veronique del Rosario-Corpus ang tinanong ng PEP tungkol sa mga susunod na projects ni Cristine.

"Next week, mag-uusap kami ng ABS-CBN, magpi-present sila ng bagong show sa akin para kay Cristine," sabi ni Ms. Veronique. "Sa Friday, tapos na ang Eva Fonda at Banana Split na lang ang natitira niyang show. Hindi totoo yung tinanggihan niyang magkontrabida kay Kristine Hermosa, wala namang nakarating sa aming offer na ganoon.

"May gagawin siyang isang horror movie sa Viva Films. Dalawa 'yon. Nabasa na ni Cristine ang script nung isa at si Neil Daza ang magdidirek. Yung isang script, hindi pa niya nababasa, baka si Robert Quebral ang magdidirek nito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN