Nikki Gil says she is not the reason Billy Crawford extended his stay in Manila

"Siyempre, merong konting apprehension. Parang ang awkward. Kasi, totoong buhay yun tapos gagawin nating gimmick. Pero at the end of the day, okey na naman kami. Wala na naman kaming anything ni Gab. We're okay. We're fine. Okay sila ni Rachel, so tinanggap ko. And it's a new experience. Alangan namang lahat tinanggihan ko?" says Nikki Gil about working with ex-boyfriend Gab Valenciano and his new girlfriend Rachelle Ann Go.


Masayang-masaya ang singer-actress na si Nikki Gil nang makaharap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng Your Song Presents: Feb-Ibig sa Club Manila East sa Taytay, Rizal last Tuesday, February 3. Kasama niya rito ang rumored boyfriend niyang si Billy Crawford, ang ex-boyfriend niyang si Gab Valenciano at ang present girlfriend nito na si Rachelle Ann Go.

Sila ni Gab ang magkasunod na nakausap ng press sa taping dahil silang dalawa ang unang nabakanteng kuhanan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na naging sila noon. Hindi ba sila nailang na magkasama sila ngayon sa isang episode ng Your Song at kasama pa nila ang mga kasintahan nila ngayon?

"Wala naman. Parang kailangan ba?" nakangiting sagot ni Nikki.

Halos six months lang din daw ang itinagal ng relationship nila noon ni Gab, pero ang binatang anak daw ni Gary Valenciano ang first boyfriend niya.

"He's my first real relationship," sabi ni Nikki. Pero natatawa nitong sinabi, "Hindi rin!" when asked kung mahirap bang kalimutan ang first boyfriend.

Ang pagiging immature pa raw nilang pareho noon ang isa sa dahilan kung bakit hindi nagtagal ang relasyon nila ni Gab.

"That, and yun nga, mga bata pa kami. Parang pareho pa kaming hindi pa naman talaga handang mag-alaga ng totoong relationship. It took a while kung talagang nakapag-move on."

Ayon kay Nikki, meron naman daw naging closure sa kanila ni Gab.

"Meron, even with family, dahil nga, since he was my first boyfriend, medyo iba talaga ang relationship namin. Marami akong first on him and his family, so mahirap talaga. Pero merong closure definitely, but it was a long time ago."

Bagama't totoo raw na may panahong matagal silang hindi nagkausap.

"Meron talagang time na hindi kami nag-usap," sabi ni Nikki. "Iba rin naman yung time na okey na, sige, hindi na ko galit sa 'yo. Iba rin naman yung talagang ready ka nang mag-move on na hindi ka na talaga affected. Siguro, yun lang ang ibig sabihin nun. Siyempre, meron yung kahit sabihin mo na hindi na ako galit sa 'yo, pero kapag nakikita mo, naiimbiyerna ka pa rin, di ba? Pero ako naman, matagal na rin namang walang galit sa akin. Six months ago lang talaga yung wala nang galit, bitterness."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH GAB & RACHELLE. Wala rin daw kaso na nakikita at nakakasama pa niya ngayon sa isang episode ng Your Song sina Gab at Rachelle.

"Si Rachelle naman po kasi, even before na naging sila ni Gab, even before na nagka-debelopan sila ni Gab, she's always been a friend of mine. Kahit na noong nililigawan pa lang, she'd ask me, 'Ano ba 'yan?' I gave her naman my opinion na, 'He's really a nice guy at mukha naman siyang seryoso sa 'yo.'

"So ngayon, wala talagang ilang. At saka, alam mo naman ang tao kapag totoong in love, iba yung glow. So, I'm really happy for him."

Noong tinanggap niya ang Your Song na makakasama niya yung tatlo, kasama si Billy, wala ba siyang pagdadalawang-isip?

"Siyempre, merong konting apprehension. Parang ang awkward. Kasi, totoong buhay yun tapos gagawin nating gimmick. Pero at the end of the day, okey na naman kami. Wala na naman kaming anything ni Gab. We're okay. We're fine. Okay sila ni Rachel, so tinanggap ko. And it's a new experience. Alangan namang lahat tinanggihan ko? So, ano na lang, di ba?"

NEW "DISTRACTION." Hindi kaya madali sa kanyang sabihin lahat ang mga sinabi niya dahil may partner na rin siya ngayon?

"Posible rin naman na nakakapag-move on na ako, kasi meron na akong ibang distraction. If you wanna put it that way."

Distraction pala si Billy sa kanya, hindi inspiration?

"Hindi naman siya distraction!" sabay bawi nito nang natatawa.

Sa palagay kaya ni Nikki ay malaking factor siya kung kaya't nasa bansa pa rin si Billy ngayon instead of pursuing his international career?

"Ay, hindi naman ganoon kakapal ang face ko!" tawa niya. "Hindi naman. I don't think so... Parang siguro I'm guessing the reason why he's here, kasi ang dami pa niyang work commitment dito. Ang dami pa niyang commitment na ginagampanan dito na hindi niya puwedeng iwan at the moment. Ang dami niyang trabahong pumapasok. Ang daming opportunity coming his way at siguro, mas masaya siya rito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang pakikitungo ng pamilya niya kay Billy?

"Okey lang. Ang parents ko naman kasi, hindi naman sila masyadong nakikialam, especially now that I'm 21 years old. Iba siguro noong 18 ako. First of all, first boyfriend ko yun. Nangangapa pa ako, hindi ko pa alam ang gagawin ko. Pero now, they trust me. They know that I'm smart enough to handle my own life."

May plano na ba sila this Valentine's Day?

"Wala pa po, although may banta na!" tawa ulit ni Nikki. "Although hindi ko pa alam kung ano, kasi 14 lang naman ang pina-book niya. May booking talaga!"

Para kay Nikki, mababaw lang naman daw ang kaligayahan niya sa isang perfect Valentine's Day. "Sa Paris!" at napahalakhak na si Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN