Dennis Trillo wants to try his acting mettle in indie films

"Pag sinabi nating indie films, karamihan sa mga ginagawa ngayon ay bold yung dating, e. Hindi naman sinasabing kapag indie film ang gagawin mo ay bold na agad. Pero puwede akong gumawa ng brutal na horror na sobrang gory na hindi mo kailangang i-exploit ang sarili mo," says Dennis Trillo.


Kitang-kita ang enjoyment ni Dennis Trillo sa kanyang live chatting with his fans through iGMA Live Chat last Thursday, February 5. Ayon sa aktor, ibang level ng kasiyahan ang kanyang nararamdaman dahil ang makipag-usap sa kanila, even through the Internet, ay malaking bagay na para sa kanya at sa kanyang mga tagahanga.

Malapit nang matapos ang pinagbibidahang telefantasya ni Dennis sa GMA-7, Gagambino, na nasa huling dalawang linggo na nito. Pagkatapos ng Gagambino, magbabakasyon muna siya sandali at saka niya sisimulan ang taping ng bago niyang Sine Novela sa kanyang home network, ang Muling Buksan ang Puso with Heart Evangelista and Nadine Samonte.

"Ayoko naman ng masyadong matagal na walang ginagawa. Marami rin akong aasikasuhin sa [second] album ko. Mga movies, baka maisingit namin ang paggawa ng indie movies," banggit ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Makikita ba ng mga tao si Dennis as producer of indie films?

"A, hindi siguro, talent lang muna," sagot niya. "Yung pagpo-produce, wala pa akong experiece sa ganun. Kaya ko gustong gumawa ng indie film, kasi nandoon yung mga ano e, kakaibang istorya na hindi mo magagawa sa mga mainstream TV or sa pelikula. Usually, yung mga interesting na kuwento ay nandoon sa indie film."

So, hanggang saan ang magagagawa ng isang Dennis Trillo?

"Pag sinabi nating indie films, karamihan sa mga ginagawa ngayon ay bold yung dating, e. Hindi naman sinasabing kapag indie film ang gagawin mo ay bold na agad. Pero puwede akong gumawa ng brutal na horror na sobrang gory na hindi mo kailangang i-exploit ang sarili mo.

"Pag sinabing indie film, nandun yung freedom of experiment. Not necessarily na puro bold na magpapakita ka ng parte ng katawan mo. Basta 'yon ang point ko," sabi ng award-winning actor.

THE RIVALS. May isang question from the chatters kung sino ang pipiliin ni Dennis na maging karibal kung sakaling ang susunod nitong gagawin teleserye requires another man sa buhay ng bidang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez dahil sila yung mga superstars, e," sagot ni Dennis. "Hindi ko sila ka-level dahil nandoon sila, ako nandito lang ako. Siyempre, kung papipiliin ka ng karibal, di sila na lang ang pipiliin kong karibal. Sino pa ba, di ba?"

Bakit kahit na nakapag-solo na si Dennis sa kanyang mga teleserye at nagbida na rin sa mga pelikula ay inilalagay pa rin ang sarili na mababa kesa kina Dingdong at Richard?

"Hindi naman. Hindi dahil nagbibida ka, e, ka-level mo na sila. Masaya ako kung nasaan ako ngayon and I don't want na makipagkumpitensiya sa kanila dahil masaya ako sa kinalalagyan ko at kuntento ako dito," pahayag ng aktor, na kapipirma lang ng kanyang bagong dalawang taong kontrata sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN