Ai-Ai delas Alas on new show with Ruffa Gutierrez: "Sasapawan ko siya ng wittiness ko!"

"Palagi kong ipinagdarasal na sana hindi mawala yung magic na ibinigay sa akin ng Diyos. Hindi ko ma-explain kung ano yun, kung bakit nanood ang mga tao, kung bakit natutuwa sila sa iyo. Once na nawala yun, wala na, hindi ka na nila papanorin. Yun ang palagi kong ipinagdarasal na sana ma-improve ko pa lalo ang craft ko para lalo pang maaliw sa akin ang mga tao," says Ai-Ai delas Alas.


Ngayong kumpirmado nang ililipat ang tandem nina Boy Abunda at Kris Aquino sa Primetime Bida ng ABS-CBN via their new show SNN, ang tambalang Ai-Ai delas Alas at Ruffa Gutierez naman ang papalit sa timeslot ng morning show na iiwan ng Boy & Kris.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai noong Huwebes, February 5, sa presscon ng pre-Valentine show niyang Ai LAB U, na gaganapin sa Feb. 13, sa Ai Sarap resto-bar niya sa may ABS-CBN. Tinanong siya ng PEP kung hindi ba nagkaproblema sa billing at talent fee sa kanila ni Ruffa at hindi kaya maging problema sa kanila ang sapawan na siyang kadalasang problema sa ganitong klase ng mga show?

"Tuloy na siya on February 16, the title is Ruffa And Ai. Wala naman naging problema kasi may 'and' naman ako. Regarding talent fee, hindi ko alam ang TF niya [Ruffa], pero mas malaki ang TF ko siguro!" biro ni Ai-Ai.

Dugtong niya, "I think sa amin, medyo malabo magkaroon ng sapawan. English siya, Tagalog ako. Pag nag-Tagalog ako, i-Inglesin niya o pag nag-English siya, tatagalugin ko naman, ganun lang yun."

Trademark na ni Ruffa ang mga naggagandahang damit at bonggang-bonggang mga alahas na isinusuot niya sa mga show na nilalabasan niya, tulad na lang sa The Buzz. Simple lang ang sinagot ng Comedy Concert Queen nang tanungin ng PEP kung hindi kaya siya sapawan ni Ruffa ng mga naglalakihang bato ng mga suot nitong alahas.

"Well, sasapawan ko naman siya ng wittiness ko!" natatawang sagot ni Ai-Ai.

BOX-OFFICE TITLE. Inakala ng iba noon na si Sarah Geronimo ang siguradong tatanghaling Box-Office Queen ng Guillermo Memorial Foundation this year dahil sa malaking kinita ng A Very Special Love nila ni John Lloyd Cruz. Pero mukha raw mapupurnada ito dahil mas nahigitan daw ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ni Ai-Ai ang kinita ng pelikula ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Ai-Ai na umaasa siyang maitanghal sana bilang Box-Office Queen ngayong taon.

"Hindi pa naman sigurado, hindi pa ako tinatawagan ng Guillermo. Pero pag hindi ako, masasaktan talaga ako," sabi ng komedyana.

Bagamat sinabi na ni Direk Wenn Deramas na huli na ang sequel ng Ang Tanging Ina, pero baka magkaroon pa ito ng kasunod na pelikula.

"Supposed to be last na ito, pero mayroon pa uli, sabi ng mga boss, 2009 [Metro Manila] filmfest daw," sabi ni Ai-Ai.

Isa rin sa nakalinyang gawin ni Ai-Ai sa Star Cinema this year ay isang pelikula na pagsasamahan nila ni Sharon Cuneta.

"Napanod kasi nila Ma'am Charo [Santos-Concio], Tita Malou [Santos] yung number namin ni Sharon nung last birthday niya sa Araneta. Natawa yung mga boss kasi may rapport daw kami ng Megastar. Mag-i-start yata ng shooting second week of March.

"Nagkita na kami [ni Sharon] sa kick-off ng Maggi, nagsigawan kami dun. Mahal ako nun. Lahat ng pelikula ko, nasa iPod niya. Ang nasa iPod lang niya ay yung mga pelikula niya saka mga English movies," kuwento ni Ai-Ai.

Sa kabila ng mga blessings na natatanggap sa buhay, aminado ang comedienne na may mga wish pa rin siya sa kanyang buhay—mapa-career man ito, pamilya o maging sa buhay pag-ibig niya.

"Mayron pa rin siyempre," sabi niya. "Palagi kong ipinagdarasal na sana hindi mawala yung magic na ibinigay sa akin ng Diyos. Hindi ko ma-explain kung ano yun, kung bakit nanood ang mga tao, kung bakit natutuwa sila sa iyo. Once na nawala yun, wala na, hindi ka na nila papanorin. Yun ang palagi kong ipinagdarasal na sana ma-improve ko pa lalo ang craft ko para lalo pang maaliw sa akin ang mga tao.

"Good health sa akin at sa mga anak ko. Yung love, darating naman 'yan sa panahon na hindi natin hinahanap. Pag sobra ko na na-establish yung mga anak ko, wala na akong babayaran or anything, magugulat na lang kayo na ikakasal na pala ako," pagtatapos ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN