Rufa Mae Quinto on success of Status: Single: "Masuwerte siguro talaga ako sa career, lalo kung wala akong lovelife."

"Ilang araw pa lang kasi rito sa Pilipinas, happy na rin kami. Imagine, halos five days pa lang, naka-more than P25 million na ang kinita. Malaki na yun, ha!" says Rufa Mae Quinto about the box-office success of Status: Single.


Naka-hit na naman ng jackpot si Rufa Mae Quinto nang tumabo sa takilya ang Status: Single kaya agad-agad, nagpatawag siya ng thanksgiving party para sa press na tumulong sa promo ng pelikula ng Viva Films at OnQ28 Productions.

"Maganda ang naging resulta sa takilya, and even personally, lalo na para sa grupo," masayang sabi ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Halos gabi-gabi, gumigimik naman kami, para bang naka-form na kami ng singles club. Kami nina Jon [Avila], Mylene [Dizon], even Rafael [Rosell], na lately naging single bigla dahil natapos ang relasyon nila ng dyowa niya... Sina LJ [Moreno], Angelu [de Leon], Mark Bautista, Desiree del Valle... Lahat kami, naging okay sa isa't isa. Ibang klaseng barkadahan ang nabuo namin. Gusto tuloy naming gumawa ng sequel."

Gustuhin man ni Rufa Mae na ang grupong ito ang makasama niya this Valentine's Day, may kanya-kanya naman silang raket. Of course, ito ang busiest time din para sa mga artistang gaya nila.

"Hindi eksaktong Valentine's Day, pero may night-out na naman kami, for sure. Halos gabi-gabi na nga kaming nagkakasama. Hindi kami nagkakasawaan. Puyat kami palagi. Kung saan-saan kami napapadpad. Nag-e-enjoy talaga kami!" natatawang sabi niya.

Sa February 18 naman, nakatakdang mangibang-bansa muli ang sexy comedienne. One month halos mawawala ang aktres.

"Just imagine, puro key cities sa U.S. at Canada, with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. Guest nila ako sa shows nila. Pero sa May pa 'yan. Yung from February 18 to March l8, papunta akong Washington, Chicago, Los Angeles, Las Vegas, San Diego, at San Francisco.

"By May, nagbabalak ako ng birthday concert. Yeah, that will be after the tour sa Canada with John Lloyd and Sarah," kuwento ni Rufa Mae on her itinerary sa susunod na tatlong buwan halos.

Wish lang ni Rufa Mae na mai-premiere ang Status: Single sa U.S. habang naroroon siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ilang araw pa lang kasi rito sa Pilipinas, happy na rin kami. Imagine, halos five days pa lang, naka-more than P25 million na ang kinita. Malaki na yun, ha!" sabi ng sexy comedienne.

Walang pang returns daw from the provinces. Metro Manila lang daw yung nai-report sa kanya.

"I'm so grateful," sambit niya. "First week pa lang. Naiisip ko nga, masuwerte siguro talaga ako sa career, lalo kung wala akong lovelife. Maganda rin sana kung mayroon, pero hindi na ako naghahanap. Nasanay na akong wala. Masaya rin ako kahit wala, e.

"I just found out sa showbiz, marami talagang singles, yung wala kahit dyowa. Marami tuloy akong nagiging friends na nakaka-relate sa akin, they come back to me para lang makipag-usap tungkol sa mga relasyon na 'yan. Kahit they feel bad na wala silang dyowa, naha-happy pa rin sila. Kasi, ako na nga lang, nakikita nilang laging masaya kahit walang dyowa. Lagi akong humahalakhak.

"E, ano naman kasi ang dapat ikalungkot? Kahit umuuwi ako sa bahay, nag-iisa na lang ako, masaya pa rin ako. Hindi na katulad ng dati, nagsesenti ako kapag nag-iisa. Nasanay na talaga ako," pagwawakas ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN