JC Tiuseco admits cool-off stage with his long-time girlfriend

"Iniisip ko palagi na lahat ng nangyayari, may reason. Kahit noong sumasali ako sa Survivor, hindi naman sure na nakasama na ako. Lalo na, yun nga, noong time na sinabi nilang kuha na ako, tapos biglang may nakita sa health ko na may sakit, muntik na akong hindi makasali. Iniisip ko na yun na bahala na kung hindi makasali, siguro may dahilan talaga. Ganoon po akong mag-isip talaga, positive lang palagi ang iniisip ko at may mas magandang darating," says


Umamin ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco na nasa cool-off stage sila ngayon ng girlfriend niya na isang lawyer.

"Busy lang po kasi. Busy siya sa work niya, tapos busy rin ako. Yung time namin, hindi po pareho," sabi ni JC nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero sinabi ni JC na pareho naman daw silang nagkasundo ng kanyang girlfriend of five years kung anumang sitwasyon meron sila ngayon.

"Naiintindihan naman po niya," aniya. "Pareho naman po kaming busy. Siyempre, pareho po kaming palaging wala. Pero may communication pa rin naman po kami, nag-uusap pa rin po kami."

Sa five years na nilang relasyon,napag-usapan ba nila ang tungkol sa pagse-settle down bago pa man siya sumali sa Survivor?

"Actually ako, wala pa po, e. Twenty-three pa lang po ako. Siguro kung mag-aasawa po ako, kapag mga 30 na ako. Kapag settled na ako, maayos na lahat. Although, hindi pa naman po namin napag-usapan yung bagay na yun."

Hindi ba siya nanghihinayang na sa pagsali niya sa Survivor at ngayo'y nag-aartista na siya, tila kapalit naman nito ay ang unti-unting pagkakalabuan nila ng kanyang girlfriend?

"Wala naman pong regrets sa akin," sagot ni JC. "Kasi, yun nga po, iniisip ko, noong nag-i-start pa lang po ang Survivor, iniisip ko palagi na lahat ng nangyayari, may reason. Kahit noong sumasali ako sa Survivor, hindi naman sure na nakasama na ako. Lalo na, yun nga, noong time na sinabi nilang kuha na ako, tapos biglang may nakita sa health ko na may sakit, muntik na akong hindi makasali. Iniisip ko na yun na bahala na kung hindi makasali, siguro may dahilan talaga. Ganoon po akong mag-isip talaga, positive lang palagi ang iniisip ko at may mas magandang darating."

HEART EVANGELISTA. Very vocal naman si JC na hinahangaan niya ang Kapuso star na si Heart Evangelista. Nagsimula raw ang crush niya rito hindi pa man siya sumasali sa Survivor Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati pa po, nagba-basketball pa lang po ako, high school pa lang po ako. ABS [CBN] pa yata siya noon. Tapos siyempre, nakikita ko sa TV, ang ganda!" pag-amin ni JC.

Masaya raw siya nang una niyang makita si Heart sa personal. Naging guest pa raw siya sa show ni Heart sa QTV11, Fashionista, kaya alam ng dalaga na crush siya ni JC.

"Sa interview niya po, sinabi ko!" natatawang kuwento ni JC. "Tinanong po kasi niya ako kung sino raw po ang crush ko, sabi ko, 'Ikaw.' Natawa lang po siya. Sabi niya, niloloko ko lang daw siya. Pero sabi ko po, 'Hindi, totoo talaga!'"

Ano ang nagustuhan niya kay Heart?

"Yung mata po niya...kapag nag-smile siya. Chinita kasi."

May balak ba siyang ligawan si Heart, lalo na't break na ito sa kanyang non-showbiz boyfriend at siya naman ay nasa cool-off stage with his girlfriend?

"Career muna po!" natatawang sabi ni JC.

Kung pamimiliin daw siya ng magiging kapareha, magiging masaya raw siya kung si Heart ang magiging partner niya. Although, kahit sino naman daw ay okey sa ka kanya.

Paano kung sabihin na ginagamit niya lang si Heart para mapag-usapan?

"Hindi ko po alam," nangingiti niyang sabi. "Pero sa [Koh Tarutao] island pa lang po, sinasabi ko na po na crush ko si Heart. Alam naman po ng mga castaway na nag-i-start pa lang si Heart, crush ko na siyang talaga."

LIFE AS A TV HOST. Nae-enjoy na raw nang husto ni JC ang bagong buhay niya ngayon bilang celebrity at bilang isa sa mga host ng early morning show ng GMA-7 na Unang Hirit. Nakangiti nitong sinabi na masaya siya sa buhay niya ever since manalo siya sa Survivor Philippines.

"Masaya po lalo na sa Unang Hirit, lahat ng kasama ko run, mababait. Ilang beses na rin po nila kong ini-invite na lumabas. Katulad po ni Igan [Arnold Clavio], ini-invite po niya akong mag-basketball at saka, mga party-party nila. Yun nga lang, most of the time, hindi ako makapunta kasi busy," kuwento ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si JC na noong unang salang niya sa Unang Hirit ay talagang nangangapa siya.

"Mas relaxed na po ako ngayon," sabi niya. "Pero siyempre, ang dami ko pa pong kailangang matutuhan, e. Kailangan ko pa rin pong matutunan kung papaano ako a-adlib kapag hindi ko dala ang teleprompter or biglang nawala ang teleprompter. Pero mas relaxed na kumpara po noong dati."

Okey lang ba sa kanya na sa hosting siya unang napasabak?

"Okey naman po, okey naman po sa akin. Kasi, malaking training din naman po sa akin yun kung paano ako makikipag-usap sa mga tao, yung ganoon. Noong una lang, sa paggising, nahirapan akong mag-adjust. Pero ngayon, maaga na po akong natutulog unlike before na hirap akong matulog kapag gabi. Pero ngayon, kapag pumikit ako, tulog ako agad."

Around 10 to 11 p.m. ay tulog na raw siya dahil by 4 a.m. ay kailangan gising na siya. Good thing lang daw hindi siya mahilig gumimik kahit noon at mas ugali raw niyang sa bahay lang.

STICKING WITH OLD MANAGEMENT. JC is being managed by Jonas Gaffud of Mercator Agency, kung saan ang mga kasama niya rito ay iba pang mga sikat na modelo sa bansa ngayon. Isa si JC sa sa mga Survivor castaways na hindi nag-sign up sa GMA Artist Center, which he feels ay wala namang problema.

"Sa ngayon, hindi ko pa po alam kung mas advantage po ba na hindi ako under Artist Center," sabi ni JC. "Pero so far, mas okey naman po talaga sa manager ko. Okey naman po sa akin at hindi naman po ako nawawalan ng trabaho."

Sa ngayon, naka-concentrate daw siya sa kanyang showbiz career. Next week ay formal na ring ilu-launch si JC bilang pinakabagong Penshoppe model.

So, goodbye basketall na ba talaga para sa kanya?

"Love ko pa rin po ang basketball, kasi ang dami ko pong natutunan sa basketball," ani JC. "Pero kung iisipin ko ang future ko, like may mangyayari pa ba sa akin kung magba-basketball ako nang magba-basketball. E, ang daming Fil-Am. Ang hirap makapasok sa PBA [Philippine Basketball Association]. Hindi rin naman ganoon kalaki ang suweldo. Actually, suwertihan pong talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga local actors, ang paborito raw ni JC ay si Christopher de Leon. Sa actress naman ay si Maricel Soriano.

Si Dingdong Dantes naman daw ang hinahangaan niya among the younger generation.

"Ang dami-rami na po niyang achievements. From the time na nag-uumpisa pa lang siya, hindi pa masyado. Tapos ngayon, ang layo na ng narating niya. Nakita mo naman na pinaghirapan niyang talaga. Tapos ngayon, ang galing na niyang talaga," papuri ni JC kay Dingdong.

JC'S CASH PRIZE. Masasabing mabuting anak si JC dahil sa napanalunan niyang three-million pesos sa Survivor, ang kalahati nito ay ibinigay niya sa kanyang mga magulang. Maging ang Honda Civic na sasakyan na part of his prize pa rin ay ibinigay niya sa kanila. Mas gusto raw kasi niyang gamitin ang luma nilang kotse na BMW, although pinaayos pa raw niya ito.

What about the other half of his cash prize?

"Nilagay ko po sa bank. Nilagay ko po sa time deposit," sagot ni JC.

Bilang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor, paano niya patutunayan sa lahat na he will remain a survivor?

"Siguro po in time... Siyempre, hindi ko naman po masasabi. Katulad ngayon, hindi ko naman po masasabi na 'eto ang mangyayari. Hindi ko naman po alam ang mangyayari sa future. Gagawin ko na lang po ang lahat ng makakaya ko.

"Like, ngayon nga po, nag-a-undergo ako ng mga workshop para hindi naman po ako mapahiya. Katulad nga po noong nag-Maynila ako, for a first timer, marami naman po ang nagsabing hindi naman po pangit yung ipinakita ko," nakangiting sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN