Pops Fernandez breaks promise not to cry in her concert with ex-husband Martin Nievera

"I think, everybody should be happy about that. And I think, sinabi ni Martin kanina, sana ay may matutunan kayo. Parang feeling ko, meron naman kayong natutunan from our story and what we've been through and everything else that we're still gonna do," says Pops Fernandez about her relationship with ex-husband Martin Nievera.


Naging very successful ang Missing You concert ng ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez na ginanap sa Araneta Coliseum noong Biyernes ng gabi, February 6.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Pops pagkatapos ng concert. We asked her how she felt after ng successful concert nila ni Martin.

"After every, especially successful concert, siyempre high na high kami. Pero masaya. Sobrang nag-enjoy kami sa concert. Lalo na siyempre, we get another chance to perform with our kids who [were] our guests again. Siyempre, iba ang feeling kapag kamag-anak mo, tapos anak mo pa," saad ni Pops.

Posible raw na magkaroon ng concert tour ang Missing You sa iba't ibang dako ng mundo na merong mga Pinoy.

"Yun ang plano, pero tingnan natin. Depende rin siyempre sa schedule. But hopefully, we get to do that sometime this year also."

NOW VOWS. Naging very emotional din silang pareho ni Martin sa "Now Vows" nila, kung saan binasa nila ang vows nila ngayon para sa isa't isa.

"Actually, 'yang sulat na 'yan, noon ko pa sinasabi na ayokong gawin 'yan. Ang hirap-hirap! Kasi nga, tinatawag niyang vow, ang hirap ulit...parang marami kang hinuhukay. Tapos ako kasi, napaka-private ko. It's so hard for me to express my emotion. But everything I said is true naman, especially that part about the kids."

Talaga bang na-touch siya sa mga ipinahayag ni Martin sa letter niya?

"Of course naman," sagot ni Pops. "Siyempre, tao lang tayo. Kapag nakakarinig tayo ng mga senti na thoughts, naiiyak ako. Lalo na ako, iyakin ako."

Naramdaman naman niya ang sincerity ni Martin ngayon?

"Ah, I think naman sincere siya!" natatawang sabi ni Pops. "Well, this time around, wala na kaming itinatago sa isa't isa. Alam na namin ang nangyayari. Alam ko na ang nangyayari sa kanya. Alam na niya ang nangyayari sa akin. There's absolutely nothing to hide and I think that's what makes the friendship stronger. Like old times, actually."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talagang noong gabi lang daw nila narinig at ginawa ang "Now Vows" nila sa isa't isa.

"We planned it but we never told each other about it. Actually, it was Martin's idea."

During their press conference, sinabi niyang hindi na siya iiyak sa actual concert nila. Pero sa mismong concert ay bumigay rin si Pops.

"Alam mo, tina-try ko talaga. Pero noong lumabas na ang mga anak ko, parang bumigay na ako! Wala lang, maganda lang ang moment. Siguro, kahit walang nangyari sa amin ni Marttin, siyempre proud kami as parents. So, parang yung mere fact na magkakasama kaming apat and we're performing, siyempre, sobrang touching yun for me."


VALENTINE'S DAY. Ngayong Valentine's Day, wala pa raw silang plano ng boyfriend niyang si Jomari Yllana Pero kung meron man, mas malamang daw ang pagpapahinga nila.

"E, kasi, patong-patong na rin ang schedules ko. Lalo na ngayon na nagte-taping na rin ako ng Betty La Fea. Tapos, ito pang concert, talagang binigyan namin ito ng maraming-maraming oras talaga."

Pero natatawang dugtong niya, " Sana sorpresahin niya ako, di ba?"

Nabanggit ni Jomari sa interview na masaya ito dahil nakatagpo siya ng bagong pamilya sa kanila nina Martin at mga anak nilang sina Robin at Ram. Ano ang masasabi ni Pops dito?

"Oo naman. Actually, okey na okey sila ni Martin. And I'm glad about that. Mas okey kapag nagkakasundo lahat."

Anong mensahe naman ang gusto niyang iparating sa boyfriend at producer ng concert nila na si Jomari?

"Siyempre, congratulations. Alam ko na aside from working hard, he also did a lot of... Talagang every day, hindi siya natutulog. Nagkasakit pa siya. Nagtatrabaho talaga siya at kagaya ng sinabi ko, siguro nga, ayaw niyang mapahiya. Gusto niyang mag-work smoothly. And as a first-time producer, marami siyang na-experience. But as a whole, he really took care of us and the whole production. Siyempre, sobrang proud ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL POPS & MARTIN? Tinanong din namin si Pops kung ano ang masasabi niya na bagamat may kanya-kanya na silang bagong pag-ibig ni Martin, marami pa rin ang umaasang nagkakabalikan pa rin sila sa huli.

"Ay naku, well, basta okey kami. That's the most important thing. Basta okey yung friendship namin at saka relationship namin. Kagaya ng sinabi ko, lalung-lalo na sa mga bata, okey na yun, di ba?

"And I think, everybody should be happy about that. And I think, sinabi ni Martin kanina, sana ay may matutunan kayo. Parang feeling ko, meron naman kayong natutunan from our story and what we've been through and everything else that we're still gonna do," pagtatapos ni Pops.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN