Mart Escudero insists he and Jennica Garcia are okay despite her silence

"Ano ba naman yun, paano naman po ako magkakaanak at kanino? Alam naman ng lahat na sa showbiz, si Jennica ang kauna-unahan kong girlfriend. Seventeen pa lang po kami, kami na. Kailan naman ako magkakaroon ng anak?" says Mart Escudero about a rumor that he already has a son.



Amidst the persistent rumors and Jennica Garcia's silence, Mart Escudero insists that everything is still okay between them.

Noong isang linggo, may blind item na hiwalay na raw ang isang young love team dahil may third party. Niligawan daw ng lalaki ang anak na babae ng may-ari ng bahay, na ginagamit sa taping ng show ng love team.

Tukoy na tukoy sina Mart at Jennica sa blind item kung kaya't noong araw na rin na yun, nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mart para linawin ito.

"Naku, hindi po totoo yun. Kami pa rin po hanggang ngayon," sagot ni Mart sa text namin

Binalikan namin siya na ang naging third party nga raw ay ang anak na babae ng may-ari ng bahay na ginagamit nila sa Dear Friend. Mabilis din ang naging sagot ni Mart: "Sabi-sabi lang nila yun, di ko pagpapalit si Jen."

Lumipas ang ilang araw, noong Biyernes (Feb. 6), isang bagong balita ang lumabas. Sa ikalawang pagkakataon, pinangalanan na sina Mart at Jennica na magkahiwalay na raw. At ang dahilan naman ay may anak na raw si Mart. Ang ina raw ng anak niya ang nakipag-usap kay Jennica.

Nang i-forward namin kay Mart ang text na natanggap namin tungkol dito, hindi na text ang isinagot niya kundi phone call na.

"Nabasa ko na rin po yun. Ano ba naman yun, paano naman po ako magkakaanak at kanino? Alam naman ng lahat na sa showbiz, si Jennica ang kauna-unahan kong girlfriend. Seventeen pa lang po kami, kami na. Kailan naman ako magkakaroon ng anak?" paliwanag ni Mart.

May idinagdag si Mart sa "anak" issue.

"Baka naman po ang sinasabi nila ang baby namin ni Jennica," sabi ni Mart. "Binigyan ko kasi siya ng aso, isang Lhasa Apso na pinangalan naming Sundance. Ito po ang inaalagaan namin ngayong baby."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagitan ng dalawang balita, si Mart lang ang palaging nagsasalita kung kaya't tinanong din namin ito sa kanya.

"Kasi po si Jennica, ever since, aminado naman siyang takot siya sa press. Hindi siya talaga nakikipag-usap sa press, puwera na lang kung interview. Pinagalitan ko na nga po siya. Sabi ko sa kanya, dapat magsalita siya kasi baka akalain ng tao totoo nga ang balita kung ako lang ang nagsasalita," paliwanag ni Mart.

Sa interview ng PEP sa ina ni Jennica na si Jean Garcia ay sinabi nitong sa pagkakalam niya, okay sina Jennica at Mart. Kung kaya't napagtibay nito ang sinasabi ni Mart na walang problema sa relasyon nila ni Jennica, na lumampas na ng isang taon. (Click here to read related article.)

Sabado ng gabi, Feb. 7, isang staff ng Dear Friend ang nakausap namin at nagulat sa ikinuwento naming walang problema sa relasyon nina Mart at Jennica, ayon na rin sa binata. Ang sinagot sa amin ng kausap namin, talagang wala na sila at ang anak nga ng may-ari ng bahay, kung saan nag-taping ang show nila, ang dahilan 'pagkat niligawan ito ni Mart.

Dagdag ng kausap namin, baka kaya tumatamihik lang si Jennica ay para hindi mabuwag ang love team nila.

Binalikan namin si Mart kahapon ng umaga, Feb. 8, at mabilis ang naging sagot niya: "Pinagusapan na po namin ito [na humarap sa press], takot lang talaga siya. Pero babalitaan kita sa susunod na araw."

Balitang inaayos na ng mga kampo nila ang balak nilang pagharap sa press.

Balita ring aalis patungo sa ibang bansa si Jennica pagkatapos ng Gagambino para magpahinga, kasama ng kanyang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN