Alfred Vargas misses opportunity to have kissing scene with KC Concepcion in When I Met U

"Na-realize ko lang na wala noong tapos na ang mga eksena namin together sa movie. Kasi may nagtanong sa akin kung nahalikan ko ba si KC. Doon ko lang nalaman na wala pala, sayang!" recalls Alfred Vargas with a laugh.


Nanghihinayang daw si Alfred Vargas dahil wala siyang naging kissing scene with KC Concepcion sa pelikulang When I Met U ng GMA Films at Regal Entertainment.

Gumaganap na fiancée ni Alfred si KC sa naturang pelikula. Marami raw silang mga eksena na kinunan sa Coron, Palawan, at dito sa Manila. Pero puro lang daw sila yakapan at wala man lang daw kiss sa lips or sa cheeks.

"Na-realize ko lang na wala noong tapos na ang mga eksena namin together sa movie. Kasi may nagtanong sa akin kung nahalikan ko ba si KC. Doon ko lang nalaman na wala pala, sayang!" sabay tawa ni Alfred sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero naiintindihan naman daw ni Alfred kung bakit wala silang gano'ng eksena ni KC dahil ang tunay na leading man ni KC sa pelikula ay si Richard Gutierrez, kaya nararapat lang na isang lalake lang ang mahalikan ni KC sa pelikula.

"Second leading man lang naman ako ni KC sa movie, kaya it's okay for me na wala kaming kahit anumang kissing scenes. Tama na yung magaganda ang mga tagpo namin ni KC. May isang scene kami rito na ang ganda ng pagkakakuha ni Direk Joel [Lamangan]. Very memorable talaga sa akin ang scene na 'yon," saad ni Alfred.

ALL PRAISES FOR KC. Bilib na bilib din si Alfred sa husay ni KC sa drama. May eksena nga raw silang nag-iiyakan silang dalawa at ramdam ni Alfred ang dedication ni KC sa kanyang role.

"For a newcomer, ang husay ni KC," sabi ni Alfred. "I am not saying this because katrabaho ko siya, but she is really amazing sa pelikulang ito. Mararamdaman mo na galing sa puso niya ang nilalabas niya sa eksena.

"I've worked with so many actresses before at may iba na alam nilang magaling na sila kaya wala na yung effort talaga. But with KC, she's really great. Hindi na ako magugulat kung sakaling ma-recognize siya sa pelikulang ito kasi she's really that good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilib din si Alfred sa ipinakitang kabaitan ni KC sa lahat ng mga nakatrabaho nito sa pelikula. Mula sa mga artista, crew, at utility ay magaganda ang mga sinasabi nila sa anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

"Tama sila at hindi siya nalalayo sa naging ugali ni Ms. Sharon Cuneta. Marunong makisama si KC sa lahat. Kaya naman enjoy ang mga taong magtrabaho sa set, kasi napaka-pleasant ng personality ni KC.

"Hindi ko nga ini-expect na gano'n siyang klaseng tao. Kasi nga she's the daughter of the country's Megastar, di ba? Pero she is such a nice person to work with at parating naka-smile. Hindi mo nakikita sa kanya na napapagod siya. Kaya masarap katrabaho ang tulad ni KC na mahal ng maraming tao sa paligid."

Hindi nga bothered si Alfred sa balitang second choice lang daw siya sa role niya sa When I Met U.

"There are talks, pero hindi ko na inalam kung sino ang sinasabi nilang original na actor for my role. What's important is that ako ang nasa movie. I did my scenes with KC and Richard and I had a grand time doing the movie. I am proud to be in this movie, maging first or second choice ako for my role," aniya.

Mamayang gabi, February 10, ay gaganapin ang premiere ng When I Met U sa Cinemas 9 and 10 ng SM Megamall.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN