Franco Laurel gets his wish to perform with West End star Joanna Ampil

"You don't get to work with a Pinay star of the West End everyday, di ba? Kaya this is a special Valentine's day for me as a performer," says Franco Laurel about Joanna Ampil.


Natutuwa si Franco Laurel dahil unti-unti na siyang bumabalik sa entertainment scene. Matagal ding namahinga si Franco, pero this year ay magiging sunud-sunod ang mga gagawin niya.

Sinimulan ni Franco ang taon by starring in the musical Joseph The Dreamer. Katatapos lang daw ng theater run nito kaya isang Valentine show naman ang haharapin niya. Special guest siya ni Joanna Ampil sa V-Day show nito na Joanna Ampil, I Love... na gaganapin sa Music Museum on February 13 and 14.

Coming from Franco, isang malaking karangalan na makatrabaho ulit si Joanna dahil isa siyang certified fan nito. Napanood daw niya si Joanna nang gumanap ito bilang Kim sa Miss Saigon sa West End in London at namangha si Franco sa husay nitong umawit.

"Noon pa ako gandang-ganda sa boses niya. I was able to sing with her four years ago pa noon sa ASAP. It was a production number with a lot of singers and I was lucky to be part of it with Joanna.

"Kaya noong sabihin nila na I would be the only guest of Joanna, super natuwa ako because it's like a dream come true. You don't get to work with a Pinay star of the West End everyday, di ba? Kaya this is a special Valentine's Day for me as a performer," kuwento ni Franco sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ASPIRING TV ACTOR. Mukhang papasukin na rin ni Franco ang pag-arte sa telebisyon soon. Gusto naman daw kasi niyang ma-explore ang iba't ibang fields of entertainment.

Nasubukan na raw kasi niyang maging TV host noon sa ABC-5 via Eezy Dancing with Dayanara Torres at sa ABS-CBN via Keep On Dancing with Charlene Gonzalez. Ngayon, acting naman ang gusto niyang pasukin.

"It will be a welcome thing for me because I've been doing musical theater and there is acting involved din naman doon. Nakikipag-usap naman na ako with some people and I might try acting on TV soon," saad ni Franco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati raw ang misis ni Franco na si Ayen Munji-Laurel ay baka pasukin din ang pag-arte sa isang soap opera.

"Ayen loves to act naman talaga and she has proven it time and again on stage. She got many good reviews for doing Atang sa U.P. Diliman and she might try out acting on TV as well. It won't be hard for her kasi she's under GMA Artist Center kaya they can give her acting assignment anytime.

"Kami naman ng misis ko, we support each other kapag may mga projects kami. When Ayen was doing Atang, I was always there to accommodate guests and be her photographer. When I did Joseph The Dreamer, she was there every performance night naman. Kaya sa papasukin naming acting on TV, we will always be there for one another all the time," pagtatapos ni Franco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN