Wanted: New leading men for Yasmien Kurdi and Katrina Halili

Yasmien Kurdi (left) and Katrina Halili are the featured stars in the next episode of the Sunday drama anthology Dear Friend.


Magtatapos ngayong buwan na ito ang Sine Novela na Saan Darating ang Umaga? ni Yasmien Kurdi; ang primetime telefantasya na Gagambino nina Dennis Trillo, Katrina Halili, at Nadine Samonte; at pati na rin ang Dear Friend episode na "Bulong ng Puso" nina Jennica Garcia at Mart Escudero.

Isang Yasmien-Katrina tandem ang susunod na episode ng Dear Friend ngunit hinahanapan pa ng leading men ang dalawang female stars, na nanggaling sa unang batch ng StarStruck.

Napaghiwalay na kasi ang tambalang Yasmien-JC de Vera pagkatapos ng tatlong successful soaps at ipinares si JC kay Rhian Ramos sa Lalola. Si Yasmien naman ay ipinares kay Dion Ignacio sa Saan Darating ang Umaga?.

Pagkatapos naman ng Magdusa Ka at Gagambino, may bagong partner si Dennis sa bagong Sine Novela na Muling Buksan ang Puso sa katauhan ni Heart Evangelista.

Habang kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nagbalita sa amin tungkol sa bagong episode ng Dear Friend, nagbigay na rin ng suggestion kung sino ang bagay kina Yasmien at Katrina. Puwede kasing ipares sa kanila ang dalawang Survivor boys na sina JC Tiuseco at Jace Flores, at puwede ring si John Lopez.

Isa-suggest daw sa GMA-7 ang tambalang ito na kung matutuloy ay may slant na agad para kay Yasmien—that the drama princess has found a new "JC."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN