Toni Gonzaga on almost falling for Sam Milby: "Nagkamalisya. Kaya lang 'mali siya'..."

"Uy, hindi naman siya mali. Hindi lang tama. Ganun pa rin... Hindi, Tito Boy, magkaibigan po talaga kami ngayon. We're very much okey talaga," Toni Gonzaga said last Sunday in The Buzz "Tough Ten" interview with Boy Abunda. Toni was referring to her former screen partner Sam Milby whom she admitted she almost fell for.


Hindi lang si Sarah Geronimo ang sumalang sa The Buzz "Tough Ten" last Sunday, February 8. Maging si Toni Gonzaga ay matapang din na hinarap ang sampung matitinding tanong ng The Buzz host na si Boy Abunda.

Nag-promote muna si Toni ng ilalabas niyang collaboration album with Sam Milby, Love Duets under Star Records. Magkakaroon din siya ng shows sa U.S. at Canada sa March.

Sa Sabado, February 14, ay mapapanood din si Toni sa Valentine offering ng Maalaala Mo Kaya. Ayon pa kay Toni, ito ang kauna-unahan niyang episode sa MMK, kung saan makakasama niya sina Ryan Eigenmann at Jason Abalos.

Bago ang unang tanong kay Toni ay naglabas si Boy ng isang kalamansi, at saka niya sinimulan ang "Tough Ten."

Tough Ten Question No. 10: Toni, ano ito? Bakit ka takot sa kalamansi?

"Hindi, hindi po ako takot sa kalamansi. Puwede ko naman siyang hawakan."

"Hawakan mo nga," dare ni Boy kay Toni. Pero tila nandidiri si Toni sa kalamansi.

"Bakit kasi bulok? Pero hindi po ako nandidiri sa kalamansi. Kasi baka maraming tao paborito yung kalamansi. Kasi lumaki po ako na sa tuwing bubuksan ko yung ref namin, laging may bulok na kalamansi. So, diring-diring po talaga ako. 'Bakit ba laging bulok itong kalamansi na ito'. So, nandiri ako, parang... bulok siya. At saka ang daming pimples. Yun lang po. Pero siguro if it's a matter of life and death, puwede ko naman siyang kainin. Nothing personal. So, huwag n'yo na pong personalin," paliwanag ni Toni na ikinatawa ni Boy.

Tough Ten Question No. 9: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumanap sa isang serious role, anong role ang gusto mo at sino ang leading man?

"Kung dati po ako tatanungin, meron po akong naisip na leading man. Pero ngayon naisip ko, ano... it came out of nowhere. Siguro gusto kong mag-play ng role ng isang assassin. And yung perfect na makaka-partner and pangarap ko na makatrabaho is si Robin Padilla. Kasi lumaki akong pinapanood yung mga pelikula niya. And ang galing niya sa action at saka yung comedy, yung romantic comedy. Siguro mao-honor ako kung makatrabaho ko si Robin Padilla."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tough Ten Question No. 8: Last week, kasama ko si Luis Manzano para sa The Buzz "Tough Ten." Tinanong ko si Luis kung sa lahat ng kanyang mga niligawang babae, sino ang pinakamahirap ligawan at kanino siya nagpursige. Sabi niya, tatlong taon siyang nanligaw at nagpursige sa iyo. Toni, tanong, bakit hindi mo sinagot si Luis Manzano?

"Kasi Tito Boy, ever since na nakilala ko si Luis, alam naman talaga niya iyon na hindi ko nakitaan ng malisya sa isa't isa. Wala kami talagang malisya sa isa't isa. Sinabi ko talaga kay Luis, 'Luis, talagang we are perfect as friends. Nakikita ko talaga na magwo-work tayo as friends.' And nakatulong iyon dahil magkasama kami sa maraming shows ngayon. And maganda ang working relationship namin. Pero si Luis, grabe yung mga naipakita niya dati. Taas ang kamay ko sa kanya. Napakabait na tao ni Luis."

Ano ang pinakagrabe na ginawa niya para patunayang mahal ka niya?

"Ang dami, Tito Boy, e. Siguro yung binuhat niya yung lamesa sa Cork (restaurant sa ABS-CBN). 'Tapos nag-set up siya sa isang dressing room ng Valentine's date na ganun. May trabaho ako ng Valentine's. 'Tapos gusto niya yata akong maka-dinner ng Valentine's Day. Yun ang hindi ko makakalimutan. Thank you, Luis."

Sa ginawa niyang iyon, wala pa ring malisya iyon?

"Oo, nagtawanan lang kami. Sabi ko, 'Luis, para tayong nasa pelikula nito. Huwag ganito. Hindi ko kaya ang ganito.' Talagang we're great friends."

Tough Ten Question No. 7: Mahilig ka raw magbasa ng mga forums sa Internet, lalo na yung mga negative comments sa iyo. Sa lahat ng iyong nabasa na negatibo, ano ang pinakamasakit?

"Nasagot ko na iyan, Tito Boy. May isang ano lang... may isang nag-comment na hindi ko nagustuhan. Yung sinabi niya involving my family, especially, my parents. Talagang sinabi niya na, 'Kawawa naman si Toni for having ano... mukhang pera na magulang.' So, talagang naiyak ako doon. Kasi dinamay pati yung mga magulang ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about yung pinaka-outrageous na comment?

"Siguro yun na rin, Tito Boy. Talagang nagulat ako na yung ganun puwede nilang isulat."

What do you get out of reading negative things about you?

"It humbles me. Pag nararamdaman ko na, 'Uy marami nang magandang nangyayari!' Parang bina-balance ko. 'Huwag lalaki ang ulo mo, dahil hindi lahat ng tao gusto ka. Kailangan matuto ka na umarte ng tama.' Parang nakaka-humble din kasi. In a way there are constructive criticisms. So, nakakatulong 'yan sa akin. 'A, madalas pala akong ganito', ganyan."

Tough Ten Question No. 6: Bukod kay Direk Paul Soriano, sa lahat ng mga boys na na-link sa iyo, sino ang naging pinakamalapit sa iyong puso?

"Si ano po...syempre si Sam [Milby] po. Kasi nakailang pelikula din kami. At saka marami po kaming pinagsamahan na mga trabaho. Naging close po talaga kami. Nagkamalisya. Kaya lang 'mali siya,' ay double meaning."

Saan siya nagkamali?

"Uy, hindi naman siya mali. Hindi lang tama. Ganun pa rin," tila nalilitong sagot ni Toni na ikinatawa naman ni Boy at ng audience. "Hindi, Tito Boy, magkaibigan po talaga kami ngayon. We're very much okey talaga."

Si Paul ba hindi nagseselos? Yung totoo?

"Siguro dati, medyo naiilang siya, dahil hindi... Syempre may mga fans po kasi kami na gusto talaga nila na magkatuluyan kami ni Sam. Kinikilig sila kapag nakikita nilang magkasama kami."

So, ang reaksyon ni Paul ay..?

"Si Paul, nag-iisip din, 'Ay, bakit kinikilig sila sa kanilang dalawa? E, ako yung tunay!' So, kailangan siyempre i-briefing mo siya na ganun talaga. 'May chemistry, e. Pero huwag kang mag-alala, kasi meron naman tayong physics, biology, lahat ng subjects'. Pero ngayon naiintindihan na niya. Na-balance na namin iyon," pakuwelang sabi ni Toni.

Tough Ten Question No. 5: Sa lahat ng mga boys na na-link sa iyo, meron bang isa na sana'y wini-wish mo na hindi mo nakilala, at bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, masyado namang negative. Ang sama. Sa lahat ng mga na-link sa akin, sino yung sana hindi na na-link sa akin? Wala, e. Kasi nag-enjoy naman ako sa lahat ng na-link sa akin. Natuwa naman ako dahil parang, siyempre, parang na-feel mo, ang haba naman ng hair ko dahil na-link sila sa akin. Natuwa naman ako. Wala naman akong pinagsisihan," natatawang wika ni Toni.

Tough Ten Question No. 4: One time nangyari ito sa isang dressing room dito sa ABS-CBN. Naroon si Sam Milby at si Anne Curtis, sweet na sweet. Ang tanong, noong panahon na iyon, nasaktan ka ba?

"Okay, to be honest, first time kong nakita yun, I don't think hurt is the right term."

Bakit? What is the right word?

"The right word is, I was shocked! Nagulat ako kasi, siyempre, una tsismis lang siya. And then nakita ko right before my very eyes na totoo, sabi ko, 'A, na-shock ako!' So, ganun talaga."

Pagkatapos ng feeling ng shock, ano ang sumunod?

"Noong nakita ako at na-shock ako, sabi ko, preparation. I've prepared myself to moving onstage na ako noon."

Kaagad, moving on na? Walang hurt?

"Nilampasan ko. Sabi ko, dapat kapag may nakita kang ganun, 'A, okay. Prepare yourself. 'Tapos moving on.' Nilaktawan ko yung hurt. Shocked and then moving on. Puwede mo palang i-skip yung hurt," paliwanag ni Toni na ikinatawa ni Boy at ng audience.

Tough Ten Question No. 3: Matapos ang namagitang gap sa inyo ni Alessandra de Rossi, sa iyong pagkakaalam may sama pa ba ng loob si Alex sa iyo?

"Kasi, Tito Boy, medyo matagal na po yung isyu. Kasi ako hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. At saka kung anuman yung mga isyu na lumabas dati at natapos na, iniiwan ko na po na closed book yun. So, sarado na. Kung meron pa man po, hindi ko alam. Pero ako, sa akin wala... I have nothing against anybody na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

That's how you feel. Pero sa iyong pagakakaalam si Alex ba, okey na sa iyo?

"Napanood ko yung The Buzz niya dati. Sabi niya, okey na. Di ba yung sabi niya... 'Hindi raw kayo nagpansinan sa Wowowee?' 'Tapos sumagot siya, 'Hindi, hindi totoo yan.' So, sabi ko, 'Oo nga hindi naman totoo.' So, okey na, Tito Boy."

Tough Ten Question No. 2: Bibigyan kita ng tatlong pangalan: Anne Curtis, Alex de Rossi and Nikki Gil. Kung ira-rank mo ang tatlong ito from 1-3, and 'one' being the best, sino ang pinakagusto mong maging close friend?

"Number one ko po si Nikki Gil kasi magkasama po kami sa Pinoy Dream Academy . 'Tapos nagkaroon po kami ng segment sa ASAP. It's called 'D-Lite'. So, madalas po kaming mag-host together. May segment kami sa ASAP kaya madalas kaming mag-rehearsal at mag-recording na magkasama kami. So, si Nikki Gil po ang number one. 'Tapos ang number 2, si Anne kasi nakasama ko siya sa Maging Sino Ka Man. At saka sa ASAP, magkasama kami. 'Tapos number 3 si Alex, kasi wala po kaming napagsamahan," sambit ni Toni na ikinatawa ng malakas ng audience.

Tough Ten Question No. 1: Kung sa oras na ito ay kaharap mo si Direk Paul Soriano, lumuhod at may dalang singsing at tinanong ka, "Toni, will you marry me?" This question is answerable by a 'yes' or 'no', ano ang iyong sagot?

"Dalawa yung sagot ko, Tito Boy. Yes, but not now."

Isa lang ang tanong ko, if it's 'yes' but not now, when?

"Later," pabirong sagot ni Toni na talaga namang ikinatawa nang malakas ni Boy at ng audience.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN