Claudine Barretto plans to put up an orphanage

Last Christmas, Claudine Barretto and husband Raymart Santiago opened their house to 10 orphans. "Because we have a plan to put up an orphanage. Yung mag-partner with another institution para mag-build ng orphanage. Ito talaga yung dream ko before pa. That's why we're thanking God for Sabina. And hindi lang talaga natuloy ngayon kasi mahirap pa. Marami pa talaga akong dapat matutunan," revealed Claudine in her interview with Kris Aquino in The Buzz last


Bitbit ang glass trophy from YES! magazine as Readers' Choice for Young Female Superstar, personal na nagpasalamat si Claudine Barretto sa YES! at sa Summit Media para sa naturang award, sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, February 8.

"Sobra akong natutuwa talaga, kasi nga Young Female Superstar Readers'Choice Awards. I am really sobrang grateful kasi iba na talaga kapag ang mga tao na ang bumoto sa iyo, di ba? It's like parang box- office, kapag nag-hit ka, like noong nag-Sukob tayo, alam mo na talagang mahal ka ng mga tao," bungad na pahayag ni Claudine sa interview ng host na si Kris Aquino.

Doble ang saya ni Claudine dahil bukod sa pagbibigay sa kanya ng award ng YES! ay nagkaayos na rin sila ng editor-in-chief nitong si Jo-Ann Maglipon. Matatandaan kasing nagkaroon ng gusot sa pagitan nina Claudine at Jo-Ann na humantong pa sa demandahan dahil sa paglalabas ng Hi!magazine ng mga pictures ng adopted daughter nina Claudine at Raymart Santiago na si Sabina sa July 1-15 2006 issue nito. Executive editor noon ng Hi! si Jo-Ann noong lumabas ang mga litrato ni Sabina.

"You can see naman na wala na talagang problema. I actually texted Jo-Ann kanina and Ms. Lisa Gokongwei, and also Summit, because talagang big deal sa akin itong award na ito," dagdag pa ni Claudine.

WHAT'S NEXT FOR CLAUDINE? Sumunod na mga tanong naman ni Kris kay Claudine ay tungkol sa kanyang buhay ngayon. Ayon kay Kris, after Iisa Pa Lamang, ay wala pang bagong TV show si Claudine. Nakikita lang siya ngayon sa mga commercials. So, what's next nga ba kay Claudine?

"Well, kasi si Raymart [Santiago, husband ni Claudine] is finishing his soap pa sa kabila, e. So, parang may usapan kami na sana hindi kami sabay na mag-work. Hindi nag-o-overlap. Pag nag-overlap, dapat same day. Iisang taping like M-W-F. Para yung Tuesdays, Thursdays, Saturdays and Sundays, we spend time together. So, ngayon, magwo-work pa rin siya, after his show. But I can start na, parang ganun. Kasi, parang sayang, they [their children Sabina and Santino] grow up so fast and I'm not as blessed as you that you can bring your kids to the set," paliwanag ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong uli ni Kris,"Since you brought up the kids, how did Sab [Sabina] change your life? Kasi parang naiba yung outlook mo sa buhay. So, what did she do to Claudine as a person?"

"I think she is talagang my miracle, my angel, my joy. Without her, hindi namin alam ni Raymart kung ano ang mangyayari sa amin kung wala siya. We became better individuals because of Sabina and naging strong yung foundation ng marriage namin. And hindi pa kasi kami noon, e, I was single pa then, when I adopted her. So, parang I really looked at her as parang she's really the miracle that God gave us. Kasi sabi nila noon matatagalan akong magbuntis. So, when we went to the doctors, sabi nila siguro mga five or ten years pa, ganyan-ganyan. And then, I think that's why it's so easy for us to have Santino because of Sabina."

CLAUDINE AND THE KIDS. "And she opened up your heart to so many others, di ba?" follow up ni Kris.

"Sobra."

"What happened to you during the Christmas season? Kasi I saw you na talagang parang naging open house yung bahay mo. How many kids did you take care of?" tanong ni Kris.

"We took care of ten. Mga three weeks old, mga a month old. Yung pinakamatanda na was two or three months. So, lahat infants pa."

Ano ang nag-udyok sa kanya to do that?

"Because we have a plan to put up an orphanage. Yung mag-partner with another institution para mag-build ng orphanage. Ito talaga yung dream ko before pa. That's why we're thanking God for Sabina. And hindi lang talaga natuloy ngayon kasi mahirap pa. Marami pa talaga akong dapat matutunan.

"Trinay namin and it worked naman. Kaya lang yung orphanage, naging sa bahay namin. And also, we really went to DSWD [Department of Social Welfare and Development] . We really asked for permission para ma-license. Kasi bawal yun, e, if you're not licensed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong binabalik na sila, how did you feel?" asks Kris.

"Mahirap, sobra. Kasi you really get attached, e. Pero ang goal mo talaga is to give them a family as early as... sana hindi na umabot ng six months, di ba? Ang hirap kasing mag-adopt pag four years old na, pag five. Minsan tumatanda na sila sa orphanage, so, parang yun ang goal ko na sana hindi na ganun. And I think, if I'm not mistaken, by next month parang one month lang nasa pangalan na ng mag-a-adopt. Basta may psychological test. So, nakakatuwa. Ngayon, I'm really gonna train under DSWD."

"THE ANGELINA JOLIE OF THE PHILIPPINES." Ani Kris, si Claudine daw ang tinagurian nang "Angelina Jolie of the Philippines." Saan daw ba nanggaling yung pagke-care na ganun ni Claudine para sa mga bata, to think na siya pa nga ang youngest sa Barretto sisters and therefore "the baby."

"Before kasi, I really wanted to have a little sister pa. Kaya lang hindi na puwede kasi my mom is forty-plus na. Siguro it started like that. And then, I was forcing my parents to adopt. Hindi naman puwede. Finally, noong pumayag na sila, yun naman yung nasunog yung orphanage, habang inaayos yung papers. So, meron yung root na ganun, kaya gusto ko. Kasi when my parents said, okay we can foster and adopt, yun nga, nasunog. Kaya gusto ko na mag-adopt."

MARRIED LIFE. Sumunod namang pinag-usapan nina Kris at Claudine ang tungkol sa marriage and Claudine's husband Raymart. Sabi pa ni Kris, sina Claudine at Raymart daw yung couple na naging maingay nung magkarelasyon na. But from the time nang ikasal sila up to now, it's really been peaceful. "So, saan nanggaling yun? Dahil ba pasensyoso si Raymart or dahil mapag-alaga ka?"

"I think both. At saka yung lagi nga naming sinasabi ni Raymart, you really have to put God at the center of your relationship. Counseling, it really helped. Kasi yung iba, last resort na lang yun, di ba? Now tayo, we know na hindi nakakahiya mag-counseling hangga't maaga pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nag-comment pa si Kris na kaya raw sila pumunta sa counseling noon ng asawa niyang si James Yap ay dahil kina Claudine.

"Maganda kasi yun, kasi may nagsasabi sa iyo na mali yung ginawa mo, nakakasakit ka na. So, we're really blessed kasi yung mga pastors namin, yung church namin, sobrang nakatutok sa family," sabi pa ni Claudine.

Nagtatampuhan pa ba sila ni Raymart?

"Oo, meron naman."

When was the last?

"Hindi. Pero meron. Usually ako. Ako yung matampuhin. Siya kasi pasensyoso talaga."

At pinuri pa ni Kris ang pagiging mabuting kaibigan ni Claudine sa kanya. Ayon kay Kris, "You know, when she's your friend, she's your friend talaga for life. May loyalty talaga siya sa kaibigan."

ANGEL LOCSIN. Sumunod na tanong ni Kris kay Claudine ay ang tungkol sa pagkakaintriga niya last year kay Angel Locsin. "But now, would you say na kaya mong i-friend si Angel?"

"Oh, yes. Magka-text kami. I text her, I asked her how she is. And I give her books. So, ganun. But close, no."

Pero you're open ba to friendship?

"Oh, yeah, oo."

TV AND MOVIE PROJECTS . Ano na ang bagong aabangan kay Claudine?

"Well, I'm doing a soap opera this year. Hindi ko pa lang alam kung sino ang makakasama ko. And then I'll be doing a movie."

"Ano ba yung last movie mo?" tanong ni Kris.

"Yung sa atin pa, Sukob. Kaya gawa na tayo ulit."

So, what is Claudine's next movie?

"Well, last year when we were talking to Star Cinema, one with Aga [Muhlach] and supposedly, one with Gabby [Concepcion]. Kaya lang the problem is kailangan yata mauna yung sa kabila [GMA Films]. I'm not sure. Pero the one with Aga, that's the one that's sure."

THE TRANSFER ISSUE. Since nabanggit na ni Claudine ang tungkol sa "kabila" (GMA-7), inungkat na rin ni Kris ang tungkol sa naging issue noon na pag-iisip diumano ni Claudine na lumipat na rito from ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No talaga. I've been a Kapamilya for 16, 17 years and walang contract. Lalo na with Star Magic, no contract sa Star Magic. At saka walang offer. Paano ka lilipat, walang offer? Yun ang totoo doon. Ayoko kasing maglaro ng ganun, e. Nagba-bluff. Mamaya they call you a bluff, 'tapos wala naman talaga. Kasi wala naman talaga. Although ninong at ninang ko rin yung sa kabila."

"But dito ka sa ABS?" tanong uli ni Kris.

"Oo. At hindi naman sila nagtatanong. Talagang Kapamilya naman ako. I'm happy to be here."

Nagbigay na rin ng message si Claudine para sa birthday ni Kris sa February 14.

"I just pray talaga for happiness pa and good health pa for your family, most especially for your mom. And that you and James, mas maging strong pa yung relationship n'yo. Thank you for being my sister. Thank you so much talaga. I love you. And happy, happy birthday to you and to James."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN