Survivor castaway John Lopez wants to hone acting skills before going sexy

"Kung pagpapaseksi po, mas gusto ko muna pong ma-hone ang skill ko sa acting bago po tayo magpaseksi. Kasi po, mas maganda na sexy ka na, tapos magaling ka pang umarte," says John Lopez.


Si John Lopez ang model cum auto mechanic na naging castaway ng kauna-unahang Survivor Philippines. Si John din ang masasabing pinakamasipag among the castaways. Kahit galing naman siya sa maykayang pamilya, nasubukan na rin niya ang iba't ibang klase ng trabaho pagkatapos niyang mag-graduate ng dalawang kurso—B.S. Computer Science sa AMA at Automotive Technician sa Don Bosco Makati at TESDA.

JOHN, THE ACTOR. Ngayon ay pinasok na rin ni John ang pagiging artista. Siya ang leading man ni Rochelle Pangilinan sa 21st season ng Daisy Siete na "Tarzariray."

Nag-e-enjoy raw si John ngayon sa pag-arte.

"Enjoy na enjoy po ako sa taping at ang dami ko pong natutunan sa acting. Kasi po, wala po talaga akong balak umarte, ito lang po. Pero ang dami ko pong natutunan kung paano ang tamang facial expression, like sa mga ganitong klaseng eksena. Pero marami pa po akong kakaining bigas at marami pa po akong dapat matutunan talaga."

Pero ayon sa kanya, wala talaga sa plano niya ang maging artista nang sumali siya sa Survivor Philippines. Ang talagang pakay niya lang kaya siya sumali sa Survivor Philippines ay dahil sa three-million cash prize.

"Yun po talaga," sambit ni John. "Dahil ang gusto ko po sana kung halimbawa at mananalo ako ng cash prize, mapapa-expand ko sana yung talyer ko, which is nasa garage po ng bahay namin sa Pasay.

"Pero, at the same time, di ba, tayong mga Pinoy, nandoon yung mga doubts na 'ano ba talaga 'to? Totoo ba talagang nangyayari yung mga challenges or staged lang'? So, gusto ko pong patunayan at prove na prove ko po na hindi pala [staged]. Muntikan pa ako sa health," lahad ni John nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng Raven Models ni Raoul Ramirez para kay John kahapon, February 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECOND CHOICE. May usap-usapan na second choice lang si John for his role sa "Tarzariray" dahil balitang it was first offered to JC Tiuseco, na siyang nanalo sa Survivor Philippines. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, yun po ang sabi nila. Actually, nalaman ko lang po yun noong presscon na. Ang first choice po ay si JC yata. Tapos, ako nga raw po yung second choice. Pero sa akin naman po, wala namang kaso yun. Basta kung ano ang ibigay sa akin ng Diyos, and which I think ibinigay naman po talaga sa akin ng Diyos itong project na 'to, wala pong kaso sa akin kahit na second lang ako at si JC ang first choice. Basta po ako, kinuha po nila ako at hindi ko po sila papahiyain dahil ibinigay po nila sa akin ang role na ito."

SEXBOMB ROCHELLE. Kumusta naman sila ng leading lady niya na si Rochelle?

"Okey na okey po si Rochelle at wala pong kaarte-ate," sagot ni John.

Hindi itinanggi ni John na posibleng magustuhan niya si Rochelle.

"Meron po. Pero sa ngayon, concentrate muna ako sa acting."

Kinikilig daw si Rochelle sa kanya. Totoo ba ito?

"Kinikilig din po ako. Actually, para po akong bata!" natatawa niyang sabi.

"Si Rochelle naman po, nasa kanya naman po ang mga katangian na hinahanap ko. Napaka-focused niya sa trabaho. Mahal na mahal niya ang pamilya niya. Mabait, maasikaso. Although, yun nga lang po, hindi pa po kami yung close na close na ganoon kalalim ang pinagsasamahan namin," saad ni John.

Among the Kapuso stars, ang gusto raw niyang makasama ay sina Iza Calzado, Rhian Ramos, at Heart Evangelista.

LIFE IS BEAUTIFUL. Dahil sa pagsali niya sa Survivor, mas na-appreciate daw ni John ang buhay niya ngayon.

"Mas lalo ko pa pong minahal ang buhay ko dahil po sa Survivor," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano na ang masasabi niyang binago sa kanya ng Survivor?

"Yung pananaw ko po sa buhay," sagot ni John. "Mas naging seryoso po ako ngayon sa buhay, sa trabaho. At saka sa family, mas naging close po ako sa family. Kasi, talagang isa lang pala ang buhay. Kaya talagang as in dapat i-cherish mo na. Tapos yung mga kaaway mo sa family mo, batiin mo na."

Ginawa ba niyang lahat yun paglabas niya ng Survivor?

"Ginawa ko pong lahat yun!" bulalas niya. "Pagkabalik ko, yung uncle ko po, hindi kami nagkakasundo, pero ako na po ang nag-initiate."

LOST LOVE. Tulad ng Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco, nawala na rin daw ng karelasyon si John. Kung si JC ay nakipag-cool-off sa kanyang girlfriend after Survivor, sa kaso ni John ay bago pa man daw siya mag-Survivor ay nakipag-break na sa kanya ang girlfriend niya.

Wala pa raw silang one year ng huling girlfriend niya. Pero ngayon ay mag-e-eight months na siyang walang girlfriend.

"Sa sitwasyon ko naman po kasi, modelo po ako, hindi po siya modelo. Nag-aaral pa po siya. E, sa modeling pa lang po, medyo magulo na. Tapos, magso-showbiz pa ako dahil na-anticipate na po niyang yung Survivor, parang showbiz. So, hindi pa man, tinapos na po niya yung relationship," lahad ni John.

"Against po kasi siya sa showbiz," patuloy niya. "E, ako naman yung tipo ng tao na hindi ko pinaplano. Pero kapag may opportunity at dumating at alam ko na ikaka-gain ko, susubukan ko po."

SURVIVOR CASTAWAYS. Among the castaways, si Jace Flores daw ang pinaka-close kay John.

"Pareho po kasi kaming into gym. Tuwing may challenges, like yung diskarte namin, halos parehas na parehas kaya naging close po kami," sabi niya.

Si JC, hindi ba sila naging close?

"Ibang tribe po kasi si JC," paliwanag ni John. "Siguro po kung nagkasama po kami sa same tribe, siya po ang magiging close ko. Kasi bago po maghiwalay, bago pa magkaroon ng Jarakay at Naak, di ba po, all males muna and all females? Noong all males, ang alliance ko po si JC, Jace, at saka ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Among the Survivor castaways na pumasok na rin sa showbiz, marami ang naniniwala na si John ang magpapa-sexy. Ano ang reaksiyon dito ni John?

"Nakahubad na po ako sa Survivor noon, e. Actually, ano po ako nun, 16 days po akong walang t-shirt noon dahil nawala po ang t-shirt ko."

Dagdag niya, "Kung pagpapaseksi po, mas gusto ko muna pong ma-hone ang skill ko sa acting bago po tayo magpaseksi. Kasi po, mas maganda na sexy ka na, tapos magaling ka pang umarte."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN