Jennylyn Mercado on Patrick Garcia: "Hindi na ako galit."

Jennylyn Mercado claims that ex-boyfriend Patrick Garcia—who also happens to be the father of her child—is not making any effort to reach out. "Kung ako naman sa sitwasyon niya, di ba, kung talagang gusto mo, gagawa ka naman ng paraan?" Jen reasoned out.


Muling mapapanood sa telebisyon ang tambalang Jennylyn Mercado at Mark Herras sa bagong handog ng GMA-7 Sine Novela, Paano Ba Ang Mangarap?, na magsisimula nang mapanood sa February 16.

Considered as one of GMA-7's most successful love teams, Jennylyn and Mark make a comeback together sa nasabing afternoon soap matapos ang mahaba-haba ring panahon.

Malalim ang pinagsamahan nina Jennylyn at Mark, na nagsimula pa noong 2003, kung saan kapwa silang sumali at nagwagi sa reality-based artista search na StarStruck. Natuloy sa totohanan ang pagtitinginan nila at umabot din ng isang taon mahigit ang kanilang relasyon.

Maayos naman daw ang naging breakup nila kung kaya't hindi nawala ang friendship. Kahit pa nga nabuntis si Jen early last year courtesy of then boyfriend Patrick Garcia ay nanatiling bukas ang communication lines sa pagitan ng dating magkasintahan.

WELL AT EASE. Ito marahil ang dahilan kung bakit nananatiling magaan ang working relationship nina Jen at Mark. Hindi nga raw nagkaroon ng problema ang direktor ng Paano Ba Ang Mangarap? na si Joel Lamangan sa kanyang lead stars.

"Kumportable pa rin. Wala pa ring ilangan," diretsong pahayag ni Jen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sa press conference ng Paano Ba Ang Mangarap? kaninang hapon, February 10, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Maging si Jennylyn nga raw ay hindi makapaniwala sa lasting appeal ng kanilang tambalan na halata rin daw kahit mismo sa production staff ng programa.

Kuwento ni Jen, "Nakakatuwa! 'Pag sa set kasi, 'pag merong scene kami together, tapos 'yong mga tao sa set, 'yong sa production, kinikilig sila, sumisigaw sila, so, nakakatuwa."

Bagama't panandaliang naputol ang kanilang screen tandem ay hindi naman daw nanghihinayang si Jen. Palagay pa nga niya ay malaki ang maitutulong nito sa programa at sa kanilang respective careers.

"Okay lang kasi at least na-miss kami ng mga supporters namin. Tapos parang ang dami din naming napagdaanan. Parang alam mo 'yon, ini-enjoy namin 'yong best ng isa't isa, kasi nga ang dami na naming na-experience."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON PATRICK & GLAIZA. Kung maayos ang naging paghihiwalay nina Jen at Mark, taliwas naman sa kinahinatnan ng relasyon ni Jen sa dating boyfriend na si Patrick Garcia.

Idiniin ni Jen na wala na siyang hinanakit kay Patrick bagama't iwas na rin siyang pag-usapan ang anumang patungkol sa dating kasintahan at ama ng kanyang anak na si Alex Jazz.

"Hindi na ako galit," diin ni Jen. "Wala na akong bitterness. Wala na akong grudge. Mahirap 'yong nagtatanim ng sama ng loob. Siguro kung makakasalubong ko siya, okay lang...wala na 'yong galit."

Acting wise, malaki raw ang naiambag ng kanyang naging karanasan para sa kanyang growth bilang aktres. Paliwang ni Jen, "Nakatulong siya sa acting abilities ko kung saan ka humuhugot ng emosyon."

Ayaw namang makialam ni Jen sa balitang nililigawan daw diumano ni Patrick ang fellow Kapuso star niyang si Glaiza de Castro.

"Hayaan n'yo na kung saan sila masaya, hayaan n'yo na," iwas ni Jen. "Wala talaga, kasi kaibigan ko si Glaiza. Wala akong negative reaction," dagdag nito nang hingan ng reaksyon sa nabanggit na balita.

Wala ring balak ang StarStruck alumna na siraan si Patrick kay Glaiza kung sakaling humingi ng advice ang huli. "Stay in love," nakangiting sambit ni Jen nang pilitin itong magbigay ng maikling payo kay Glaiza.

"Basta ayokong mag-comment kasi ayoko naman makialam," sabi pa ni Jen.

Kung si Jen naman ang tatanungin ay wala raw siya dini-date sa kasalukuyan at kung meron mang dumating o magparamdam ay ito lang ang nasabi ng aktres: "Siguro kung meron man akong idi-date, non-showbiz na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN