Chynna Ortaleza reprises Amy Austria's role in Paano Ba ang Mangarap?

"Napanood ko ang pagganap ni Ms. Amy. Talagang nang sinabi nilang ako ang gaganap ng role niya, kinausap ko si Ms. Amy kaagad. Nag-message ako sa kanya sa Facebook. Nag-PM ako sa kanya na, 'Ako po ang gaganap ng Maya Benitez at sana nga po, magampanan ko nang tama tulad n'yo,'" relates Chynna Ortaleza about informing Amy Austria that she will reprise the award-winning actress' role in Paano Ba ang Mangarap?.


Kumpara sa past roles ni Chynna Ortaleza, mas mature ang role niya ngayon sa pinakabagong afternoon soap ng GMA-7, ang Sine Novela Presents Paano Ba Ang Mangarap?. Ginagampanan ni Chynna rito ang papel bilang girlfriend ni Mark Herras na si Maya Benitez, ang role na unang ginampanan ni Amy Austria sa pelikula.

Sa trailer pa lang ng Paano Ba ang Mangarap?, na magsisimula nang umere sa Lunes, February 16, ay may ipinakita nang bed scene at kissing scenes sina Chynna at Mark. Tuloy, yun ang unang kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa young actress sa presscon kahapon, February 10, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City..

"Wala actually, puro ganoon lang naman, suggestive lang naman," paglilinaw ni Chynna. "Si Direk Joel Lamangan naman kasi, pagdating sa mga daytime drama, hindi naman siya gumagawa ng mga love scene na parang makikita mo sa pelikula. Everything is tastefully done naman."

Bagama't hindi naman nagkakalayo ang age nila nina Mark at Jennylyn Mercado, pero dahil sa parang "ate" ang naging relationship niya sa halos karamihan ng StarStruck graduates, na-imagine ba niya na magkakaroon pala sila ng mga ganitong eksena ni Mark in the future?

"Actually, hindi ko nga siya ma-consider na love scene or bed scene," sabi niya. "Puro ano lang talaga siya, suggestive. So, hindi ko rin masasabing una kong naka-love scene si Mark. So, wala pa talaga...hindi pa talaga ako nagkakaroon ng chance na yung nahirapan ako at kinailangan kong bitawan yung inhibition ko, wala... Usually naman, kung kailangan ko sa kuwento, gagawin at gagawin ko naman."

Would she say na isa rin ito sa most mature role niya?

"Yes!" mablis na sagot ni Chynna. "Mabigat nga kasi yung character. Sabi nga ni Direk Joel sa movie, hindi ganoon kabigat, talak lang siya nang talak. Dito [TV version], mabigat kasi ang dami niyang dala. Ang dami niyang ginagawa na kontrabida siya, pero ang dami mo rin awa na mararamdaman sa kanya. At the same time, maiinis ka kasi parang hindi siya nag-isip."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARK-JENNYLYN REUNION. Ano ang nakikita niya ngayon sa balik-tambalan nina Mark at Jennylyn?

"Nakikita ko very professional. How they handle the character, how they study. Kasi dati, hindi ko naman 'yan nakikita, like kay Mark. Totoo yung sabi ni Jen na ang harot niyan, naglalaro.

"Pero noong first time ko siyang makasama, first taping day ko, talagang gulat na gulat ako. Sabi ko, aba, congratulations, basang-basa mo ang script mo, a! So, siguro rin, ang sarap katrabaho ni Direk Joel dahil lahat kami aral. Walang time sa set na pabandying-bandying lang kami. Talagang kapag 'eto na, diretso na kami kay Miss Ann Villegas [their acting coach], inaaral na namin lahat."

Dugtong pa niya, "Parang ate naman nila ako. So, ngayong balik-tambalan sila, masaya ako. Feeling ko, hindi naman nawala ang chemistry nila and for a fact na sana makatulong ako sa kanila. Si Jen, tanggap na ng taong mature na. Pero si Mark, ito yung vehicle niya na magbabago sa mga role na papasok."

AMY AUSTRIA'S BLESSING. Napanood daw ni Chynna ang original version ng Paano Ba ang Mangarap?, which starred Vilma Santos, Christopher de Leon, Jay Ilagan, and Amy. Ang bigat daw ng character niya bilang mayaman, maganda, pero hindi siya minamahal ng lalaking mahal niya. Tapos, makikita pa niyang nagkakagusto sa iba.

"Napanood ko ang pagganap ni Ms. Amy. Talagang nang sinabi nilang ako ang gaganap ng role niya, kinausap ko si Ms. Amy kaagad. Nag-message ako sa kanya sa Facebook. Nag-PM ako sa kanya na, 'Ako po ang gaganap ng Maya Benitez at sana nga po, magampanan ko nang tama tulad n'yo.'

"Ini-encourage niya ako na parang for me, gusto kong ipaalam sa taong gumanap before. Parang respeto. Para rin, 'Tita, tulungan n'yo na rin ako.' Tapos sabi niya, 'Anak, kayang-kaya mo 'yan. Ikaw pa, mahihigitan mo pa 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, kasi sa Sugo, magkasundo kami, tinutulungan niya ako ever since. So, nagpapasalamat ako sa kanya, kasi binigyan niya ako ng go-signal na talagang i-tackle ang role. Plus, si Direk Joel, hindi puwede sa kanya yung acting na puwede na. So, every time na nasa set ako, handa ako," lahad ni Chynna.

Masaya raw siya na balik-afternoon soap siyang muli.

"Oo, kasi ako, masaya naman ako basta drama. Ewan ko, ha, hindi ako pang-fantaserye, feeling ko. Tapos ibinalik nila ako rito. With Direk Joel pa na nakatrabaho ko sa Obra, and marami namang nag-praise sa performance ko sa Obra. Kaya alam ko na dito, hindi ako magkakamali with Direk Joel around."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN