Mark Herras: "Wala akong kainte-interes sa ngayon na magkaroon ng relationship."

"Actually, kasi yung isyu na sinasabing ako raw ang umamin, wala. Walang katotohanan yun. Walang nangyari na nanggaling sa bibig ko na naging kami. Hindi ko alam kung paano lumabas. May nag-interview lang sa akin na, 'Mark, naging kayo raw ni Rhian?' Ang sinabi ko lang, hindi kami nagkaroon ng official relationship, parang M.U. lang," clarifies Mark Herras.


Para kay Mark Herras, iba talaga ang love team nila ni Jennylyn. Kahit naipareha na sila sa iba, marami pa rin ang naghahanap at nagre-request na magkasama silang muli. Kaya sa bagong Sine Novela na Paano Ba Ang Mangarap? ay parang pagbibigay raw nila at ng GMA Network sa kahilingan ng kanilang fans.

"In a way, sobrang kumportable na namin sa isa't isa. Like sa mga scenes namin sa Pangarap, yung iba intimate. Siguro kung iba ang kapreha namin, puwedeng magka-ilangan muna. Kay Jen kasi, kumportable na nga," saad ni Mark sa presscon ng Paano Ba ang Mangarap? kahapon, February 10, sa Kamayan restaurant sa West Ave., Quezon City.

Mas focused at mas seryoso na rin daw si Mark sa pag-tackle ng bawat role na ginagampanan niya, tulad nga rito sa Paano Ba ang Mangarap?. Hindi na raw siya maharot at malikot sa set at palaging prepared tuwing taping.

NO INTEREST. Hindi naman daw kaso sa kanya kung sakaling magkakabalikan sila ng dating kasintahan, kahit na may anak na si Jennylyn. Pero, aniya, iba na raw kasi ang focus niya ngayon.

"Hindi naman magiging hadlang. Pero yun nga lang, not now. Parang wala akong kainte-interes sa ngayon na magkaroon ng relationship. Priority ko talaga trabaho, which is ever since naman," sabi ni Mark.

Hindi kaya dahil naide-deny siya ng mga naging karelasyon niya noon kaya niya ito nasasabi?

"Siguro kasama na rin yun, "pag-amin naman ni Mark.

Naapektuhan ba siya na pagkatapos niyang aminin ang mga naging karelasyon niya in the past, like Rhian Ramos and Ryza Cenon, ay pareho namang tumanggi ang mga ito?

"Sanay na, e," nakangiti niyang sabi. "Sanay na siguro kaya parang next time, hindi na lang siguro ako aamin."

Posible kayang dahil parang late na niya itong inamin?

"Hindi, hindi," tanggi niya. "Actually, hindi naman too late. Hindi ko naman sinadyang aminin ng late. Naitanong lang sa akin kung sino... Like sa Showbiz Central, tinanong sa akin kung sino ba ang mga naka-relationship ko na hindi pa alam. Hindi ko siya sinasabi na inamin ko siya sa Showbiz Central kundi sinagot ko lang ang tanong nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RHIAN-JC CONFLICT. Dahil daw sa pag-amin niya, nagkaroon tuloy ng isyu sa pagitan nina Rhian at JC de Vera. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, actually, kasi yung isyu na sinasabing ako raw ang umamin, wala. Walang katotohanan yun. Walang nangyari na nanggaling sa bibig ko na naging kami. Hindi ko alam kung paano lumabas. May nag-interview lang sa akin na, 'Mark, naging kayo raw ni Rhian?' Ang sinabi ko lang, hindi kami nagkaroon ng official relationship, parang M.U. lang.

"Siguro ang pinakamaganda lang diyan, kung may nalaman ka, ang unang tinatanong ay ako para ma-clear kung ano ba ang totoo o hindi. Mahirap yung nakikinig kung kani-kanino, tapos hindi totoo. Although, hindi ko naman naririnig yung mga sagot niya sa side niya [Rhian]," mahabang paliwanag ni Mark.

Feeling naman daw ni Mark, okey naman na ngayon. Wala naman daw kaso sa kanya kung na-deny siya.

"Ang point ko ngayon, ayokong manggulo. May JC-Rhian, e. Ayokong makaapekto yun. Kami naman ni JC, barkada kami kaya ayokong makagulo."

Pero puwede ba niyang sabihin kay JC na wala itong dapat ika-worry sa kanya?

"Well, puwede ko namang sabihin, pero hindi naman kailangan," sagot ni Mark.

BE MY VALENTINE. This Valentine's Day, kahit loveless daw siya at walang girlfriend, hindi naman daw nangangahulugan na dateless din siya.

"Naka-set na yun. Makikipag-date ako sa Valentine's Day. Ang ka-date ko, yung mama ko. Natanong ko na siya kung ano ang gusto niyang kainin. E, ang gusto niyang kainin yung mga Filipino foods, so baka magpa-reserve na lang ako sa Morato or something."

First time daw niyang ide-date ang mommy niya sa V-day.

"Yun nga ang main factor, first time ko siyang ilalabas kaya tutuparin ko. Wala naman akong date. So, naisip ko, bakit hindi nga si Mama at ako ang mag-date. Tinanong ko lang siya, sabi ko, 'Labas tayo sa Valentine's Day,'" lahad ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN