Kim Chiu is now open to tender kissing scenes

"Siyempre mahal ko ang trabaho ko. Baka pag di ko ginawa yun, wala na akong trabaho. Sa akin, okey lang, smack lang naman. Pero pag todo na, hindi na puwede. Wala pa sa mind ko yung ganyan," says Kim Chiu about kissing scenes in movies.


Marami ang nagulat sa kissing scene ni Kim Chiu with Jake Cuenca sa ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa. Kilala sa kanyang wholesome image, mukhang paunti-unti nang kumakawala si Kim sa mga pa-cute at teenybopper roles.

"Medyo ganun nga," pagsang-ayon ni Kim. "Para hindi naman masanay yung mga tao sa akin na lagi akong pa-tweetums, na may mga bawal-bawal. Kaya 'ayun, pina-mature nila nang kaunti yung role ko. Pero kaunti lang naman, hanggang dun lang."

Sinabi ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kinabahan siya nang gawin niya ang kissing scene nila ni Jake. Pero dahil alam niyang trabaho ang lahat, naging bukas na siya sa ganitong mga eksena.

"Siyempre mahal ko ang trabaho ko," sabi niya. "Baka pag di ko ginawa yun, wala na akong trabaho. Sa akin, okey lang, smack lang naman. Pero pag todo na, hindi na puwede. Wala pa sa mind ko yung ganyan."

Marami tuloy sa mga Kimerald fans ang nag-aabang kung may kissing scene din sila ng ni Gerald Anderson, na kasama rin sa Tayong Dalawa.

"Hindi ko alam, pero wala pa kaming nate-take na ganung eksena."

Since nasimulan na sa Tayong Dalawa, open na kaya si Kim na gawin na rin ang ganitong mga eksena sa susunod niyang mga gagawing pelikula?

"Siyempre, artista ka, may love team ka. So, dapat handa ka sa mga ganung bagay."

HIGH RATINGS. Isa sa may mataas na ratings sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Tayong Dalawa. Para kay Kim, nagsisilbi itong inspirasyon para mas higit pa nilang pagbutihan ang pinagbibidahang soap opera.

"Masaya, sobrang nakaka-inspire na magtrabaho kasi nagustuhan siya ng mga tao," saad ni Kim. "Kumbaga, nagustuhan nila yung drama, kung paano mo in-act yung role mo, yung pag-atake ng mga kasama mo sa mga roles na pinu-portray nila. Sobra kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nanonood at tumatangkilik ng Tayong Dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ganda ng tinatakbo ng istorya ng Tayong Dalawa at sa mainit na pagtanggap ng tao dito, kapansin-pansin din daw ang sobrang kapayatan ni Kim onscreen, na minsan ay nakaka-distract na.

"Marami nga ang nagsasabi na payat daw ako. Yung mga eksena na yun, dati pa naming kinunan. Pero ngayon naman, medyo nag-gain na ako. Kumakain ako ng marami ngayon, exercise, I have a dietician," paniniguro ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN