John "Sweet" Lapus to file libel case against two showbiz reporters

"Hindi ako nag-react sa mga unang nilabas nila na kung anu-ano tungkol sa akin. Hindi bale sana kung constructive criticism at matatanggap ko iyon. Pero paninirang puri ang ginagawa nila. As in, nag-iimbento na sila ng kung anu-ano laban sa akin... Kaya I have decided na lumaban na. Hindi bale sana kung ako lang ang apektado, e, pati ang pamilya ko worried na rin para sa akin," says John "Sweet" Lapus about his plan to sue two showbiz reporters.


Sa gitna ng paghahanda ni John "Sweet" Lapus para sa kanyang Valentine show titled Sweet Valentine sa mismong Araw ng mga Puso, February 14, sa Techno Wave Bar ng Il Terrazo Building sa Tomas Morato Street, Quezon City ay may mas matindi pa siyang pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang linggo.

Matagal na ngang nabanggit sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng film and TV comedian at host ng Showbiz Central na may mahalaga siyang ia-announce at isang seryosong bagay ito. Aayusin lang daw niya muna ang mga kailangan bago niya isiwalat ito. Tiyak daw kasi na marami ang magre-react sa kanyang gagawin at kailangang paghandaan niya ito.

Nitong nakaraang Miyerkules, February 11 ay sinabi na nga ni Sweet na may kakasuhan siyang dalawang showbiz reporters dahil sa mga hindi magagandang sinusulat ng mga ito tungkol sa kanya.

Ilang beses na raw kasing nakakarating kay Sweet ang mga paninira na ginagawa ng dalawang showbiz reporters na ito at ilang beses din niyang dinedma na lang ito sa pag-aakalang titigil ang mga ito kapag wala siyang ginawang reaction.

"Hindi ako nag-react sa mga unang nilabas nila na kung anu-ano tungkol sa akin. Hindi bale sana kung constructive criticism at matatanggap ko iyon. Pero paninirang puri ang ginagawa nila. As in, nag-iimbento na sila ng kung anu-ano laban sa akin.

"Pero cool pa rin ako. May mga kinausap ako na mga kaibigan ko at sila pa ang nagsabi na dedmahin ko na lang. Kapag pinatulan ko pa baka mas humaba pa. Kaya ako, sige, dedma para walang gulo.

"Ang nakakalokah, e, hindi sila tumitigil. Tahimik na nga ako pero patuloy pa rin sila. So, it means na talagang nananadya. May intension talaga sila na siraan ako. Kumbaga, pinaplano talaga nila ito at target nila ako.

"E, tao lang naman tayo, di ba? Hindi ako santo at lalong hindi ako manhid. Hindi na maganda itong ginagawa nila kaya I have to do something. Hindi sila titigil hanggang nagpapakadedma ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya I have decided na lumaban na. Hindi bale sana kung ako lang ang apektado, e, pati ang pamilya ko worried na rin para sa akin.

"I have consulted people na may alam sa ganitong mga eksena. Agree naman sila sa gusto kong mangyari. Pati mga kaibigan ko, they will support me sa papasukin kong ito.

"Ginagawa ko ito para ipagtanggol ko ang sarili ko, pati na ang mga taong mahal ko. Ayokong umabot ito sa point na maaapektuhan ang trabaho ko. Kaya this is it!" mahabang salaysay ni Sweet.

Kaya pinadalhan kami ni Sweet (via text message) ng kanyang official statement tungkol sa gagawin niyang ito:

"My lawyer and I are now on the process of getting more evidence para mas malakas ang libel case against these two reporters. We already have two articles from each of them that are very libelous, not to mention ridiculous.

"As much as I do not want to do this because hindi ko naman sila kachika at wala akong atraso sa kanila, I have to so they would know that you don't just write something bad about a person dahil gusto mo or may kinakampihan ka.

"A few so-called 'journalist' now, has just no ethics at all. It's so sad. My lawyer advised me not to mention their names because we are still talking with their respective editors. I will have an update as soon as we file the case. Thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN